"RONI! Bumaba ka nga dine sandali at may naghahanap sa iyo!"
Mula sa pagkakadapa sa kama ay dinig na dinig pa rin ni Roni ang boses ng amang si Charlie. Nasa garahe ang ama at kasalukuyang inaayos ang sirang makina ng kanilang lumang owner-type jeep.
Mula nang magkasakit sa baga ang ama ay napirmi na lamang ito sa bahay at sinimulang palaguin ang maliit nilang talyer. Ang kanyang ama ay dating personal driver ng kanilang mayor sa bayan ng San Luis. Ang kanyang ina naman ay maagang pumanaw dahil sa komplikasyon sa puso noong limang taong gulang pa lamang siya. Kaya magmula noon, ang tatay na niya ang tumayong ama at ina sa kanya. Hindi naman ito nagkulang sa pagpapalaki sa kanya kahit hindi sila mayaman.
Tinatamad na bumangon si Roni at dinungaw sa bintana ang ama. "Sinong naghahanap sa akin, Tay?" sigaw niya mula sa second floor.
"Si Missy, yong kaibigan mo. May sasabihin daw siyang importante sa iyo."
"Eh, nasaan siya?"
"Nasa labas ng gate. Ewan ko ba at ayaw niyang pumasok. Ang mabuti pa ay babain mo na ang kaibigan mo. Aba, eh, sa klase ng suot ay baka napagkamalang beach ang San Luis," biro ng kanyang ama na ikinatawa niya. Knowing her friend, she must be wearing something skimpy.
Ano ang kailangan sa kanya ni Missy? Pagkatapos ayusin ang gulong ng isang sasakyan na dumating kahapon ay umidlip siya sandali. Bagaman may ilang mekaniko sila ay tumutulong pa rin siya minsan sa talyer dahil marunong din siyang mag-ayos ng mga sasakyan. Isa pa, Mechanical Engineering ang natapos niyang kurso. Pinili niyang sa sarili nilang talyer magtrabaho para hindi masyadong mapagod ang ama at para na rin ma-supervise niya ang talyer. Mas praktikal para sa kanya ang magtrabaho sa sariling talyer dahil mahirap ang kompetisyon pagdating sa pag-aaply ng trabaho.
It may be a man's job pero hindi alintana ni Roni ang dumi at grasa sa kanyang trabaho. Malayo man sa kanyang personalidad ang magpakikay, sigurado siyang hindi siya tomboy.
Muling sinuot ni Roni ang kanina ay hinubad na asul na overalls. Tatapusin na lamang niya ang naiwang trabaho pagkaalis ni Missy. Nagmamadali na siyang bumaba nang hindi nag-aayos.
Sinalubong siya ni Missy sa labas ng gate. Kababata niya ang babae at naging kaklase sa high school. Sa public school siya nag-elementary at lumipat lang sa pribadong eskuwelahan kung saan nag-aaral si Missy nang high school. Noong college naman ay sa Maynila na nagpatuloy ng pag-aaral si Missy dahil lumipat ang pamilya nito roon. Nagtatrabaho ngayon ang kababata sa isang five-star hotel bilang supervisor at kasalukuyang naka-vacation leave.
"O, bakit di ka pumasok? Ang init dito sa labas," wika ni Roni habang sinisipat ang hitsura ng kaibigan. Missy was wearing a cropped top blouse paired with short shorts. She cursed silently. She would not dare wear those kinds of clothes. Not even in her dreams.
"Eh, kasi, Roni, may ibabalita sana ako sa iyo," Missy said excitedly na parang napakaimportante ng sasabihin.
"Sobrang importante ba yan at hindi mo nakuhang tawagan na lang ako?"
"Gusto ko kasing personal na sabihin sa iyo." Kumindat pa ang kaibigan nang nakakaloko.
Pinaikot ni Roni ang mga mata. "Ano ba kasi yon? Dalian mo na at baka matunaw na tayo sa init ng araw. Ang ikli pa naman ng suot mo. Hmp! I wonder kung sino na naman ang pinapa-cute-an mo ngayon?" pagbibiro niya ngunit hindi pinansin ng kaibigan ang sinabi niya.
"Si Borj, uuwi ngayong bakasyon!" tili ni Missy na tila ba napakaimportanteng tao nga ang darating.
Roni sighed. Darating si Borj. Was she excited? No, not really.
Ang tinutukoy ni Missy na si Borj ay ang bunsong anak ni Mayor Monti Jimenez na dating amo ng kanyang ama at pinsan ni Missy. Sa Amerika nanatili nang isang taon si Borj kasama ang dalawang nakatatandang kapatid upang asikasuhin ang negosyo ng pamilya Jimenez doon.
YOU ARE READING
When Borj Falls in Love
RomanceBorj enjoyed woman a lot. Para sa kanya, ang mga babae ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Hindi nagustuhan ng mga kuya niya ang pagiging mapaglaro niya sa mga kalahi ni Eba kaya hinamon siya na iwasan ang mga babae. Dalawang buwan ang itat...