2 "Cupid at Psyche" Isinalin sa Filipino ni Vilma Ambat

255 6 0
                                    

Labis na kalumbayan ang

baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo subalit agad pa rin siyang

tumalima sa payo ni Apollo.

Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit.

Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta

sa tuktok ng bundok. Habang

naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa maaaring mangyari kay Psyche. Sa

kabila naman ng mabigat na sitwasyon, buong tapang na hinarap ng dalaga ang

kaniyang kapalaran. "Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo ako. Ang taglay kong

kagandahan ang sanhi ng panibugho ng langit," sumbat niya sa kaniyang ama.

Pagkatapos nito ay pinaalis na ni Psyche ang kaniyang mga kasama at sinabing masaya niyang haharapin ang

kaniyang katapusan. Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong bundok. Takot na takot siya sapagkat hindi niya alam

kung ano ang naghihintay sa kaniya.

Patuloy siyang tumatangis at

nanginginig sa takot hanggang sa dumating ang malambing na ihip ng hangin ni Zephyr. Inilipad siya nito at inilapag sa isang damuhang parang na

kasinlambot ng kama at pinahalimuyak ng mababangong bulaklak.

Napakapayapa ng lugar na tila nawala ang lahat ng kaniyang kalungkutan. Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabi.

Nang magising si Psyche sa tabi ng ilog, natanaw niya sa pampang nito ang isang mansiyon na parang ipinatayo para sa mga diyos. Nagmasid-masid siya at labis ang

kaniyang pagkamangha sa kagandahan nito. Yari sa pilak at ginto ang mga haligi, at ang sahig ay napalamutian ng

mga hiyas. Nag-aalinlangan niyang buksan ang pinto subalit may tinig na nangusap sa kaniya. "Pumasok ka,

para sa iyo ang mansiyong ito. Maligo ka, magbihis, at ihahanda namin ang

piging para sa iyo. Kami ang iyong mga alipin," wika ng mga tinig. Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain siya ng

masasarap na pagkain. Buong araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi niya

nakikita. Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya sa mansiyon. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, batid niyang sa pagsapit ng gabi ay darating ang kaniyang mapapangasawa. Lumipas

ang maghapon nang hindi niya

namamalayan. Pagsapit ng gabi

nangyari nga ang inaasahan niya.

Naramdaman niya ang pagdating ng lalaki. Tulad ng mga tinig hindi niya ito nakikita. Bumulong ang lalaki sa kaniyang tainga. Nang marinig niya ang tinig ng lalaki, nawala ang lahat ng takot na kaniyang nararamdaman. Sa

kaniyang paniniwala, hindi halimaw ang lalaki kundi isang mangingibig at asawang matagal na niyang hinihintay.

Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang may panganib na darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid. "Darating ang iyong mga

kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan," wika ng asawa.

"Subalit huwag na huwag kang

magpapakita sa kanila sapagkat

magbubunga ito ng matinding

kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo," habilin ng lalaki. Nangako naman si Psyche na tatalima sa kagustuhan

ng asawa. Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid. Labis na naantig ang kaniyang damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais niyang ibsan ang kanilang kalungkutan

at patahanin sila sa pag-iyak.

Hanggang sa maging siya ay umiiyak na rin. Kinagabihan ay inabutan pa siya ng kaniyang asawa na umiiyak. Sinabi

ng lalaki na maaari na niyang makita ang kaniyang mga kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang babala.

"Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan," wika ng lalaki.

Pinayuhan siya nang masinsinan na huwag siyang pabubuyo kaninuman na

subuking sulyapan ang mukha ng lalaki. Kung mangyayari ito, magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kaniya.

"Nanaisin kong mamatay nang

isandaang beses kaysa mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo lang ang kaligayahan kong muling

makapiling ang aking mga kapatid,"buong pagmamakaawang hiling ni

Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.

To be continued

EMOTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon