Nagpapalitan kame ng masasamang tinginan ngayon ni rubrics cube habang magkaharap na nakaupo sa sofa."Great!now were settled." Masayang sabi ni tita na pumapalakpak pa. Napahinga na lamang ako ng malalim dahil sa siglang pinakita nya samantalang kami ni rubrics cube ay kulang na lang na mag sabunutan.
Wala na kaming nagawa kahit na umangal pa, dahil buo na daw ang desisyon ni tita na sa iisang bahay kami titira ni brix. Dismayadong dismayado ang buang, akala mo naman ginusto ko din 'to. Pero sa ngayon wala na akong magagawa pa, gustuhin ko man o hinde ay kailangan kong pumayag dahil sa pakiusap sa'kin ni tita. So no choice ako kundi tiisin na lang na makasama ang mokong na 'to. Pero kapag dumating ang araw na tanggap ko ng naibenta na ang bahay ay ako na mismo ang kusang aalis, alam kong may pangako si tita kay daddy kaya hahayaan ko muna syang tuparin iyon dahil alam kong 'yon ang tama, pero kapag nakapagtapos na ako ay aalis na ako dito.
"Ija, sorry sa kakulitan ni brix."aniya ni tita habang nakatingin ng masama sa anak. Dapat hindi na si tita ang humingi ng pasensya dahil sa ugali ng anak nya, ang layo talaga ng ugali ni rubrics cube sa mama nya samantalang mabait din naman ang papa nya, kanino naman kaya nagmana sa kasamaan ng ugali ang lalaking 'toh?
"Nako, 'wag po kayong mag-alala tita, okay lang po sa akin 'yon." Sabi ko at pilit na ngumiti at tumawa na parang natatae lang. Nagkatinginan naman kame ni rubrics at nag make face na naman ang buang, kahit kailan talaga.
"Pano ija, mauuna na muna kami. Pero babalik kami bukas para ilipat ang mga gamit namin dito,okay?"sabi ni tita kaya tumango na lang ako.
Hinatid ko sila palabas ng gate, bago pa man sila makaalis ay sinamaan muna ako ng tingin ni rubrics bago pumasok sa sasakyan nila, isip bata talaga.
Nang tuluyan na silang makaalis ay bumalik na ako sa loob at nag linis ng bahay, may kalakihan ang bahay ko at two floor ito kaya nga madalas makalat dito dahil sa tinatamad na akong mag linis pero ngayon ay hindi ako pwedeng tamarin, nakakahiya naman din kase kay tita, makikitira na nga lang ako tapos di pa ako tutulong sa pag lilinis.Sinimulan ko muna ang pag lalampaso bago punasan ang mga bintana, pagtapos ay sinunod ko naman ang kusina at ang mga kwarto sa itaas.
Mag gagabi na nung matapos ako sa gawaing bahay, hayyyyyy nakakapagod talaga huhuhu.Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng gate, dahil sa matinding pagtataka ay patakbo akong lumabas, di pa man ako tuluyang nakakababa ay naabutan kong may mga tao sa loob ng bahay ko habang may binubuhat na gamit papasok. Sisigaw na sana ako ng magnanakaw kaso baliktad pala ang sitwasyon, sila na ang nagpapapasok ng mga gamit sa bahay ko imbes na kumukuha haha. Pero nawala ang curiosity ko ng sumunod na pumasok si Tita Claire at syempre kapag andito si tita expected ko ng andito din si mokong na sisira na naman sa araw ko grrrr.
"Good morning, ija." Bati ni tita, nginitian ko naman sya at akmang bababa na sa hagdan para salubungin sila ng biglang tumawa si Brix na hindi ko alam kung bakit na naman, napasukan na naman ata ng hangin sa utak.
"M-mukha kang m-multo hahaha wala ka bang suklay?."hirap na sabi nya dahil sa kakatawa nya, m-multo?napahawak ako sa buhok ko at nanlaki ang mga mata ko. Doon ko lang naalala na kakagising ko nga lang pala at sobrang sabog ng buhok ko ngayon, uwaaaaaaah!nakakahiyaaaaa T_T
"W-wait tita, b-babalik po ako!."nagmamadaling sigaw ko bago patakbong pumasok sa loob ng kwarto ko. Sheeeesh ang tanga ko talaga, binigyan ko na naman sya ng bagong rason para maasar ako!wala talagang magandang dulot ang lalaking iyon kundi ang sirain parati ang araw ko sa tuwing nagkikita kami.
Nagmadali na lang akong maligo at mag-ayos dahil nakakahiya namang paghintayin sa baba sina tita, pero kung si Brix lang andyan hinding-hindi ko sya bababain! Ng matapos ako ay agad na akong gumayak pababa ng hagdanan, naabutan ko naman sina tita sa may kusina habang naghahanda ng mga pagkain, agad naman akong nakaramdam ng hiya, at saya. Simula kase ng mawala si daddy, ngayon na lang ulit ang may nag handa ng pagkain para sa'kin. Pero pinawi ko ang isiping iyon dahil pinipilit ko ng huwag maiyak at maging matatag na lang, dahil alam kong ito din ang gusto ni daddy para sa'kin.
"T-tita, ako na po dyan. Nakakahiya naman po sa inyo, ako po dapat ang gumagawa nyan." Aniya ko at kukuha na sana ng pinggan para ako na lang ang magsasalin sa lamesa, Pero pinigilan nya ako.
"Nag suklay ka na?wala parin palang pagbabago,manok."pang-iinsulto naman ng mokong, wala talaga syang masabing maganda. Pero hindi ko na lang sya pinansin at tumulong parin kay tita sa paghain, pumayag naman si tita at ng matapos kami ay umupo na kame sa upuan. Sadyang mabait si tita dahil pati yung mga nagbubuhat ng gamit kanina ay binigyan nya din ng pagkain at pinag almusal doon sa may sala. Pang anim na katao lang kase ang kasya dito sa dining table namin kung kaya't sa sala na lamang sila dahil hindi na kami kasya.
"Brix, how many times do I have to tell you to stop teasing,Janine?"panimula ni tito habang kumakain kami, ang seryoso na ng tono ng pananalita nya. Napatingin naman sa'kin si Brix kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.
"I'm not teasing her dad, I'm just...."hindi nya pa man din natatapos ang sasabihin ay matatalim na syang tinignan ng parents nya"yeah, right.." aniya at nagpatuloy na lang sa pagkain, napabuntong hininga na lang din si tito Ben dahil don.
"Janine, anong grade ka na,ija?" Biglang tanong ni tito Ben sa'kin, nilunok ko na muna ang nginunguya ko bago sinagot ang tanong nya.
"Ahm, mag t-third year college na po ako sa pasukan."sagot ko, napatingin naman sila sa'kin, pero ang ipinagtataka ko lang ay ang gulat sa mga mata ni brix, ano na naman kaya iniisip ng mokong na 'toh?
"Third year ka na?wow, ang liit mo naman para maging college student. Akala ko nga ay high school ka palang."nagugulat kuno na aniya na may patakip-takip pa talaga sa mukha nya, namumula na ata ang pisngi ko ngayon sa sobrang pagpipigil sa inis. Kung makapagsalita talaga ang isang to akala mo ay sobrang tangkad nya, oo na sya na matangkad!
"Brix." Pagbabanta ni tito Ben, palihim naman syang natawa, nalukot ko na lang ang hawak kong table napkin, wala naman talaga akong ganto kase di ako gumagamit, si tita lang nag lapag nito dito hahahaha.
"Same pala kayo ni brix, third year na din sya." Aniya ni tito Ben "engineering ang kinukuha nya kaya kahit papano ay matino din naman itong anak ko." Aniya ni tito kaya natawa na lang ako.
"Dad,naman!" Reklamo nya pero tinawanan lang din sya ni tito, ano ka ngayon brix?tignan ko lang kung makaangal ka sa asar ng daddy mo.
"Deserve." Pabulong na sabi ko pero tila narinig ata nya dahil kunot noo na itong nakatingin sa'kin.
"Anong sabi mo?." Umiling na lang ako at nginitian sya, kita mo naman ang inis sa mukha nya, pikon talaga haha.
Nag usap-usap pa muna kami bago nagpatuloy sa pag aareglo ng mga gamit na dala nila dito sa bahay. Inabutan na din kami ng gabi bago matapos sa pag-aayos. Ng matapos ay naupo na kami sa sofa dito sa may Sala, pinauwi na din ni tita ang mga nag buhat ng gamit kanina kung kaya't kami na lang ang narito.
"May importante nga pala kaming sasabihin sa inyo." Panimula ni tita kaya napahinto ako sa pag-aayos ng buhok ni Talia, ang bunsong anak ni tita Claire.
"What is it, mom?" Nababagot na Tanong ni brix, napatingin naman sa kanya ang mama nya bago ito nagpatuloy sa pagsasalita.
"We would like to inform you that we ahm.... we can't stay here with you,kids." Nanlaki naman ang mga mata namin ni brix ng marinig ang sinabi nya, nagkatinginan naman kami at first time na iisa ata ang nasa isip namin ngayon.
"Why?"
"Bakit po?" magkasabay na tanong namin ni brix.
"Alam nyo namang doctor si Ben, at hindi nya pwedeng iwan ang hospital. Kung dito kami titira ay malayo na sya sa pinagtatrabahuhan nya dahil malayo sa city proper ang bahay natin. Kaya we decided na doon na lang muna tumira sa isa nating bahay." Mahabang paliwanag ni tita pero tila ni isa ay wala akong naintindihan. So anong ibig nyang sabihin?na titira ako dito kasama lang ang mokong na 'to????
"But mom..."
"Pero,tita..." sabay na naman naming sabi pero hindi na namin natapos pa ang sasabihin dahil pinutol na agad ni tita.
"No buts, children. Everything is settled now so please cooperate."aniya sa pinal na boses, para naman akong binagsakan ng sangkatutak na bakal dahil sa narinig.
Nooooo waaaaaaaay!katapusan ko na yataaaaaaaa!!!!!!
YOU ARE READING
HOUSE OF DESTINY
Teen FictionNang mawala ang mga magulang ni Janine ay kinailangan nya ng sanayin ang sarili nya na mamuhay ng mag isa. Ngunit sa hindi nya inaasahan ay ibinenta pala ng kanyang ama ang kanilang bahay sa milyunaryong kaibigan nito at ipinagbilin din ng kanyang...