C H A P T E R: 53
NAGLALAKAD kami pauwi ni Dalter habang pinapapapak ko sa kaniya ang asukal. Isa kasi ito sa alam ko na mabisang lunas sa allergy. Halata ng ayaw niya na kainin ang hawak na ¼ one fourth na asukal. Sasampalin ko siya kung hindi siya susunod sa'kin.
"Do I need to sap this?" Ngumiwi ako. Yayamamin talaga ang lalaking 'to. Mahirap kapag laking inidoro ka lang e!
Sapsap na isda ang alam ko.
"Bobito ka kapag inubos mo 'yan!" Sumimangot siya. Sa ginawa niya nagmumukha siyang bata. Baby ni Ate Diane mismo. Umirap ako.
Kaunti na lang ang pamumula ng pisngi at ilong niya. Hindi na rin gaano naluluha ang mata nito. Muntikan na ngang mag-collapse kanina. Mabuti na lang at naagapan ko. Nakasuot na siya ng maayos na t-shirt na pinahiram ng asawa ni Ate Maya. Linagyan ko pa nga ng bimpo sa likuran dahil grabe ang pamamawis niya. Grabe! Pinagod niya ako.
Teka nga? Bakit ang sagwa pakinggan?
"May I know your thoughts? Little---"
Tiningala ko siya at pinaningkitan ng mata. "Hep! Huwag mo nga ako tawagin niyan!"
Tumaas ang sulok ng labi ng kurimaw habang subo subo ang asukal. Kainggit! Ba't mukha siyang hunk kahit nagpapak lang ng asukal! Samantalang kapag ako kaya ang gumawa, mukha na ba akong sexy lady? Nakagat ko ang dila sa inis. Magmumukha lang akong siraulo e!
"It suits you. Maliit naman talaga ang . . ." sabay dumako sa may bandang dodo ko ang mata ng walang'ya. Napasinghap ako. Grabehan lang!
"Sige ituloy mo! Dudugo ribcage mo," ngumisi lang siya. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil naalibadbaran na ako sa lalaking 'to. Sasapakin ko atay nito e'.
"Feeling close talaga porket pinapansin ko!" Pagpaparinig ko habang binibilisan ko ang paglalakad. Naiirita ako lalo dahil naglalakad siya na nakaharap sa'kin. Nahinto ako sa binabalak kong pag-flip ng hair ng may sagot agad siya sa pasaring ko.
"Pinapansin mo naman kasi ang papansin, ayan tuloy namimihasa na sa atensyon. . ." sabay dila nito sa hinlalaki niyang nadikitan ng asukal at binigyan ako ng malagkit na tingin, inayos nito ang paglalakad. Tinalikuran niya ako habang nag iisip pa ako ng tamang violent reaction!
Nawala ako sa sarili! Eww!
Bibigyan ko siya ng nasusuka na emoji: 🤮
Napatakip agad ako ng aking bibig at nahinto pa ako sa paglalakad habang nakanganga! Grabe! Lumalakas na ang kakapalan ng loob nito. Wow?
Saan niya nakukua ang gan'tong katapangan?"Siraulo ka talaga!" Narinig ko ang malalim niyang boses sa paghalakhak. Nag iinit ulo ko. Parang nagbago ang simoy ng hangin. At sa katunayan, hindi ko bet. Ayoko masanay. Baka kasi- mahirap na . . . bakit? Basta, mahirap.
Napasulyap ako sa bayong na ginawa niya kaninang backpack. "Ano ba ang laman niyan?" Pagkuway tanong ko. Nakaka kyuryoso kasi dahil mukhang maraming laman ito.
"I bring pasalabung for the kids. It's called p-puto? It's delicious, this is the snack na pinakain mo sa'kin kanina,"
Napakurap ako. Nakapagtataka pero parang may humaplos sa dodo ko----char! Sa'king heart pala. In fairness . . . nakakagaan ng loob ang ginawa niya para sa mga kyot naming anak.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
MizahSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...