"Hindi ko kayang mawala ka, ikaw ang lahat sa akin, kaya pakiusap, huwag mo akong iiwan."
Pero hindi sya pinakinggan ng babae, lubos itong nasaktan nung malaman nyang may iba palang minamahal ang lalaki , kung kaya't hindi nya maintindihan bakit sinasabi ito ng lalaki sa kanya.
"Aha!tamaaa, ganon nga ang nangyari." Naeexcite na sigaw ko at tumungo muli sa harap ng computer upang isulat ang panibagong scenario ng kwentong sinusulat ko. Mahilig kase akong magsulat ng mga kwento, ito ang libangan ko noon pa man, at ito na din ang laging pinagkakaabalahan ko para kahit papaano ay diko na maisip na wala na si dad.
Ng matapos ko ang isang chapter ng storya ay nagtungo na ako sa kusina para mag saing at maghanda para sa breakfast ko. Hindi pa pala ako nakakapag grocery kaya tanging noodles na lang ang naiwan sa drawer na pwede kong gawing ulam hays.
Habang pinapakulo ang mainit na tubig ay nakarinig ako ng doorbell, nagmamadali akong nagtungo sa gate upang pagbuksan ito dahil sa pag-aakalang sina nica at von iyon ngunit hindi pamilyar na mga mukha ang bumungad sa akin. May apat na taong nakatayo ngayon sa harapan ko, dalawang may edad na babae at lalake na mukhang kasing edad na ni daddy, kasama ang isang maliit na batang babae na super cute at isang lalaking uwaaaaaaah gwapo!para syang modelo sa pormahan nya ngayon pero ang seryoso naman ng mukha,nakakatakot.
"Good morning,ija." Bati sa'kin ng ginang, mahahalata mo din ang nagsisigawang gold sa suot-suot nyang kwintas at bracelet, nag bow naman ako sa kanya.
"Good morning din po,sino po sila?" Magalang kong tanong, nginitian naman ako nito at inilahad ang kamay, nagdadalawang isip naman ako kung tatanggapin ko ba iyon nungit sa huli ay tinanggap ko parin pero nagulat ako ng bigla ay yakapin ako nito,te-teka.. "S-sino po ba kayo?" Nagtatakang tanong ko ng kumawala na sya sa mahigpit na pagkakayakap sakin dahil hindi ko maintindihan ang mga ginagawa nya. Pero mas higit kong ikinagulat ng makitang may likidong tumulo sa mata nito at humagulgol sa harapan ko, hala ka di ko naman sya inano,ah!huhuhu
"I-I am your tita Clair,kaibigan ako ng daddy mo. I am sorry for your loss, ija." Umiiyak padin na sabi nya kaya hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng luha ko, nahawa kase ako sa hagulgol nya e huhuhu
"H-hello po, p-pasok po kayo sa loob."pag-aya ko sa kanila ng mahimasmasan na ako sa pag iyak.
Sinunod naman ako ng mga ito at pumasok na kami, dinalhan ko lang sila ng juice sa lamesa dahil wala na akong biscuits or kahit anong pang meryenda dahil nga hindi pa ako nakakapag grocery.
"Pasensya na po, wala akong maialok sa inyong ibang meryenda bukod sa juice dahil di pa po kase ako nakakapag-grocery." Paghingi ko ng paumanhin, umiling naman si tita.
"No need to say sorry, kame nga ang dapat humingi ng sorry sayo dahil biglaan ang pagpunta namin dito." Sabi nya, natahimik naman ako ng abutin nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at sa mga kasama namin dito, ngunit daglian ko namang iniwas ang paningin ng tumama ang mata ko sa lalaking seryoso padin ang mukhang nakatingin sa'kin. "Hindi ako sigurado kung alam mo na ang rason kung bakit kami nandito, ija. Sinabi na ba ng daddy mo sayo ang tungkol sa amin at sa napag-usapan namin?"tanong nya kaya naman hindi ko naintindihan. Ano bang ibig nyang sabihin sa napag-usapan nila?wala namang nakekwento sakin si daddy tungkol sa kanila noon, or meron hindi ko lang maalala, kase familiar din ang name na Clair sakin e.
"A-ano po ba ang ibig nyong sabihin?ano po yung napag-usapan nyo ni daddy?"naguguluhang tanong ko, dahil hindi ko talaga alam kung ano ang tinutukoy nya. Nakita ko naman na nagkatinginan sila ng asawa nya at bumakas sa mga mukha nila ang pagaalala, pero bakit?ano ba talaga ang nangyayari?
YOU ARE READING
HOUSE OF DESTINY
Teen FictionNang mawala ang mga magulang ni Janine ay kinailangan nya ng sanayin ang sarili nya na mamuhay ng mag isa. Ngunit sa hindi nya inaasahan ay ibinenta pala ng kanyang ama ang kanilang bahay sa milyunaryong kaibigan nito at ipinagbilin din ng kanyang...