C H A P T E R: 11
THIRD PERSON P.O.V
BUSY sa pagpipirma si Dalter sa pag-aapruba na dagdagan ang 30th floor niyang building. Hindi niya pa alam kung ano ang ilalagay niya sa mga floor na iyon. Kung lagyan niya ba ng swimming pool at magpapalagay ng zipline? Zoo? Hindi niya alam, pero binabalak niya pang pag-isipan.Sa sobrang wala niya sa sa sarili, he finally decided to make a bigger bolder new look of he's company. New look raw para sa darating na taon. Binulabog lang siya ng sigaw ng isang babae at tawa ng lalaki na kilalang kilala niya na. May inis sa mukha niyang inangat ang tingin at nakita ang mag-jowa na gumambala sa kaniyang tahimik na trabaho. He sighed heavily and massaged his forehead. Masi-stress na naman siya.
"Dalter! Pangit ka! Sobrang pangit mo!"
Napakunot ang noo ng Dalter. Lagi na lang ito highblood tuwing nakikita siya. Ramdam niya ang sama ng loob nito sa kaniya kasi nagpapadala ito ng mga death threats. Kagaya na lamang ng kaniyang picture niyang topless na katawan na may mga tadtad na mura. Patay na palaka at voodoo doll. At hula niya 'din na isa ito sa gumagawa na article patungkol sa kaniya. Na isa siyang gangster at hindi pa tuli. Nababasa niya pa ang gawa-gawa na information tungkol sa kaniya na pinagatan na: FACTS! ALL ABOUT . . . DALTER GRAY FLOORMAN😝😋🤭
At magsasalita ng---"Je bent schaamteloos! Ik hoop dat je niet meer kunt plassen!" (T: Walanghiya ka! Sana hindi ka na maka-wiwi!)
Sigaw nito sa kaniya sa hindi maintindihan na lengguwahe. Nagkatinginan silang dalawa ng kapatid.
"Tahong.... tama na ang language dutch mo. 'Di ka namin gets." Kamot ulong saad ni Drape sa shota niya.
"Hou je mond!" (T: Shut up!)
"Çirkin!"(T: Pangit!) Sigaw ulit nito sa wikang Turkish naman. Naiiling na lang ang dalawang lalaki.
"What brings you here Drape? Your with. . ." hindi na nito natuloy ang sasabihin ng samaan siya ng tingin ng babae. Napabuntong hininga siya. Nag-cross arm si Dalter at isinandal ang likuran sa kaniyang swiveled chair. Wala siya sa mood ngayon--- kahit lagi naman siyang wala sa mood.
Tinignan siya ng kapatid. "Kuya, kakatapos lang ng pasko, trabaho agad?"
Inismiran niyo 'to. "Bakit? Kakatapos nga lang ng pasko . . . landi agad?" Asar siyang tinignan ni Drape. Nagtaasan sila ng gitnang daliri. Bale, walang nagpatalo sa kanilang dalawa dahil double na. Double pa-q na ang ginawa nila.
"Hoy pangit na Dalter, slash future brother in law! Huwag mong aawayin si Talong ko--- abujing abujing bebe Talong! Muwa muwa chup chup."
Pasimpleng kinuha ni Dalter ang kaniyang mahiwagang alcohol at in-spray-an ang paligid.
'Disinfect the germs . . . check,' bulong niya sa sarili. Kinuha niya 'din ang disinfectant spray, mosquito spray-spray. Feeling niya kasi ay may dalang dumi ang dalawa kaya tinadtad niya ng spray ang paligid ng kaniyang opisina.
Napansin siya ng kaniyang dalawang b'wesita kaya nakatanggap ulit siya ng double-double middle finger.
"Umalis kayong dalawa rito."
Hindi siya pinakinggan ng dalawa, tila walang narinig at mga bungol lang. Naiinis siyang ginulo ang buhok at tinutok ulit sa mga papeles na 'di niya pa napipirmahan.
Hinayaan niya ang dalawa na binuksan ang kaniyang flat screen TV na ubod sa laki pero 'di naman ginagamit kaya nagmumukha lang naman display. Siyempre, mayaman.
"Welcome sa BB news. Heto't kakausapin natin si Tatang na nabudol umano na mag-iina. Tatang . . . maari niyo bang sabihin ang iyong pangalan."
"Upo Miss. Wait lang pu ha. Binabati ku pu pala mga kamag-anak ku riyan!" Kumaway kaway naman ang matandang lalaki sa camera. Inilapit pa nito ang mukha kaya halos mapasigaw si Letter sa butas ng ilong ni Tatang sa TV. Kita ang mga kulangot at sipon nito. Inakbayan naman agad ito ni Drape.
"Ka-dugyot ni Tatang e!" Saad ni Drape. Tumango naman ang jowa niya..
"Tatang . . . Ang tanong ko po---"
Bigla na lamang pumalahaw ng iyak si Tatang. Tumutulo na rin ang sipon nito at pasimpleng yinayakap ang babaeng news reporter. Hindi naiwasan magbigay ng kumento si Letter sa napapanood na balita.
"Kita mo 'to Talong si Tatang. Ke tanda tanda na ka-manyak pa rin! Kaya ikaw! Kapag na pag-alaman ko lang na mambabae ka! Dudurugin ko 'yang tweety bird mo!"
"Opo Tahong. Ikaw lang S@pH@t lung$!" Nakatanggap siya ng malutong na sampal rito. Ouch!
"Enebe! Talong nemen! Hotel na ba diz?" Napailing na lang si Drape at sabay na lang ulit nila itinutok ang mata sa TV. Hindi man nanonood ay nakikinig
naman ang nanahimik na si Dalter. Chismoso din."Huhuhu! Tulungan niyu pu aku, aku pu si Kepoy. Nabudol po ako ng mag-iina, tulungan niyo po akong mahuli ang babaeng iyon. Huhuhu," nabahag naman ang damdamin ng dalawang magjowa sa narinig.
"Grabe, kahit bata? Dinamay pa? Grabe Talong! Kaya ikaw Talong! Pagnalaman kong nambubudol ka ng mga babae makita mo! Cha-chop chop-in ko 'yang eggnog mo!"
Napangiwi na ang Dalter. Sapilitan niyang ihinarap ang mukha nito sa TV. Ang jowa niyang may trust issues at nilalamon na ng kapraningan. Nalakasan niya ang pagpihit ng ulo ng jowa kaya nakarinig sila ng crack at bigla na lang dumanak ang dugo sa opisina ng kaniyang Kuya. Humiwalay na kasi ang ulo sa leeg ng babae. Char lang.
"Huhuhu! Miss Reporter . . . nagpanggap pu ang babae bilang isang kakilala ku pu! Sinasabi niya na siya si Kapipe Marimar! E hindi naman pala! Linuku niya aku! Linuku ba? Waaaa! Nanawagan po ako mga madlang pipol! Kung sino man ang makikita sa babaeng ito ay---"
"Makakatanggap po ba ng pabuya?" Tanong ng news reporter. Napakamot ng ulo ang lalaki.
"Anu . . . makakatanggap pu ng plus point sa langit!" At umiyak na naman ito habang hawak ang isang larawan. Tumutulo na ang uhug ng uhuging si Mang Kepoy. Na-close up din sa screen ang hawak nito para makita ng mga manonood. Malabo ang itsura ng pinapakitang larawan. Mukhang napapa-guess the picture sila kasi super labo talaga. Mukhang ewan. Parang kailangan pa nilang bumuo ng puzzle. Baliko-liko ang mukha at malaki ang butas ng ilong--- ganoon makikita ang itsura as larawan.
Ka-dugyot e.
Hindi na naman mapigilan mag komento ni Letter. May kinakain na rin itong popcorn at may hawak na drinks na milktea at maraming pearls. Request niya sa nobyo.
"Grabe . . . ingkanto ba 'yang pinapahanap ni Tatang? Ang gulo ng mukha niya Talong, ano?" Lumingon pa ito kay Dalter na nakatutok din sa malaking TV. Kumibit balikat ang isa.
"Hmm, hayaan mo na lang 'yan Tahong. Alis na lang tayo? Ang boring rito e." Kinikilig na hinampas sa leeg ni Letter ang jowa niyang si Dalter. Nangatal ang buong mga organs ng lalaki sa pagkaka-hampas sa kaniya. Napapasuka na siya ng dugo sa ginawa ng nobya.
"Mapanakit ka talaga ano?" Saad niya rito. Tinawanan siya ni Letter.
"Ako pa! Grrr," sabay kindat nito. Kinindatan din naman ito ng lalaki. Samantalang masuka suka naman si Drape sa mga naririnig niya.
"Dirty creatures," bulong pa nito sa sarili.

BINABASA MO ANG
Hiding Vowels (On-going)
Hài hướcSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ This story isn't perfect like other best authors here in wattpad. Though, I ho...