Chapter 6

7 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nagluluto ng pang breakfast ni Brix. 4 am palang ay gising na ako para mag handa ng makakain nya, ewan ko ba naman kase dun kung bakit early gustong mag breakfast kahit wala naman syang lakad, halata talagang pinagawa nya lang sa'kin ito para mas lalo akong pahirapan. Pero hindi ako mag papatalo sa kanya, no way highway!

Simpleng breakfast lang ang inihanda ko ngayon, bukod sa tinatamad akong mag luto para sa kanya e ito na lang din ang naiwang laman sa ref namin dahil naubos na yung pinamili ko last week. Tsaka bahala syang umagal, babayaran nya ako para ipag luto sya, at ang pag prito ng egg at hotdogs ay pagluluto na so meaning nagagawa ko ng tama ang trabaho ko sa kanya hehe.
Nang matapos akong mag luto ay inihain ko na ito sa lamesa, ng mapatingin ako sa wall clock ay 7:30 na pala ng umaga, tsk!pinagising nya ako ng sobrang aga para maipaghanda sya ng breakfast ng 7 am tapos hindi nya naman pala kayang gumising ng sobrang aga, kahit kailan talaga amp.
Nanggigigil na talaga ako sa mokong na iyon, wala na syang ginawa na hindi makakaasar sa'kin!talagang may saltik na sya.

"Good morning, manok."ngingiti-ngiting aniya ng makarating dito sa kusina, pero nawala ang mga ngiting nakakaasar na iyon at napalitan ng sobrang magkasalubong na kilay ng makita nya ang nakahain. Ano na naman?mag rereklamo na naman 'to panigurado amp."ano 'yan?"kuno't na kunot ang noo na aniya, napabuntong hininga na lang ako sa inaasal nya.

"Egg and hotdogs, ngayon ka lang ba nakakita ng ganyan?." Painosenteng tanong ko, napataas naman ang kilay nya at halata ang pagkapikon sa mukha.

"Huwag mo nga akong pinipilosopo, alam ko kung ano ang mga 'yan what I mean is, bakit iyan lang ang niluto mo?yan lang ba ang alam mo?ah sabagay, magugulat din naman ako kung makakapagluto ng Adobo ang isang manok na katulad mo."tatawa-tawang aniya, aba't talagang!


"Kung ayaw mong kumain edi 'wag!hindi naman kita pipilitin e, tsaka hindi naman ako ang magugutom kung mag iinarte ka pa dyan."bulyaw ko sa kanya at iniwan sya.


"H-hoy!anong sabi mo?baka nakakalimutan mo na binabayaran kita para lutuan ako?tapos hindi mo man lang magawa ng maayos?."sigaw nya at sinundan ako dito sa may sala. Napaka yabang talaga!


"Ginawa ko naman ng maayos ah?pinagluto kita, nasa lamesa na nga 'diba?maarte ka lang kase."ibinulong ko na lang ang huling sabi ko dahil siguradong puputak na naman sya.


"Ano?luto na ba iyon sayo?nag prito ka lang naman ah?ay hinde, mag luto ka ulit doon!"pasigaw na aniya nya, pumantig naman ang tenga ko sa narinig!


"A-ano?nag luto naman ako,ah?alam mo namang nagising ako ng madaling araw para lang ipagluto ka tapos babalewalain mo lang ang niluto ko?napaka ungrateful mo naman!"


"U-ungreatful?ha! Sino ka para sabihan ako ng ganyan?binabayaran kita at pinapakain, the least thing you could do is to do your job properly!"


"Ginawa ko naman diba?paulit-ulit ka!maarte kase."


"Ah basta, magluto ka ulit don!"


"Ayoko!huwag kang kumain kung ayaw mo, bahala ka magutom!"sigaw ko sa kanya dahil naubos na talaga ang kakarimpot kong pasensya sa kanya.


















"Basta sa susunod, totoong ulam na ang lutuin mo,ah?."Sabi nya habang kumakain, andami nya pang reklamo kanina e kakain din naman pala.


"Totoong pagkain naman iyan ah?tingin mo ba laruan lang iyan?nangunguya mo naman,diba?."pamimilosopo ko, ang hirap nya talagang kausap.


"Meat! Ayan para maintindihan mo kung ano ang minimean ko!magluto ka ng ulam na may meat!."sigaw na naman nya habang nakaduro sa'kin ang kutsara nya, apaka bastos at palasigaw talaga nya!abnoy!


"Oo na, oo na!."pagpayag ko na lang "alam mo, payong kaibigan lang ah---"


"we're not friends."pagputol nya sa sinasabi ko, napakasama talaga!


"Alam ko, I'm just being friendly."Sabi ko na lang "ang sinasabi ko lang, bawas-bawasan mo iyang kaartehan mo,okay?baka masapak ka na lang ng iba kapag hindi kinaya ang kaartehan mo."Sabi ko at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.


"Shut up!."aniya nya, binelatan ko na lang sya dahil pagod na akong makipagtalo sa kanya. "Anyway, may pupuntahan akong shoot mamaya, sasama ka sa'kin."hindi naman ako nakasagot agad sa sinabi nya.


"A-ano?bakit kailangang sumama pa ako?ano namang gagawin ko don?tsaka, alam ko namang pasado ako sa pagmomodel pero ayoko. Tama na sa akin na dito na lang ako sa bahay mainis sayo, huwag na sa ibang lugar pa."pagtanggi ko. Bumakas naman ang gulat sa mukha nya, hindi nya ata ineexpect na tatanggi ako sa pag momodel, nanghihinayang siguro sya.


"What?Seryoso ka ba?napakaassuming mo naman,dika pasado doon."sagot nya na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa kaya inirapan ko na lang sya.


"Chee!" sigaw ko, natawa lang ang buang.


"Isasama kita para may taga buhat ako ng gamit, huwag ka ngang assuming. Tsaka ka na mag model kung kailangan na nila ng manok."pang-aasar na naman nya, sa inis ko ay nilantakan ko na lahat ng naiwang hotdogs, bahala sya!


"H-hoy!patay gutom ka ba?."Sita nya pero hindi ko na sya pinansin.


"Huwag mo na nga akong kausapin, nakakawala ka ng gana,e."reklamo ko sa kanya.


"Wala ka pang gana nyan,ah?."sarkastikong aniya,tss.

Bahala sya sa buhay nya, porket modelo sya ay mang j-judge na sya?ang panget nya kaya!amp!

BRIXHAM RANZEE VILLARUEL ANG PANGET PANGET MO!

HOUSE OF DESTINY Where stories live. Discover now