XVII

14 0 0
                                    

C H A P T E R: 17

CONSONANT P.O.V


P R E S E N T

UMILING ako. Hindi lang iyon ang mga masasakit na salita niyang sinabi sa'kin. Hindi lang iyon ang mga malulungkot na alala na nangyari. Marami pang naganap. Sa sobrang dami, naisulat ko na nga sa manila paper at isisend ko na lang sa Wish ko lang o sa SOCO.

Habang inaamin ko na sa sarili ko na hindi lang pagkagusto ang nararamdaman ko sa kaniya, at higit na roon sa like. Dahil love na, ay siya namang pagbabalewala niya sa'kin, naiiyak ang puso ko.
Uhuhu.

Minahal ko siya sa paraan na super na akong
naging agresibo, kulang na lang mangagat ako e. Roar!

Dahil sa napakadisperada ko, unti-unting nagbago ang sarili ko. Sumama ugali kahit masama naman talaga--- para mapansin niya lang.

Natutong magmataas sa sarili. At mainis sa buhay na ibinigay sa'kin kung bakit hindi ako naging mayaman tulad niya. Humuhingi ako ng labis dahil para sa'kin kulang pa. Kulang ako, kung wala ka🎶 by Angeline Quinto.

Nandoon na din ako sa point na . . . Sinubukan kong kontrolin siya kaso wala e. Siguro oo noong birthday niya pa . . . pero hindi din. Kasi alam kong maraming naapektuhan sa nangyari noon sa ginawa kong kasalanan sa pamimilit ko sa'king sarili sa kaniya.

Siya pa rin 'yung taong hinabol habol ko kahit hindi naman ako aso para habulin siya. Pero duh? Nag-costume talaga ako noon ng aso, iyung bulldog para pampalakasan. Napa-irap ako. Nahihiya ako sa sarili ko. Parang ang kati-kati ko noon--- may mga langgam kasi sa costume. Kaya ayon. Move on lang.

Pero anyways. Siya at siya pa rin ang Dalter Gray ng fifty shades of kapusukan ng pag-ibig ni Consonant.

Iyung lalaking gustong gusto nung 13 years old na ako. Na inibig at minahal ko sa edad na 18. At lalaking pinag-desperadahan ko na kulang na lang ibaba ko ang sarili sa paniniwalang may pag-asa ako sa kaniya. Na puwede ako sa kaniya. Na ako sayo at siya ay akin--- charot.

Like wow talaga kasi, hinihingi ko pa kay Drape ang mga briefs ng kuya niya. Pinapa-frame ko at kapag gipit, sapilitang binebenta. Gusto ko nga sana ma turn off sa brief niyang may puso puso. Kaso lalo ko siyang minahal roon.

Ilang beses ko din siyang sinend-an ng mga videos ko na nagtu-twerk it like miley. Ang kaso na-report ako ni Facebook. Nudes daw. Saklap.

Nagpanggap din akong katulong niya noon kasi lakas ng paniniwala ko na mafa-fall sa'kin ang aking master, kaso napagkamalan akong magnanakaw sa kaniyang mansiones.

Dahil sa pagmamahal. Wala ng natira sa'kin. Hindi ko na minahal ang sarili ko. Hindi ako nakuntento. Hindi ko na kilala kung sino ako . . . Kung paano ba dapat mahalin muna ang sarili bago ang iba. Glow up na muna talaga dapat.

Because of him, I change. Nang dahil sa kaniya, nagbago ako. I love him. Mahal ko siya. Samahan niyo ako. Lahat tayo ay malungkot. Heto emoji: 👉😔

Nakakalungkot at nakakawala sa sarili ang love. Nakakaligaw ng landas.

Naligaw talaga ako, napunta ako sa presinto e.

Gusto ko din makotongan ang sarili ko na may kasama na ding sabunot. Nahihiya ako sa kaniya. Lalo na sa mga pinagagawa ko noon. Nakakahiya! Ang bata ko pa kasi noong mga araw na iyon. Ang layo pa ng agwat ng edad namin. Tapos ang harot harot ko pa. Hindi ko ba alam at nagkagusto ako sa mas matanda sa'kin. Sabi raw kasi maganda ang malayo ang agwat ng makarerelasyon mo para may mature mag-isip sainyong dalawa. Ewan, siguro sa iba yata nagwo-work ang ganoong set-up.

Sa advanced ko naman kasi mag-isip at lumaki sa kalsada kasama ang mga matatanda noon kaya feeling ko puwede ko siya ipilit sa'kin. Edad ko 13 pero utak ko sa 25 na. Sabagay, tapos na din naman. Past is past. Huhu.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon