Chapter 4

13 0 0
                                    

Chapter 4

Hay buhay! Sobra kong saya at kahit papaano nagustuhan ko ang araw ng pagbisita ko kay Mr. evil devil company. Di ko pa man nagagawa ang offer niya excited na talaga ako.

On phone:

"Hello Minchin. Guess what!?"

"Wow positive ang aura ng boses. Anong meron"

"I'll treat you. Kita tayo ng 5pm mamaya sa favorite nating resto .Baka mamatay ka sa inggit pag nalaman mo hahahah"

"hahaha . loka! Siguraduhin mo lang ha. Sige I'll see you bye!"

Si Minchin since highschool sya na ang baby sitter at bestfriend ko. Dahil mas ahead siya sakin ng 2 years para ko siyang ate lalo na at nasaksihan na neto ang ups and very down ko. Single siya at ang tanging nagpapatibok ng puso niya ay si Lee Deo . Take note guys hindi yung gwapo na Korean kundi ang Pomeranian tea cup dog niya. Di pa man niya nakikilala ang hottie na si Lee Deo nauna na niya itong ipangalan sa aso niya. Kaya ng malaman niya na isang hottie si Lee Deo ng Korean Industry naging pantasya na niya ito. Kaya alam kong hihimatayin talaga sa inggit ang babaeng ito pag nalaman niya na ang mission ko ngayon ay ang pinapangarap lang naman niya.

"Really!!!!!!!!!!!! Sucks! Airene! Bakit!??????" Gulat na tanong ni Minchin sa narinig sakin.

"Oo nga! Totoo si Lee Deo na pantasya mo for 3 years! Hahaha siya lang naman ang kasama ko sa ibat-ibang lugar dito sa Philippinetasya! Hahahaha!"

"Sama ako dyan! Airene sige na pleaseeee!" parang batang nagmamakaawa sa mommy niya na isama siya.

"I'll try" tipid ko namang sagot.

"Hoy Airene Perez! Don't you dare fall inlove with the father of my child!"Pinupunto neto ang aso niya.

"hahaha Excuse me. Minchin Lazaro hindi ko type ang mukang bakla na yun. Sinabe ko sayo na ang tipo ng ganung lalaki ay hindi kayang magmahal ng iisa lang. Basahin mo kasi yung kwento ni Jamille Fumah sa Wattpad na pinapabasa ko sayo yung The Worst Man to Love yung Eos Seth. Ganon ! ganung-ganon kung magpalit ng chicks yun. Every weekdays!. Mahe-hurt ka lang"

"Eeeeehh! Stop it Airene Perez! Hindi ganun yun super humble daw kaya nun. Dun sa mga off cam videos super bait kaya niya. And take note ha. Lahat ng naging leading ladies niya sa movie positive ang binibigay na feedback!"

"Haller! Tourguide at translator niya ko hindi leading lady. Don't cha worry wala akong balak mainlove dun. Dun nga sa di kagwapuhan nagagawang manakit at mang iwan yun pa kayang hari ng kagwapuhan na yun. Swear ako na manloloko at heart breaker ng mga babae yun. Kaya ikaw tumigil kana Minchinita!"

"Hey! Baka may makarinig sayo. Sabi sayo wag mong binubuo ang pangalan ko!"

Hanggang sa nagtawanan na lang kami ayaw na ayaw talaga ni Minchin na tawagin ko siya sa buong pangalan niya. Asiwang asiwa siya. Hahaha.

Nakarating na kami ni Minchin sa apartment namin na tinutuluyan at kasalukuyan na akong nakahiga at nakatingin sa kisame ko na may mga glow in the dark na butterflies at kaunting stars. Gustong gusto ko talaga tingnan ang mga yun pag gabi at tahimik na. Parang kinakausap ako ng munting liwanag nun na magrelax lang ako at tingnan ko lang sila. Di ko alam di ako makatulog bukas kasi mami-meet ko na si Lee Deo. Pero ang di ko alam anong klase tong nararamdaman ko. Excited siguro ako , hindi para makita ang lalaking yun kundi sa kapalit nun. Hehe.

----

@MissBitterBetter

hi guys . give me some feed back. masyado atang mahaba bago niyo mameet si Lee Deo. don't worry next chapter puro sa kanya na hehehe ;))))

You, My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon