24: "Lason" (2/4)

342 22 0
                                    

Sinimulan ni Jun Wu Xie na suriin ang kanyang mga binti habang pinipindot niya ang ilang bahagi. "Wala ka bang nararamdaman?"

"Paminsan-minsan may ilang panginginig, ngunit hindi masyadong halata." Sagot niya.

Ipinagpatuloy niya ang pagsusuri sa kanyang mga binti at sa wakas pagkaraan ng ilang oras ay tumingala siya at nagtanong: "May tiwala ka ba sa akin, Tito?" Kalmadong tanong niya.

"Siyempre, may tiwala ako sayo!" Ngumiti ito ng matamis sa kanya.

Inilibot ni Jun Wu Xie ang kanyang paligid at dumapo ang kanyang tingin sa lawa ng lotus, habang ang kanyang mga mata ay kumikislap ng bakas ng pananabik.

"Napakaganda ng mga bulaklak ng lotus na ito, Naisip ko kung mahilig ba kumain si Tito ng buto ng lotus?" Kaswal niyang tanong.

Mabilis na nag-isip si Jun Qing at sumagot: "Kumakain naman ako paminsan-minsan."

"Kakapitas ko lang kahapon at naisip kong masarap talaga! Gusto mo rin bang subukan?" Tanong niya ulit sa kaswal na tono.

"Siyempre gusto ko, ikaw ang nagpitas niyan." Masaya siyang pumayag. Napakabait na ngayon ng sarili niyang maliit na pamangkin. Kung dati, kahit na pumili siya ng anumang buto ng lotus, ang unang taong bibigyan niya nito ay si Mo Xuan Fei!

"Tito, buksan mo ang iyong bibig," dagdag niya.

Nagulat si Jun Qing kahit na hindi niya alam kung ano ang binabalak niya ngunit bilang isang mapagmahal na Tiyo, ang gusto lang niya ay ang maging masaya ang kanyang pamangkin kaya nakinig siya sa kanya at masunuring ibinuka ang kanyang bibig.

Sa sandaling ginawa niya iyon, agad na ipinitik ni Jun Wu Xie ang buto ng lotus sa kanyang bibig at bago pa man siya makapag-salita, isinara ni Jun Wuxie ang kanyang bibig at itinagilid ang kanyang ulo at pinilit siyang lunukin iyon.

"......." Mula sa kanyang 'banayad' na paraan ng 'pagpapakain', halos maiyak si Jun Qing.

Noong naisip niyang sa wakas ay nagiging mas matino na siya, ang paraan ng paggawa niya ng mga bagay ay medyo....magaspang.

Hindi masisisi si Jun Wu Xie sa magaspang na paraan ng pagpapakain ng gamot. Ito lamang ay hindi kailanman sa kanyang gene ang pinagmulan. Tungkol sa mga pasyente na tumangging kumain ng mga gamot, palagi siyang nag-iisa iyon ay ang magpakain ng pasyente at ang kanyang pamamaraan ay magaspang ngunit epektibo nang walang puwang para sa pagtutol.

"Hindi ba masarap?" Nagtanong si Jun Wuxie.

Tumingin si Jun Qing sa kanya na may tulalang ekspresyon. Itinulak ni Jun Wuxie ito sa kanyang lalamunan! Kailan niya nakuha ang pagkakataon para matikman iyon?

"Mmmm.... Masarap." Sumuyo siya sa kanya.

"Kung ganoon ay aalis muna ako." Matapos gawin ang kanyang kailangan gawin, siya ay nagmadaling bumalik sa kanyang patyo.

Nakatitig si Jun Qing sa kanyang likuran habang paalis, na medyo naguguluhan. Dumating hanggang dito, at pagkatapos ng maraming salita pinapakain lamang siya ng isang buto ng lotus?

"Munting Amo, mahina pa ang katawan mo at ang mga buto ng Lotus ay banayad na pampakalma. Dapat ko bang hilingin sa kusina na ipaghanda ka ng sabaw ng luya." Binasag ng 'lingkod' na kanina pa nakatayo sa likuran niya ang katahimikan. Kung titingnang mabuti, ang lalaking ito ay may isang matangkad at matipunong katayuan, sa kanyang stoic expression, iisipin ng iba na siya ay hindi katulad ng isang utusan.

Itinaas ni Jun Qing ang kanyang kamay, at sinabing;
"Hindi na kailangang gumawa ng malaking kaguluhan sa isang buto ng lotus. Hindi naman ako ganun kahina."

Hindi na nagpatuloy ang lalaking iyon na sabihin ng malakas ang kanyang iniisip. "Mukhang medyo naiiba ang maliit na Binibini nitong mga nakaraang araw."

Mula nang masugatan si Jun Qing, mahigit isang dekada na niya itong inaalagaan at napanood si Jun Wu Xie na lumaki. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng magandang impresyon sa kanya dahil sa pagiging matayog at mayabang nito kaya hindi na rin siya nag-abalang batiin siya nang makita siya.

"Palagay mo rin?" Ang mga labi ni Jun Qing ay kurbadang paitaas habang siya ay nag-iisip ng malalim. Na may bakas ng galimgim, wala sa isip niyang sabi,; "Ang pagkakita ko sa kanya ngayon ay medyo nagpapaalala sa akin kay Kuya."

"Pakiusap, huwag magbiro, may mga bagay na hindi maihahambing." Nakakunot ang noo ng lalaking iyon habang seryosong sumagot, tila hindi siya sang-ayon sa mga sinabi ni Jun Qing.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon