C H A P T E R: 37
CONSONANT P.O.VNAUNA na akong lumabas at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa ibabaw ng kahoy na upuan sa maliit namin na sala. Ipinulupot ko ito sa'king balikat para gawing kumot.
Nauna na ako lumabas sa bahay dahil mukhang matatagalan pa ang paghuhugas sa kamay ni Letter.
Ka-dirty niya kasing tao kaya ating intindihin na lang natin.
Nanginig agad ako sa lamig ng maramdaman ang hangin sa gabi ng lagim--- eme lang.
Katulad kanina sa bintana. Malakas na simoy ng hangin ang bumungad sa akin.
Habang binabaybay ang daan ay pakanta kanta ako.
"Tahimik lang ako sa umpisa... kahit hindi mo ako pilitin. Lasingin mo lang ako ay sasama🎶🎶"
Dumiretso ako sa kanang bahagi ng bahay na may daanan ng maliliit na bato. May maliit na putol na kahoy roon na puwedeng gawing upuan at madalas namin tambayan iyon ng mga bata para kutuhan sila. Bale hiningi ko lamang iyon kay Manong Ponsi para gawing panggatong kung sakaling maubusan kami ng gasul, kapag minsan wala kaming pambili nito.
Agad na akong naupo ng makita ang kahoy. Napangiwi ako ng makita din hindi kalayuan sa aking puwesto ang maliit na liwanag sa bahaging kulungan ng mga manok ni Ka Uhug. Obvious na obvious. Hindi pa mga tulog ang mga apo ni Aleng Tabel. I'm sure nagbabahay bahay na naman ang mga iyon at nagspi-spirit of the glass.
Nagtatawag ng mga engkanto sa gabi.
Nakarinig ako ng yapak na papalapit rito kaya doon nakuha ang atensyon ko. Nakita ko ang papalapit na si Letter. May dala dala ito na dalawang tasa. Naka silky dress pa ang bruha na akala mo kinagaganda niya.
"Oh, gatas 'yan,"
Napangiti ako at agad kinuha sa kaniya ang tasa. "Made in America ba ito? Frappuccino ba 'yan?" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Oo. Galing 'yan sa dodo ni Mang Kepoy."
Nangasim mukha ko sa narinig na pangalan. Hindi naman baka si Manong Kepoy e. Wala naman 'yung bo*bs. Saka maligno 'yon. May sa impa*to siya.....
Napalingon ako kay Letter ng bigla na lang akong sininghalan.
"Bago ka sumabat sa sasabihin ko! Nalaman na namin ni Talong na inatake kana naman ng sakit mong hindi na mawala wala sa halal mong pagkatao! After 7 years?! Hindi ka pa rin nagbabago!"
Napasinghap ako sa gulat. "So... alam mo na ang aking sakit na tinatawag na kagandahan? My gosh! Wala pa rin siyang lunas! How to do?" With action pang may patakip takip ng bibig gamit ang kamay na may 99.9 percent germs.
"Buset ka talaga!" Sigaw niya.
Ngumiwi ako. Alam ko na agad ang tinutukoy niya--- nalaman na nila ni Crushiecakes ang pambubudol--- este pagbigay ni Ninong Kepoy ng pamasko sa mga anak ko. Naalala ko agad ang nangyaring kaguluhan sa hotel ni EX.
Char char lang. Napaka assuming ko talaga. Ano?
Pasimple akong nagpunas ng luha kahit wala naman talaga.
Nakaka ganda talaga kapag actress ka.
Nakita ko kung paano magdabog sa inis si Letter. Kinuha niya pa ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang pajama at after ilang segundong pagpipindot, narinig ko na ang malungkot na awiting..... Magpakailanman na remix?
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ Maagang kumerengkeng si CONSONANT DANTE sa pag aakalang makakamit niya ang tru...