Nasa may Park ako ngayon dahil naisipan kong mag jogging matapos kong paghandaan ng breakfast ang sleeping beauty. To be honest, bihira ko lang gawin to dahil tinatamad ako pero ngayon kailangan ko mag release ng stress dulot nung mokong na 'yon kaya heto ako ngayon.Hindi ko alam kung gising na ba sya dahil tulog na tulog pa ng umalis ako kanina, kaya tinakpan ko na lang ang pagkain nya sa lamesa. Maganda ang Park dito kahit kokonti lang ang tao dahil nga sa malayo ang lugar namin sa city proper, at bilang lang din ang bahay dito sa ibaba, need ko pa mag jogging ng 1 km para lang marating ang Park na to, ganon din kalayo ang kapit bahay namin na iilan lang din hahaha
Pabalik na ako sa bahay ng makita ko ang sasakyan ni brix na papalapit sa'kin, huminto ito sa tapat ko at preskong inopen ang bintana.
"May importante akong pupuntahan." paunang bungad nya, tinaasan ko naman sya ng kilay. Pake ko ba kung may lakad sya?
"Oh, tapos?" Masungit na tanong ko, sinamaan nya naman ako ng tingin at napabuntong hininga.
"Sinasabi ko lang sayo, para naman makapaglinis ka sa bahay. Ang dumi na masyado." aniya nya, kung makapag-utos akala mo naman amo. "Huwag mo na din akong paglutuan ng dinner, sa labas na ako kakain."
Edi goods! Para naman may peace ako sa bahay kahit ngayong araw lang.
"Okie, ingat" Sabi ko na lang at kumaway bago naglakad pabalik sa bahay. Ngayon na iisipin kong lalakarin ko pabalik ang 1 km ay napagod na ako, although sanay na akong lakarin to dahil dito ako sumasakay ng bus papuntang town pero kase nag jogging pako kanina huhuhu
Napaigtad naman ako ng may bumusina sa likod ko, siraulo talaga!
"Bakit na naman ba?" bulyaw ko sa kanya, ni hindi man lang ako nilingon!
"Sakay." utos nya, ano daw?
"Ha?" ano na naman kayang trip ng isang to?
"Sabi ko, sakay"
"At bakit?" Nakapameywang na tanong ko, sinamaan nya agad ako ng tingin, di ba sya napapagod mag taray?
"I forgot my wallet, sumakay ka na since babalik ako." Ah kaya naman pala "but, if you don't want to then goodbye." paaandarin nya na sana ang sasakyan nya ng pigilan ko sya
"TEKA!" sigaw ko kaya tumigil ulit sya "Ito naman, bilis mag bago ng isip! Sasama ako." dagliang sabi ko at pumasok na sa sasakyan nya.
Well, may kabaitan din naman pala to kahit papaano, sana dalasan naman nya ng natuwa pa ako sa kanya.
12:30 pm na ng hapon at nakahilata lang ako dito sa sofa dahil sa kaboringan, ano kaya pwedeng gawin? Bored na bored nakooo! Ayain ko kaya mag mall sin von?tamaa!
Nakailang ring pa bago ito sagutin ni von, nag d-date na naman ata ang dalawang to psh.
"Yow, janina." bungad sa'kin sa kabilang linya.
"I'm bored!tara mall." walang paligoy-ligoy na sabi ko, natawa naman sya.
"Fine, mag bihis ka na." Yown! Kaya love ko 'tong mga 'to e! Hindi umaatras sa galaan.
After lang ng 30 minutes ay narinig ko na ang doorbell kaya nagmamadali na akong tumakbo palabas, nakita ko naman ang kotse ni von na nakaparada kaya daglian na akong sumakay.
"Asan na ba yung pusa?" tanong agad ni Nica na nasa harapan katabi ni von, nagtaka naman ako dun
"Pusa? Nagdala ka?" Kunot noong tanong ko, kase as far as I know di nya gusto ang mag alaga ng pusa dahil kung saan-saan daw nag p-poop.
YOU ARE READING
HOUSE OF DESTINY
Novela JuvenilNang mawala ang mga magulang ni Janine ay kinailangan nya ng sanayin ang sarili nya na mamuhay ng mag isa. Ngunit sa hindi nya inaasahan ay ibinenta pala ng kanyang ama ang kanilang bahay sa milyunaryong kaibigan nito at ipinagbilin din ng kanyang...