Chapter 8
Nakakapagod ang araw na toh. Buti na lang at pwede akong umuwi ngayon. Kahit papaano maaalis sa paningin ko ang stress na lalaking yun. Kelangan ko pa mag impake at simula bukas di ko alam kung kelan pa ko makakabalik sa stress reliever house namin ni Minchin.
"Girllllllll!!!!!!!!!!!!" bubuksan ko pa lang ang pinto ito agad ang dumungaw sakin.
"Minchin" yayakapin ko sana siya pero tumalon na siya payakap sakin at hawak ang cp niya.
"Tingnan mo dali! Oh di ba sabi sayo mabait siya tapos gentleman. Buti ka pa! ikaw to oh. Payakap naman. Para ko na din siyang nayakap."excited at dere-deretcho netong salita.
Napanganga talaga ako sa nakita ko. Scripted din pala ang paghawak neto sa baba ko para magmuka syang sweet at gentleman. May camera kasi. Ay nako!
"Kwentohan mo naman ako Airene dali.! Gwapo diba?"
"Di naman" ismid kong sagot. Kahit alam ko na napaka-perpekto ng anyo neto.
"Sinungaleng! Ano mabango ba? Ang tangkad noh? Mabait?"
"Ayos lang" nakakatamad naman kasing sagutin para sakin yun.
"Airene Perez sumagot ka nga ng maayos. Babatukan talaga kita. Ano ba! Narinig mo ba magtagalog? Ano nainterview mo ba?"
"Minchin. Wag mo ng alamin yun. Di ko pa siya naririnig magtagalog at never ko rin siya nakausap ng personal. Magpapahinga na ko. Napagod ako eh." Mapakla kong sagot at tumayo na ko para pumunta na sa kwarto. Naiwan si Minchin na nakanganga sa sala at nagtataka.
Sa kwarto agad akong dumiretcho sa cr para makapag shower. Kita ko ang repleksyon ng sarili ko sa salamin. Napabuntong hininga na lang ako at pumunta na sa shower. Ang sarap lang pakiramdaman ng tubig sa katawan ko. Habang naliligo ay iniisip ko pa rin yung mga naganap kanina. Ngayon malinaw na sakin lahat.
-Pagkatapos ng presscon ni Deo nakipagkita naman sila sa mga sponsor at advertisement ni Deo. Dun ko nakita si Mr. Kuwitchi dali naman ako nitong tinawag at nagpunta kami sa parte na walang tao.
"Pasensya na Airene at di kita nasabihan sa mga ito. Si Deo ay marunong talaga magtagalog at puro ito magsalita nun. Pero hindi niya alam ang mga malalalim na tagalog at mga modernong salita natin. Kaya ikaw ang inirekomenda ni Mr. Yamaito dahil kilala ka na niya at alam niyang magpagkakatiwalaan ka."
"Ha? Pero-"
"Walang pero Airene,si Deo ay pamangkin ni Mr. Yamaito pinsan yun ng daddy niya. Inaalagaan niya ang image ni Deo kaya ka nandito. Hindi pwedeng malaman ng mga fans niya na anak siya ng Filipina. Mahabang kwento Airene. Pero ang dapat mong tandaan kaya ka kinuha dito ay para isa ka sa magtakip ng katauhan ni Deo"
"Bakit po kailangan yun? Bakit sa dami ng pwede niyang puntahan dito pa.?"
"Dahil nandito ang ina niya. Ang alam ng lahat ay isa itong tour. Ngunit ang tanging may alam lang ng paghahanap ni Deo sa kanyang ina ay ikaw, ako ,si Mr. Yamaito at Deo lang. hindi maaaring may makaalam nito Airene. Tinutulungan lang ni Mr. Yamaito si Deo na mahanap ang ina niya. Dahil pag nalaman ng ama niya ito siguradong tututol ito."
"Ganon po ba. Ang ibig sabihin totoo ang mga tsismis kay Deo"
"Totoo, ngunit walang makapag patunay. Ngayong alam mo na ito. siguro naman ay matutulungan mo si Mr. Yamaito. Kung may tanong ka at naguguluhan tawagan mo lang ako ha."
"Opo, salamat prof. ngayon malinaw na sakin lahat kahit kulang ang detalye sakin naiintindihan ko na po."
Kaya pala. Kaya pala ganon. Kaya pala masungit yun at walang gana dahil iba naman ang purpose ng pagpunta niya rito. At kaya walang eksaktong pupuntahan kami dahil kung anong lumabas sa imbestigasyon nila Mr. Yamaito na lugar dun kami pupunta. Malinaw na pero may mga tanong pa din pero di na mahalaga yun. Basta ngayon alam ko kung ano ang purpose ko sa kanya. At kelangan ko magawa yun dahil ang big dream ko lang naman ang kapalit nito. Wushu!
Nakahiga na ko at nakatingin sa stress reliever ko. Dun ko naisip na di ko pala dapat kainisan ito dahil nakakaawa din siya. Katulad ko na kulang din. Marahil hinahanap niya ang ina niya para mabuo siya at masagot ang katanungan niya. Di ko na namalayan sa sobrang pagiisip ko nakatulog na ko.
---------------
itutuloy
BINABASA MO ANG
You, My Unexpected Love
RomanceSome people say bitterness is everywhere. Yung kahit saan mo tingnan mapabagay, tao o kahit pagkain may pinaghuhugutan. Di ko alam pero ako alam ko sa sarili ko na bitter ako, bitter na bitter. That's why it's the reason why I'm still SINGLE. Wala n...