Chapter 1

36 2 1
                                    


Mag iisang linggo na din simula ng mamatay ang daddy ko, wala na din ang mommy ko dahil namatay sya nung ipinanganak nya ako. Ang tanging naiwan na lang sakin ay itong bahay namin, bahay na puno ng mga alaala ko kasama sila. Hindi ko padin lubos akalain na iiwan din ako ni daddy, sya na kase ang naging mommy at daddy ko habang pinapalaki nya ako kaya nga hanga ako sa katatagan at sakripisyong ginawa nya para lang mapalaki ako ng maayos. Kaso hindi ko lang matanggap na itinago nya sa akin ang sakit na nararamdaman nya, all this years pinapahirapan na pala sya ng sakit nya habang ako ay wala man lang kaalam-alam sa pinagdadaanan nya, iniisip na sobrang lakas nya hanggang nung isang araw ay hindi nya na nakayang tiisin pa ang sakit nya at itago sa akin dahil nawala na sya. Feeling ko nung nawala si daddy, yun na din yung katapusan ng buhay ko dahil sya lang ang inaasahan ko,sya lang yung nakaalalay sakin kapag nagkakamali ako, sya lang kase ang natitirang pamilya na meron ako,pero ngayon wala na kaya mag isa na lang ako.

"Hey, Janine!" Natigil naman ako sa pagmumuni-muni ng may tumawag sakin sa gate namin. Malayo ang bahay namin sa city proper at wala din kaming kapit-bahay kung kaya't mas lalo itong nakadagdag sa pangungulila ko sa mga magulang ko "Janine, andyan ka ba? Kami to nina Von!"dahil sa sigaw ulit nya ay nakilala ko ang boses nito. Si nica at von, ang mag jowa na kaibigan ko. Nung mawala ang mga magulang ko, thankful ako dahil andyan sila para samahan at damayan ako kaya nababawasan kahit papaano ang lungkot na nararamdaman ko. Nung mawala si daddy nag stay sila dito sa bahay whole night at sabay sabay kaming umiyak haha.

Lumapit na ako sa gate at pinag-buksan sila, bumungad sakin ang mga nakangiti nilang mukha na mala joker haha

"Antagal mo namang mag bukas ng gate, ano ba ang ginagawa mo dyan?"reklamo ni nica kasabay ng pag pasok sa loob, sumunod naman sa kanya si von matapos guluhin ang nananahimik kong buhok. Aba't talagang sinasagad nila ang kasabihang feel at home,ah?

Wala na akong nagawa pa kaya sinarado ko na lang ang gate at sumunod sa kanila sa loob, naabutan ko naman silang nasa Sala at aba lumalamon na ng mga prutas ang mga buang na akala mo ay sila ang may-ari at ako ang bisita. Pero kahit na ganyan sila e sanay naman na ako, kaibigan ko na si von simula bata pa kami dahil malapit na magkaibigan ang parents namin, habang si nica naman ay naging kaibigan namin nung grade 6 kami. At sino ba namang mag aakala na silang dalawa din pala ang magkakatuluyan? Sabagay same vibes na same vibes sila, mga maloko tss.

"Oh Janine, ano pang tinatayo-tayo mo dyan?umupo ka na at baka mangalay ka pa."Sita sa'kin ni von habang sinusubuan naman sya ng apple ni nica, ang dalawang 'to talaga. Ang cheesey, hagisan ko kaya ng remote para doon na lang sila sa labas ng gate mag lambingan?echos haha.

Nakiupo na din ako sa kanila at nakipag kwentuhan, kahit lamang padin ang lambingan nila sa harapan ko. Kapag talaga ako naumay sa ka-cheesey-han ng dalawang 'to, mapapalayas ko talaga sila ng wala sa oras amp.

"Ano na palang balak mo,Janine?wala na si tito Liam, pero hindi naman ibig sabihin nun magkukulong ka na lang dito sa bahay nyo." Biglang tanong ni von sa'kin, natahimik naman ako dahil bukod sa nagulat ako sa biglaang pagseryoso nya ay hindi ko din alam ang isasagot sa tanong nya dahil maging ako ay hindi alam kung ano na ang gagawin ko, wala na si daddy kaya hindi ko na alam kung paanong mag umpisa ulit sa buhay. Napabuntong hininga na lang ako at nagpangalumbaba sa lamesa, nagkatinginan naman sila at sabay na lumapit sakin para yakapin ako, ang dalawang to kahit na mga siraulo ay malambing padin at always nandyan para pagaanin ang loob ko.

"Hayaan mo, tutulungan ka naming magsimula ulit." Sabi ni nica na nagpagaan lalo sa nararamdaman ko. Ano na nga ba ang gagawin ko ngayon?mag te-third year college na ako sa pasukan sa kursong BS in Forestry. Pero Hindi ko alam kung paano na ang pag-aaral ko nito, although may naiwan namang pera si daddy sa Bangko ko na hindi ko pa alam at nachecheck kung magkano iyon. sabi nya kase sakin bago nya ako iwan ay may iniwan daw syang pera sa Bangko at huwag daw akong mag-alala dahil hindi daw ako mag-iisa kahit mawala sya. Hanggang ngayon diko padin gets kung ano ang ibig nyang sabihin dun pero inisip ko na lang na baka sina nica at von ang tinutukoy nya dahil alam nyang di ako iiwan ng mga kaibigan ko.

Nakahilata lang ako dito sa kama ko, 7:30 na ng gabi at kakaalis lang din nila nica at von kaya naiwan na naman akong mag-isa. Sa tuwing mag-isa ako ay diko mapigilan ang sarili ko na umiyak, hanggang sa mapagod ako at makatulog. Ready na sana akong matulog kahit hindi pa ako nag di-dinner dahil wala naman akong ganang kumain ng biglang mag ring ang telepono ko, kaya tinatamad man ay sinagot ko na ito.

"Hello" bungad kong tanong sa tumawag, ilang minuto pa ang nakalipas ng walang sumasagot kaya ibanaba ko na ang tawag dahil mukhang pinaprank lang ako,siguro sina von at nica na naman ang nang-aasar sa'kin tsk wala na naman magawa ang dalawang 'yun. Hihiga na sana ulit ako ng mag ring na naman ang telepono, naiinis ko itong sinagot at kapag wala pa talagang mag sasalita nakoooo---

"Hello, ikaw ba si Janine?" Tanong ng nasa kabilang linya, boses lalaki.

"Yes, ako nga. Sino po sila?" Tanong ko, ngunit katulad kanina ay wala na namang sumagot. Talagang sinusubukan nito ang pasensya ko,ah?nang-aasar ba sya?sino ba kase 'to at bakit kilala nya ako?"hello?alam mo wala akong time para sa kalokohan mo,okay?iba na lang e prank call mo mister, wala kang mapapala sa'kin kaya babye." Inis na sabi ko at ibababa na sana ang telepono ng muli ay mag Salita na naman sya, lakas din ng sira ng tuktok nito e.

"Wa-wait, I am Brixham ranzee villaruel" pagpapakilala nya sa sarili, pero sino ba sya? Ano daw ulit pangalan?brixton?rubrics?eeeh?"Ako ang anak ng bagong nagmamay-ari ng bahay nyo." Sabi nya kaya natigilan naman ako sa narinig. Sya ang ano?b-bagong a-ano daw?pinaglololoko ba talaga ako ng isang 'to?nanggigigil na ako sa kanya,ah!

"Alam mo rubrics cube, tigilan mo na ako dyan sa kalokohan mo, okay?gaya ng sabi ko kanina, wala akong oras sayo." Naiinis kong binaba ang tawag, narinig ko pang umalma sya pero bahala na sya sa buhay nya, nakakainis talaga ang mga tao ngayon na ang hihilig mang prank call e di naman nila kilala ang tinatawagan nila--- teka nga lang, bakit nya ako kilala?paano nya nalaman ang name ko?hayyyyssss sino ba kase talaga sya!?

Gulong-gulo na ang utak ko pero mas lalo itong naguluhan ng makatanggap ako ng text galing sa kung sino man dahil hindi naka registered sa phone ko ang number nya,ngunit parang alam ko na kung sino sya.

Unknown number
09*********

"Weather you believe it or not, saamin na ang bahay na 'yan, dahil binenta na ng tatay mo ang bahay nyo sa nanay ko."

Hindi parin nagsi-sink in sa utak ko ang nabasa, pinaglololoko ba talaga ako nito? At dinamay nya pa ang daddy ko sa kalokohan nya, binenta? Imposible, hinding hindi magagawa ng daddy ko na ibenta ang bahay namin dahil alam nyang ito na lang ang maiiwan saakin, at puno ito ng mga memories namin. kaya't sigurado ako na wala lang magawa sa buhay ang mokong na 'to kaya pinagti-tripan ako.

Pero hindi pa man ako nakakamove-on sa naunang text nya ay nagpadala na naman sya ng bagong mensahe, na lalong nagpagulo sa isip ko at nagpakabog ng malakas sa dibdib ko dahil sa matinding kaba at inis.

Unknown number
09*********

"Pupunta kami dyan tomorrow to settle everything, so please pack up your things dahil bukas na bukas ay lalayas ka na."

Damn it! Damn him! Ako, lalayas sa sarili kong bahay?ano sya, hilo?Hindi ako magpapaloko, kung sino man sya humanda sya sa'kin!!!

HOUSE OF DESTINY Where stories live. Discover now