Chapter 15

4 0 0
                                    

Chapter 15

"Ya! Jugullae? (You want to die?)" Iritadong tanong ni Deo sakin.

"Sorry. Nabigla kasi ako-"

"It's okay Airene. We need medicine for your bruises." Pagputol ni Yulin sa sasabihin ko. Umalis na lang si Deo at nagpunta sa parteng likuran ng bangka. Itsurang yate iyon pero mas sosyal ng kaunti  ang yate.

"Nako na culture schock ka ba sa mga fans ni boss Deo, maam?"

"Siguro Rio. Malay ko bang ganun sila kabangis lahat....ihhh nakakakilabot"

"May iwa-wild pa yang mga yan pag nalaman nila na may jowa na ang idol nila. Hindi mo gugustuhin makita yun maam"

"Talaga?....pag aari na nila Deo ganun? Eh ang dami nila. Isa lang si Deo. Haha"

Nagtawanan na lang kami nila Yulin kasama ang dalawang cameraman.

"Ah Yulin...thank you pala sa pagbalik sakin kanina ha. Sorry rin kasi hindi ko nasunod yung 5 seconds"

"Ako nga ang dapat mag sorry because I didn't take care of you. Nagkasugat ka tuloy"

"Ah eto. Wala lang toh. Strong toh noh. Siguro kung di mo ko binalikan naiwan na ko or mas malala nadumog na ng mga fans niya si Deo. Nagulat din ako sa sigaw mo kanina"

"Oh, I'm sorry also to that. Not so me pero yun lang way ko para magsitabi sila"

Magkausap lang kami ni Yulin hanggang makarating sa isang isla. Doon parang hindi masyadong moderno ang mga tao. Pag dating nga namin nakiusyoso lang sila tapos umalis rin agad. Parang tiningnan lang nila kung sino ang mga dayo para ma aware sila.

"Igeo cheongukimnida!!!(This is paradise!!!)  far away from monsters.." naka open arms pa ang demon habang nakatingala.

Pagka baba ng mga gamit namin nagumpisa na mag take ng shots for the first episode ng tour. Una ipinakita yung buong lugar and may kasama kaming local tour guide ng island para samahan kami maglibot. Nandun ipinakita samin kung anong mga magagandang lugar ang meron sa isla na yun bukod sa tabing dagat meron itong secret falls at virgin forest. Pumasok din kami sa cave na pag nakarating ka sa loob ay isang malalaking bato ang nakapaligid at kita mo ang langit. Para kang nasa loob ng isang balon pag tumingala ka. Nandun din ipinatikim ng tour guide namin ang iba't ibang local food nila. Nakaka mangha ang lugar na yun. Madali lang ang naging eksena dahil si Deo lang naman ang kinukuhaan ng camera shot . Ang tanging naging participation ko lang nung pinapatikim na samin ang mga local food nila. Halata kasing naninibago si Deo. Pilit ko pinapakain sa kanya yung mga pagkain lalo na yung hilaw na sea urchin. Nakakatawang pagmasdan ang muka niya habang sapilitan siyang sinubuan ng matandang babae. Wala siyang nagawa at ngumiti na lang ng alangan. Nahawakan pa ni Deo ang kamay ko sa pagmamadali ng inabutan ko siya ng buko para inumin dahil parang isusuka na niya yung kinain niya. At doon natapos kami ng mga lunch time.

Bumalik na kami sa tinutuluyan naming parang bahay style pero hiwahiwalay naman ang kwarto na lahat ng room nakaharap sa dagat. Nandun na si Mrs. Aiko at Ms. Gia. May meeting daw silang tatlo nila Yulin. Ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko para makapagpahinga. Ng mayamaya may kumatok sa pinto  kung saan nakaharap sa dagat. Pagbukas ko si Deo at may hawak itong kung anong maliit na bag tyaka jacket. Bagong ligo ito at medyo basa pa ang buhok.

"Sit here" umupo siya sa kama ko.

Katatapos ko lang din maligo at naka bath robe pa ko. Kaya medyo naiilang ako.

"Teka-"

"I said sit here. Wag ka mag-alala I will not seduce by you"

"Hin- hindi na-" hinablot na lang niya ang braso ko at inupo ako sa kama.

Bigla siyang may kinuha sa maliit ba bag at doon inilabas niya ang panggamot ng sugat. Whaaaat???? Gagamutin ako ni Lee Deo?? Kanina lang parang gusto na niya ako itapon sa dagat habang nasa bangka. Tapos eto siya ngayon gagamutin sugat ko. After niya nilagyan ng ointment ang ilan sa mga galos ko at band aid sa bangdang may sugat dumiretcho ito sa lababo at naghugas ng kamay.

"Mahaba ang isuot mong damit kung may long sleeve at pants ka mas better" concern ba ito dahil sa nangyari kanina. Wait am I dreaming ?

"Alam mo okay lang naman ako. Itutulog ko lang ito okay na okay  na ulit ako"

"What? Matutulog ka at this time? Seriously?"  Medyo may halong pagtataka niya.

"Uhmm oo. Bakit masama ba?" Tumingin lang ito sakin ng masama at unti unting papalapit sakin.
"Te- teka, bakit parang galit ka?" Buong pagtataka ko. Ano ba gusto neto. Gusto ba niya ko yayain lumabas pero bakit ayaw na lang niya sabihin.

"Are you serious? " nakalapit na ito sakin ilang inches na lang ang lapit niya sa muka ko. Nang biglang  "we need to go somewhere. Right?" Parang kontrabida ito sa paningin ko.

Ay oo nga pala yung secret mission ko nga pala. Nalimutan ko na dahil sa naganap kanina. Ayan Airene Perez nag assume ka na naman. Agad akong may tinawagan sa cellphone buti na lang kahit papano may kaunting signal doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You, My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon