25: "Lason" (3/4)

343 16 0
                                    

Nawala agad ang ngiti ni Jun Qing at umiling. "Tsk. Ang tanging nakakatiis sa ugali mo ay si Kuya. Huwag mong kalilimutan, ang batang iyon ay...siya ang anak ng lalaking pinagsumpaan mo ng iyong katapatan. Kung Isang araw may mangyari man sa aming mag-ama... Ang Pamilyang Jun ay maiiwan kay Wuxie at sa..."

Bago niya matapos ang kanyang pangungusap, isang hindi komportableng kati ang naramdaman na para bang may naglalagari ng kanyang mga buto gamit ang isang mapurol na kutsilyo at siya ay yumuko habang ang pakiramdam na ito ay nagsimulang kumalat sa bawat buto sa kanyang katawan.

"Master!" Nag-aalalang tumingin ang lalaki sa maputlang mukha ni Jun Qing.

Ang lason ni Jun Qing mula noon ay hindi pa ganap na nalilinis at ang natitirang lason ay tumagos nang malalim sa utak ng buto, kahit na ang sikat na Angkang Qing Yun soberano ay nabigo na kuntrahin ito.

Sa paglipas ng mga taon, si Jun Qing ay naging maingat hanggang sa kanyang diyeta. Kanina lang magaling siya at pinagsasabihan pa siya, bakit siya biglang...?

Bigla siyang may naisip.

"Yung buto ng lotus? Pero paano naman nangyari yun?"

Hindi mahalaga kung gaano niya kaayaw si Jun Wu Xie, dumadaloy pa rin ang dugo ng pamilya Jun sa loob ni Jun Wuxie, kaya naman noong nilapitan niya si Jun Qing kanina lang, wala siyang anumang pangamba sa kanya. Paano kaya naging siya.

Mariin na itinikom ni Jun Qing ang kanyang mga ngipin nang maramdaman niyang ang kati ay unti-unting naging isang hindi maipaliwanag na sakit. Parang unti-unti siyang dinudurog at ang sobrang sakit ay bumalot sa kanya habang siya ay pinagpawisan ng malamig.

Habang pinagmamasdan ng lalaki ang kalagayan ni Jun Qing na lumalala sa bawat sandali, mabilis niyang ina-angat si Jun Qing gamit ang kanyang Gulong-upuan at nagmamadaling bumalik sa silid.

Ang lahat ng ito ay hindi binalita kay Jun Wu Xue. Siya ay nakakulong sa kanyang botika at nagsasaliksik. Hindi siya nagdalawang isip dahil siya ay nakaranas sa paraan ng paglilinis ng buto at bagama't hindi ito ang pinakakumportableng karanasan, ito ay makakaya pa rin sa kanyang palagay. Gayunpaman, ang hindi niya alam ay ang paglilinis ng isang karaniwan na buto ng tao at ang isang nalason ay may ganap na kakaibang epekto.

Sa ibang patyo, sa sandaling ito ay dumaranas si Jun Qing ng matinding sakit, na parang isang libong kutsilyo ang tumatama sa kanyang mga buto. Isang biglang pangangailangan para sa lahat ng may kakayahan na mga manggagamot sa pamahalaan na magtungo ng mabilis sa Palasyong Lin para gamutin si Jun Qing.

Gayunpaman, ang lahat ng mga manggagamot ay walang magawa sa kanilang Pasusuri habang si Jun Qing ay nakahiga sa kanyang kama samantala ang temperatura ng kanyang katawan ay tumataas, habang patuloy na nanginginig ang kanyang katawan at maya-maya'y nababad na ng pawis ang mga kumot. Ang pawis na lumabas galing sa kanya ay may dalang itim na mabahong sangkap.

Ang eksenang ito ay nagtakot sa taliwas ng grupo ng mga doktor na lumuhod sa gilid ng kama na nanginginig.

Nakatanggap si Jun Xian ng balita at nagmamadaling bumalik upang makita ang kanyang anak na nakahiga sa kama, Mukhang hindi maasahan ang kalagayan niya na para bang nasa libingan na ang isa niyang paa.

Pawis na pawis si Jun Xian habang umuungal, "Anong nagyari? Manggagamot na Li, okay na ba ang anak ko?!?!" Isang pares ng pulang mga mata ang nakatitig nang masama sa mga manggagamot na nakaluhod sa tabi ng kama.

"It..ito..ang hamak na ito...hindi alam kung paano..Kung paanong nagkagulo ang daloy ng kanyang dugo at biglang kumalat ang lason sa kanyang utak sa buto...kumalat sa Bu..buong katawan. Ito..ang hamak na ito ay talagang sinubukan ang aking makakaya... Lin Wang, pakiusap maawa ka!" Ang grupo ng mga manggagamot ay sumigaw para sa awa dahil lahat sila ay may parehong pagsusuri- na hindi na magtatagal ang buhay ni Jun Qing!

Sa bigat ng kaalamang ito ay halos mawalan ng malay si Jun Xian pinilit niya na pakalmahin ang kanyang sarili.

Mamamatay ba ang kanyang huling anak?

Hindi!

Hindi ito maaaring mangyari!

Agad siyang sumugod papunta sa maharlikang palasyo, nagnanais na hanapin si Bai Yun Xian dahil siya ay alagad ng Soberano ng Angkang Qing Yun. Sa kanyang pagkadismaya, Si Bai Yun Xian ay tumanggi sa pakikinig kanino man sinasabing siya ay natatakot pa rin mula sa atake at nagpapagaling pa rin.

Agad siyang pumasok sa malaking bulwagan upang sa halip makaharap ang Emperador. Ang kanyang Kamahalan ay nalagay sa isang mahirap na sitwasyon at dahil wala siyang mapag-pipilian, Nakatingin nalang siya nang walang magawa habang nakita niyang pinangunahan ni Jun Xian ang lahat ng maharlikang manggagamot pabalik sa Palasyong Lin upang tumulong sa paggamot kay Jun Qing.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon