Gabi na nang matapos nilang practice-in ang pyesang ipe-perform nila para sa party ng business management.. Nang biglang may nag-text sa kanya. At nakita nyang mommy nya pala ang nag-text sa kanya.
From: My
Tapos na ba kayo sa practice?
To: My
Yes my, magpapasundo na po sana ako sa driver.
From: My
Okay, nasabihan ko na sunduin ka na. Mag-ingat ka.
To: My
Yes my, thank you!
After nang conversation nila ng kanyang ina ay nilagay na nya ang kanyang violin sa loob ng kanyang case at nagpaalam na rin ito sa mga kasama nya.
"Sige mauna na ako sa inyo" paalam ni Lian sa mga kasamahan nya.
"Sige, mag-iingat ka" sabi nila steven at zach
Tumango sa kanila si Lian at lumabas na nang practice room.
Kararating lang ni Lian sa harap ng gate ng school nila ng may narinig syang mga nag-uusap na ingay ng mga estudyante.
May mga estudyante pa pala ng ganitong oras sa school.. Isip nya.
Napalingon sya sa mga ito at nakita nyang puro mga lalaki ang mga naglalakad patungo sa parking lot. Napadako ang kanyang tingin sa lalaking pinaggigitnaan ng iba pang kasamahan nya. Ilang minuto pa nya itong tinitigan ng biglang bumaling sa kanya ang lalaki kaya iniwas nya agad ang kanyang paningin.
Gosh, ang toinks mo naman kasi lian. Bakit mo ba tinititigan ang lalaking yun.. Alam kong gwapo sya pero bakit kailangan mo pa syang titigan.. Aish, sana hindi ako napansin nung lalaki na tumitingin sa kanya.. Kinakabahang isip ni Lian.
Hindi na uli sya lumingon sa gawi ng lalaki, dahil natatakot syang makita sya nito na tumitingin sa kanya.
Wala sya sa katinuan ng biglang dumating ang kanyang sundo, at bago pa sya makapasok sa loob ng sasakyan nila ay nakita nyang may mga papalabas na mga kotse sa campus. Sumakay na rin sya sa loob ng kanilang sasakyan dahil gabi na at hindi pa rin sya kumakain ng gabihan.
Nang makarating na sila sa kanilang tahanan ay agad syang nagtungo sa kitchen para sana kumuha ng pagkain sa ref ng makita nya ang kanyang mommy na patungo sa kanya.
"May pagkain na jan na ininit ko sa oven, kunin mo na lang" sabi sa kanya nya ng kanya ina habang naglalakad patungo sa kanya.
Agad naman nyang tinungo ang oven para kunin ang sinasabi ng kanyang ina at nakita nga nya sa loob nito ang pagkaing ininit ng kanyang mommy.
"Thanks my" sabi nito sa kanyang ina. At kumuha na sya ng plato at kutsara't tinidor at nilapag iyon sa kanilang kitchen sink at dun ay binuksan nya ang naka-foil na pagkain.
"Nasabi sa akin ni Deanne kanina na napili ka uli sa concours ngayong taon. Congrats Lian." Sabi nito sa kanyang anak sabay yakap sa kanila.
Noong isang taon din kasi isa sya sa mga napili except sa kanyang best friend.. Ngayon ay masaya sya dahil kasama nya ang kanyang best friend sa concours ngyong taon.
"Thanks my. Pati rin si Deanne napili rin." maligayang sabi nya sa kanyang ina.
"I know. Nasabi nga nya sa akin kanina. Dumaan muna sya dito kanina para sabihin yun at sinabi nya rin kung bakit hindi kayo magkasabay sa pag-uwi."
Magkababata kasi sila ni deanne at laging narito sila sa kanilang bahay noon kaya kilala na sya ng kanyang magulang at ganun din sya sa magulang ni deanne. Nasa kabilang block lang ng kanilang subdivision ang bahay nila deanne kaya malapit lang.
BINABASA MO ANG
Two Different Music
Novela JuvenilLian Ricafort loves to play violin. That's why she decided to enroll in a school of music where she can master her violin.. A very beautiful and a talented girl.. and also a loving daughter to her parents. She loves classical music more than anythin...