Tatlong araw na simula nung bumisita sina tita Claire, at tatlong araw ko na rin binabasa ng paulit-ulit ang sulat na nakita ko sa loob ng kwarto ni daddy. Kahit na nakakabasa at nakakaintindi ako ng maayos pero tila ba ayaw intindihin ng utak ko ang nilalaman ng liham na iniwan sa'kin ni daddy.
Nung gabing umuwi sina tita Claire ay pumunta ako sa dating kwarto ni daddy at doon ko binuhos lahat ng sakit at mga katanungan ko, may nakita akong box sa ilalim ng lamesa nya kaya kinuha ko ito at doon ko nakita ang sulat nya. Sulat na dumurog sa puso ko, sulat na nagpapatunay sa sinasabi sa'kin ni tita Claire. Hindi padin ako makapaniwala na totoo nga ang lahat ng sinasabi nila, na ibinenta nga ni daddy ang bahay sa kanila.
Dear Janine,
Anak I'm sorry for leaving you alone. Hindi ko man ito gusto pero anak, wala ng magagawa pa si daddy. I'm also sorry for not telling you about my health condition, ayaw ko lang na mag-alala ka pa sa'kin. Daddy loves you so much anak, and masakit man sa akin pero kinailangan kong ibenta ang bahay natin, I know that I made a promise with you and your mom that the house only belongs to us , but I had no choice. I can't leave you with no one. Kinailangan ko din e secure ang future mo at ng pag-aaral mo that's why ibinenta ko ang bahay sa tita Claire mo, and she promised to take care of you, kaya kampante na ako. Please don’t be mad at me, para din sayo ang ginawa kong ito. I love you my princess.
Dad.
Naiintindihan ko si dad, pero masakit padin tanggapin na hindi na samin ang bahay na ito. Tinignan ko ang bawat sulok ng bahay namin, mamimiss ko ang Sala, kusina,ang kwarto ko. Ang buong bahay na to. Pero gaya ni dad, wala akong choice. Nakakahiya ng tumira pa dito, mag-iipon na lang ako para mabawi ko ang bahay, teka... what if ibalik ko na lang ang perang ipinambayad ni tita kay daddy?pero malulungkot si daddy kapag gagawin ko 'yun. Tatapusin ko na lang muna ang pag-aaral ko tapos
"Babalikan ko 'tong bahay, at babawiin ko."
Hinanap ko na ang number ni brix sa contacts ko, kahit ayaw ko man ay sinave ko padin ang number nya kapag dumating na ang araw na maintindihan ko na ang lahat, at ito na ang araw na iyon.
Nakakatatlong ring palang sinagot na agad ng kabilang linya.
"Hello" bungad nya ng masagot ang tawag. Bumuntong hininga muna ako bago mag salita.
"H-hi brix, it's me,Janine." Panimula ko, natahimik naman ng ilang Segundo ang kausap ko. Ang weird talaga ng isang 'to tss.
"Ohh, what's up?tanggap mo na ba na lalayas ka na?." Hindi ko man makita ang mukha nya pero sigurado akong nakakainis ang itsura nya ngayon. Kung nagkataon lang na kaharap ko sya ngayon, nasapak ko na sya.
"OO." Walang enerhiyang sagot ko, at pilit pinapakalma ang sarili. Masakit man para sa'kin ang sabihin ang salitang iyon pero wala na akong magagawa pa.
"Great! Akala ko magpapakamanok ka pa talaga."aniya at maririnig mo talaga ang nakakainis nyang tawa, at ano daw?magpapakamanok?nasisiraan na nga talaga sya.
"A-anong sabi mo?magpapakamanok a-ako?ha! Halika rito at ipapakita ko sayo kung paano sumapak ang isang manok!" bulyaw ko sa kanya pero tumawa lang ang siraulo, naiinis na talaga ako sa kanya!
"Ayan, tumitilaok ka na naman." aba't talagang, ang lalaking to!
Dahil sa matinding pagkainis ko sa mokong na iyon ay pinatay ko na ang tawag at malakas na sinipa ang sofa na pinagsisihan ko din naman agad
YOU ARE READING
HOUSE OF DESTINY
Teen FictionNang mawala ang mga magulang ni Janine ay kinailangan nya ng sanayin ang sarili nya na mamuhay ng mag isa. Ngunit sa hindi nya inaasahan ay ibinenta pala ng kanyang ama ang kanilang bahay sa milyunaryong kaibigan nito at ipinagbilin din ng kanyang...