CHAPTER 9

3 0 0
                                    


Nasa photoshoot na naman kame ngayon dito mismo sa resort nila brix, grabe ang yaman pala talaga nila tita Claire.

Pinasama na naman nya ako dito para gawin na naman akong taga bitbit ng sangkatutak nyang gamit, makapagdala naman kase ng mga gamit nya akala mo ay sya ang nagbubuhat! Napaka nya talaga kahit kelan -_-

"You're spacing out again." Aniya habang winewave sa mukha ko yung hawak nyang chichirya, hinablot ko naman 'yun sa kanya at kinain

"What the!? Tsss." Kumuha na lang sya ng panibago, mabuti naman at hindi na sya nakipagtalo pa dahil kulang pa tong isang chichirya nya sa paghihirap ko na buhatin mga gamit nya

"Ay nga pala brix, may lakad ka ba bukas?." biglang tanong ko dahil naalala kong birthday pala ng lola ni von bukas, balak ko sanang mag commute kaya lang baka gabi na akong makarating dahil sa layo ng bahay ng lola ni von, kaya naisip kong subukang ayain si Brix hehe

"Wala naman, why?." Tanong nya habang inaayos ang suit na suot nya, mukhang maganda gising ng mokong ngayon.

"Ahm kase..." pano ko ba 'to sasabihin? Seeesh, nakakahiya!

"What?." taas kilay nyang tanong, napakasungit!bipolar ata to e.

"Birthday kase ng lola ni von bukas, baka kako pwede mokong ihatid? Babayaran kita, promise!" Sabi ko na pinilit maging tunog mabait kahit ang hirap gawin lalo na at sya ang kausap ko. Nangunot naman ang noo nya, siguradong di sya papayag, ano bang pumasok sa isip ko at inisip ko syang ayain? Hays. "Kung ayaw---"

"Who's that Von?" pagputol nya sa sinasabi ko. Ah oo nga pala, di pa nya nakikilala sina von at nica

"Ah, kaibigan ko." Sagot ko, natahimik naman sya at tila ba ang lalim ng iniisip, at maya-maya lang ay napabuntong hininga

"Fine, I'll go with you." nanlaki naman ang mata ko sa narinig, seryoso ba sya? Sasamahan nya ako??

"Seryoso ka ba dyan? Talaga?weeeh?." hindi padin makapaniwalang tanong ko sa kanya, sinamaan nya naman ako ng tingin

"Binabawi ko na---" nataranta naman ako kaya di pa man din nya natatapos ang sasabihin nya ay nagsalita na ako agad

"Waag! Walang ganyanan, um-oo ka na kaya wala ng bawian." Nakangiting sabi ko, nakatingin lang sya sa'kin kaya nailang naman ako kaya umiwas na ako ng tingin na kunyari ay nakafocus sa harap ang atensyon.

"Kung mag iingay ka pa, babawiin ko sinabi ko." pagbabanta nya kaya napatango naman ako at tumahimik na lang. Yeeees! Makakapag Birthday din haha






















"Kuhanan mo nga ako ng tubig." Utos sa'kin ni brix ng lapitan nya ako, hapon na pero hindi padin sila tapos. Parang nalibot ko na nga ata ang buong resort sa sobrang pagkabored ko, pero nag enjoy naman akong mamasyal dahil sa ganda ng view ng resort nila.

"Okay po, your highness." Sabi ko na lang bago pumunta sa tent nya, ginagawa nya talaga akong utusan!

Ng makabalik ako sa pwesto ni brix kanina ay naabutan ko syang may kausap, teka nga parang pamilyar sa'kin ang babaeng 'to.

"Gusto mo'ko hindi ba!? Umamin ka sa'kin!." sigaw ng babae kay brix, nagkumpulan naman ang mga taong andito at yung iba ay tila ba nanonood ng live drama, hala shocks! Paniguradong mag tetrending to, naalala ko na ang babae, sya yung nakita kong kasama ni brix sa ice cream shop na napagalaman kong isa din palang model.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HOUSE OF DESTINY Where stories live. Discover now