C H A P T E R: 34
THIRD PERSON P.O.V
"WELL, well . . . well, dito pala sila nakatira," bulong ng lalaking naka-shades ng itim. Hoodie na itim. Pants na itim at naka-back pack pa na itim.In short. Itsura ng mga magnanakaw ng ulam sa gabi. Tirador ng meat loaf na beef flavor. Pero nagtitinda ng snatch phone sa bayan at mahilig sa bubble gum na bubble joe.
Napabuntong hininga ang lalaki. Pasimple siyang pumasok sa bakod tutal hindi naman ito kataasan. Aalis na sana siya ng may narinig siyang suminghap sa kaniyang likuran.
"Hoy sino ka?" Liningon niya ang nagsalita. Nakita niya ang mga batang babae na masama ang tingin sa kaniya. Tinuon niya ang paningin sa maliit na bata na siyang nagtanong sa kaniya na nakasuot ng dilaw na bistida. Napalunok si Dalter ng makita sa harap ang limang maliit na bata na naka-cross arms pa ang mga kamay sa sibdib. Aha, si Dalter Gray nga talaga po ito.
"Ahm-I'm-" hindi niya na magawang magsalita pa ng bumida na agad ang bibig ng bata.
"Ha?! Isa ka ba sa stalker ni Ate Consonant?! Sinasabi ko sa'yo! Hindi ka hahayaan mabuhay sa mundo ng mga anak n'on!" Mahabang lintaya ng naka-pulang bistida.
"Shhh! Huwag ka maingay Santan! Kapag narinig ka ng mga jejemon ay naku--- Pero sino ka ba? Ha?" Tanong naman ng naka-asul.
"I-isa ako sa kaibigan ng Ate Consonant n-niyo." Napakunot ang noo ni Dalter lalo na ng binanggit niya ang pangalan ng babae. He felt . . . something- Weird.
Dysmenorrhea na ba ulit itu? 😔
"We?! Kung nagsasabi ka nga ng totoo. Bigyan mo nga kami ng limang libo!"
Napangiwi na lang si Dalter. Kinuha niya ang wallet sa bulsa ng kaniyang pantalon at naghanap ng 5 thousand cash.
Mga budol-budol din e.
"Sapat na ba ang sampung libo para magpakalayo-layo kayo?"
Sunod-sunod ang mga bata na tumango at masaya siyang iniwan habang siya naman ay luging-lugi dahil 30k lang ang cash niyang dala dahil he thought raw na may near ATM bank sa lugar, pero wala! Base sa nakikita niya sa paligid, tahimik at wala kang makikita na kahit mataas at magagarang establisyimento sa lugar na ito.
(N: Probinsiya kasi. Huwag buang Dalter.)
Dahil naka-awang ang isang bintana sa bahay ni Consonant ay pasimple siyang lumapit roon para sumilip. Busy ang lahat ng mga tao sa loob na kumakain, lalo na ang babaeng ngayon niya na lang ulit nasilayan after.... ilang days na pag-alis nito sa kaniyang pagmamay-aring hotel.
Hindi niya talaga ini-expect na doon niya makikita ang bruha.
Simula ng nalaman niya ang lahat ay pasimple siyang sumunod sa kapatid at sa jowa nito. Hindi niya na nagawang ipagawa sa kaniyang mga tauhan ang pag-stalk sa babae na siyang nagpapa problema sa kaniya ng ilang araw dahil hindi niya na naisip pa ang ganoon na plano. Na aaning na kasi si Dalter these past few days. May hang over pa siya noong 26. Tagal din maka-move on e..... sa kahihiyan niya. Eww!
Nakatoon ang mata niya sa pagngiti ng babae habang kausap ang girlfriend ng kaniyang kapatid. Sinamaan niya ng tingin si Letter na ginawan na naman siya ng tsimis online. Pinost kasi nito sa isang p@ģe na mahilig siya manood ng online sabong.... kahit totoo naman. Next time na lang siya gaganti.
Hindi niya magawang alisin ang mata sa babae na itatago natin sa Consonant ang pangalan---- nakita niya kung paano nabulunan ito sa kakatawa. Nakita niya pa kung paano hinihila ng babae ang pancit sa ilong na mukhang napasok na dulot ng kakatawa.
Napa-iling na lang siya. Nakita niya din ang nakakahindik hindik na tawa ni Letter na kita ngala ngala at nanlalaki pa ang mata.
Nakakatakot.
Mukhang tarsier. Napadasal ng wala sa oras si Dalter.
Hindi naman kasi malayo ang puwesto ng lamesa sa parihabang bintana kaya nakikita niya si Consonant at ang kaniyang mga anak na tinatawanan ang ina.
"Mama! Huwag kang tumawa! Magigising ang tikbalang." Sabi ng isang batang lalaki na naka-dilaw na damit.
Napangiti siya sa nakikita niya. He is super sure na kahit hindi pa napapa-DNA ang mga bata ay ramdam niya ng anak niya ang mga ito.
Lukso ng dugong itim. Dugo ng aganda alalaki, alakas apugi.
He felt the overwhelming feeling and it makes him smile. His heart ached for these wonderful view na gusto niya din maranasan tumawa kasama nila.
Nakakaiyak.
Epal lamang si Drape at Letter. Pinapangit ang scene na natitigan niya.
Napabuntong hininga si Dalter. Hinayaan niya lang ang oras na tumakbo habang siya ay nakatuon lang ang mata nito sa masayang pamilya na nagtatawanan at nagpaka-sad boi na naman po siya.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...