Chapter 5

12 0 0
                                    

Chapter 5

"Ai...Rene...Perezzzz!!!!!!"

Nagulat talaga ako sa sigaw na yun ni Minchin at halos tumalon ang puso ko sa pagkakagulat.

"Bakit ba? Anong nagyari"

"Anong bakit? Hoy Ms. Perez eto yung araw na magkikita kayo ng hubby ko. Ano ba? Malelate kana!"

"Teka anong oras na ba?"habang nagkukusot ako ng mata.

"6:35 na"

"HA? Shit! Oo nga! Tabi!" nawala talaga ako sa ulirat at natabig ko si Minchin para magmadaling pumasok ng cr. Gosh! Mawawala pa ata sakin ang big dream ko. Wag naman.

"Oh. Ms. Perez you're very late"

"Sorry Ms. Gia. Because of heavy traf-"

"From now on no excuses Ms. Perez. Lee Deo is 10 minutes earlier than you. What a shame!"

"Sorry po" Nakakahiya naman kasi talaga. Maganda si Ms. Gia pero kitang kita sa muka niya ang kasungitan neto pero bagay yun sa kanya kung titingnan mo nga siya para rin syang artista.

Tilian , hiyawan at palakasan ng sigaw ng pangalan ni Lee Deo ang naririnig ko sa labas ng NAIA airport. Doon ko kasi hihintayin ang susi sa big dream ko. Kasama si Ms. Gia.

'oh myyy!! Sino itong nilalang na papalapit sa amin. Ang tangkad, nakasuot ito ng chinos pants at naka-hoody jacket pa. Naka-shades pa. habang papalapit siya sa amin para itong nagi-slowmo habang inaalis niya unti -unti ang shades niya. Napatitig ako mula paa pataas at umabot na ko sa muka niya. 'shet! Na lang nasabi ko sa isip ko. May nilalang ba na ganito kagwapo. Ang labi ang nipis at ang pula, ang ilong super tangos na parang nanghahalinang lapitan mo iyon at hawakan, ang pisngi parang kahit ata lamok ay mahihiyang lumapit sa kinis, teka ang mata nakakatunaw kahit pa chinito ito kita mo ang ganda ng mata niya. Yung pupil ng mata niya nagliliwanag. Sige siya na! siya na nga ang hari ng kagwapuhan. Si Lee Deo. Mas gwapo pala siya sa personal akala ko kaya lang siya sumosobrang gwapo ay dahil sa photoshop pero eto at live ko syang nakikita mas perpekto pa sa photoshop.

"Airene... Airene!"

"Po!" ang gulat ko ng tawagin ni Ms. Gia ang pangalan ko at gisingin ako sa kawalan.

"This is Lee Deo the famous artist from Korea. He is the one you will taking good care of"

Napatitig lang ako. Mas malapit na siya ngayon at amoy na amoy ko ang pabango niya parang tumatambay iyon sa ilong ko. Napakabango! Lalaking-laki. Sa harapan ko nakatayo siya at nakatingin sakin. Di ko alam pero may kung anong pakiramdam akong di ko maintindihan walang gustong lumabas sa bibig ko na salita. Kita kong papalapit siya sa akin at bigla niyang hinawakan ang baba ko at dahan dahan niyang iniangat.

"Hi, Your?.." amoy ko ang hininga niya napakabango at ang dumampi pa sa pisngi ko ang init na dala ng hininga niya na nakapagpagising naman sakin sa pagkatulala sa nilalang na ito.

"Uh- Airene. Ehem. Airene Perez" tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa baba ko bago magsalita at inayos ko ang sarili ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko na di ako dapat magmukang ewan sa harap ng sinong lalaki. Kahit pa siya na ang pinakagwapong nilalang sa mundong ito.

"Hi. Airene. Nice meeting you!" inilahad niya ang kamay niya para makipagkamay sa akin.

"Hi. Ah. I will be your tour guide as well your translator while you're here in our country .Nice meeting you Mr. Lee Deo" sabay shake hands sa kamay neto. Naconscious ata ako mas malambot pa ata ang kamay neto kesa sa akin.

"Change to formal? I thought your mesmerizing at me" ngiti niya na para bang alam na alam niya ang nasa isip ko kanina.

Nginitian ko na lang siya ng pilit at tyaka pumuwesto sa bandang likod niya para sa paglalakad namin palabas ng loob ng airport patungo sa magiging sasakyan niya.

Habang palabas lalo kong lumalakas ang bawat tili at sigawan. Lahat ata ay gustong mapansin ni Deo.

"Come near me" utos ni Deo na tila ba may nais itanong sa akin. Lumapit naman ako.

"geudeul-eun museun mal-eul haessseubnikka?(What did they say?)"

"geudeul-eun dangsin-ui jal saeng-gin tteugeoun mal(they say your handsome and hot)"

"really, naega algo(I know that)"ngumisi pa ito ng nakakainis.

Akala ko ba humble ito. Eh hambog naman pala kita sa kilos niya ang kayabangan niya. O talagang ganito ang personality neto na pag pinagkakaguluhan siya ay pa yummy ito sa mga fans niya. Yun bang parang mga leon ang fans niya na nais na siyang lapain at siya naman ay pilit na nagpapatakam. Bigla naman lumapit ang mga reporters at nagtanong sa kanya.

"Welcome Deo. How do you feel you're here in the Philippines now?"ani ng isang reporter

Tumingin siya sakin at nagtanong ng mahina.

"yeogi i salamdeul-i modu naleul wihae gippeuge saeng-gag ibnikka? naneun ajig Philippine-eul tamgu haji (is all people here are all excited for me? i never explored Philippines yet)" sabay derederetchong naglakad. Naiwan ako sa reporter na nagtanong kung ano ba ang sinabi sakin ng lalaking yon. Naghihintay naman ang reporter sa sagot ko.

"He like Philippines" yun na lang ang nasabi ko. Aba't tingnan mo nga naman ang lalaking ito napaka yabang talaga. Pero sobra nga naman kasi kararating lang eh tatanungin agad anong pakiramdam niya. Nakarating kami kung saan naghihintay ang sasakyan na maghahatid sundo sa kanya. Sinenyasan ako ni Mr. Yulin na sumakay ako sa sasakyan ni Deo. Buong pagtataka ko namang naiwan sila Ms. Gia at may parating pa ulit na sasakyan. Nagsara ang pinto at laking kaba ko bakit kami lang nakasakay sa van na yon eh kasya naman kaming apat.

"So di mo ba ako eentertainin?"

Napalundag ako sa gulat ang masculine voice neto dinig na dinig kong nagsalita ng tagalog. Tama nga si Minchin marunong daw itong magtagalog at magaling talaga. Matatas magsalita. Ang rumor kasi Filipina ang nanay niya. Dahil ang tatay niya ay half Brazilian at Korean at kilala sa kanilang bansa na isa sa pinakamayamang pamilya ng Brazil at Korea. Ang tsismis ay mahigpit daw na ipinagbabawal dito ang pagsasalita ng tagalog na tatay niya dahil sa isyu tungkol sa kanyang ina. Di ko alam kung ano yun , ano ba pakialam ko sa buhay niya. Kaya lang naman ako may alam dito dahil kay Minchin.

"Ha?" pilit kong magsalita pero yun lang lumabas sa bibig ko.

"Sabi ko hinired ka nila para sakin ngayon tell me something" wow ang sarcasitic naman!

"Ah. I'm sorry. This is the Philippines the land of-"

"Flirt and User.."mahina yun pero may diin at galit

"Ha? Excuse me Mr. Lee Deo tama ba narinig ko flirt and user?" tanong ko dito pero as expected alam kong di nya sasagutin yun.

—————

hi! nameet niyo na pala si Deo siya na ang laman ng mga susunod pa. just read and jelax :)

Thank you comment lang po kayo!

You, My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon