Chapter 13

8 0 0
                                    

Chapter 13

Pagdating namin sa venue kami na lang ang hinihintay dalawa ni Deo. Ang awkward lang kasi nakatingin sila lahat samin. Sumenyas naman sakin si Yulin at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Habang kumakain na-discuss ang plan ng tour for tomorrow. Medyo light muna ang mga shoot dahil teaser pa lang naman ang gagawin. And dahil nga may secret agenda ang tour na ito pili at masusing detalye lamang ang ipapakita sa viewers.

"Upon checking on social media #LeeDeo1sTOur is now trending. Many of your fans are looking forward in this tour" Ms. Gia pointing to Deo

"Then gave them the best shots" unemotional na sagot ni Deo

Medyo nagkatinginan naman ang dalawang cameraman sa inasta ni Deo kaya to cut the awkwardness nagsalita na lang ako.

"Ahm...kuya Joseph, Rio mahirap po ba magcameraman?" Nonsense pero interesado kong tanong.

"Hindi naman Maam sakto lang pag passion mo na rin" sagot ni Joseph

Nasa age 35 na ata si kuya Joseph at di nalalayo sa edad ko si Rio.

"Eh ikaw Rio, hobby mo na rin ba?" Sasagot pa sana si Rio pero biglang sumabat si Deo.

"Why are you interested? I don't think you have talent when it comes to art. Camera skills is an art" bigla naman nagulat si Rio sa nasabi ni Deo.

"Naintindihan mo siya? I mean you understand us boss?" Nasabi na lang ni Rio na may halong pagka amaze. Napansin ko na medyo nagulat din sina Yulin at Ms. Gia sa naitanong ni Rio. Hindi nga pala alam ng dalawang yun na nakakaintindi ng tagalog si Deo. Hindi kasi nagiingat tong mokong nato basta sabat ng sabat.

"Nae, algess-eoyo? (Do you understand us?)" Sinakyan ko na lang kunyari ang pagkabigla ni Rio. Sakto naman at nagets ni Deo ang ginawa ko kaya sumagot na lang siya in a cool way pa rin.

"Ah that, I heard cameraman and passion in your words. I assumed it like that. Why? Am I wrong?"

"No boss, you're absolutely correct, daebak!" May pag thumbs up pa ng dalawang kamay.

Napaniwala naman namin ang mga cameraman sa naging act namin kanina. Ganito pala ang mag-artista iilan pa lang dialog ko medyo kinabahan na ko what more pa pag nag shoot na kami bukas.

"Okay, let's cut our schedule for today and see you again tomorrow guys" ani ni Yulin at baka saan pa mapunta ang usapan.

Naunang tumayo si Ms. Gia at nagpaalam na. Medyo maga ang mata neto na parang umiyak. Sumunod naman umalis ang mga cameraman pagkatapos magpaalam na iinom muna sila ng konti bago magpahinga. Lalapitan ko sana si Ms. Gia pero nauna si Yulin sumunod dito at narinig ko na lang na tinanong kung ayos lang ba ito. Tumango lang si Ms. Gia at deretchong pumasok sa elevator. Sumenyas pa si Yulin sa amin bago tuluyan sumunod pumasok sa elevator . Tiningnan ko naman si Deo na nakaupo pa rin at blanko ang muka.

"Mr. Lee Deo wala ka bang balak magpahinga?"

"We have deal" biglang tumayo ito at pumunta sa elevator. Kaloka iniwanan ako.

"Teka wait!" Akmang isasara na niya ang elevator.

"Alam mo Mr. Lee Deo nahanap ko na yung lugar na pinapahanap mo. Kaso hindi siya ganun kadali tuntunin kasi province na ito. And hindi ganun ka detailed ang binigay ni google map."  Pagpapaliwanag ko.

"Then?"

"Then???Then what? wag mo sabihin-"

"I will find it."biglang putol sakin ni Deo. Sasagot na sana ako pero "-you with me"

Pagkalabas namin ng elevator aakma na sana ako papasok sa kwarto ng biglang hinila ni Deo ang likod ng damit ko.

"Where you going?"

"Tutulog na"

"Without discussing it to me?"

"I thought-"

"No, need it now!"

Edi walang choice papasok na naman ako sa kwarto ng lalaking yun. My gulay! ano ba itong pinasok mo Airene napaka spoiled brat naman netong lalaki na ito.  Pagkapasok namin naabutan kong nakatupi na ang damit na ginamit ko sa sofa. Agad kong kinuha nakakahiya kasi sa mortal na ito. Umupo siya sa tabi ko at inilapag sa lamesa ang laptop. Pinagusapan namin ang magiging plano kung paano matutunton ang lugar na iyon.

Dahil na rin sa antok at pagod na rin siguro napapapikit na ko habang nagsasalita si Deo.

"Airene-...........Airene are you still okay? Naiintindihan mo ba ako?"

"Hm? Medyo este oo. Pwede ba Mr. Lee magpapahinga na muna ako feeling ko gamit na gamit ang katawang lupa ko today" di ko na napigilan sabihin.

"Okay, you can take your rest"

Mabilis naman palang kausap ito eh. Pero parang nakaramdam ako ng konting guilt. The way kasi nag eexplain ito ay interesado talaga siyang matunton ang lugar na iyon.

Pagpasok ko sa kwarto tyaka naman unti unting nawawala ang antok ko. Siguro ay dala pa rin ng awa o guilt para kay Deo kaya itinuloy ko na lang ang paghahanap ng paraan makarating sa lugar na tinutukoy nito.

You, My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon