Chapter Four

1.2K 65 5
                                    

"SO WHAT'S the real score between you and Roni, bro?" tanong ni Patrick kay Borj habang nasa kuwarto silang tatlo at naglalaro ng basketball sa Xbox.

Wala sa sariling pinindot-pindot ni Borj ang joystick. His mind was busy with other things at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-get over sa mga pagbabago ni Roni. Shock was really an understatement.

"Tol, ano ka ba? Matatalo ka niyan! Maglalaro ka ba ng maayos o susuko ka na?" asik ni Paolo sa nakikitang pagkawala niya ng focus sa laro.

"Sa tingin ko nga, matatalo talaga siya," Patrick said.

Naiinis na ibinato ni Borj ang hawak na joystick at basta na lamang ibinagsak ang katawan sa kama. "Anong matatalo? I have not been hung out with a woman and haven't slept with anyone for a month. Ah, I feel like I'm living in hell!"

"Seriously, bro? Hindi naman ang dare ang sinasabi ko kundi iyong laro," natatawang wika ni Patrick.

"Damn!" Inihilamos ni Borj ang dalawang kamay sa mukha.

"May gusto ka yatang sabihin, eh," natatawang tugon ni Paolo sa nakikitang frustration niya. Para kasi siyang sira na nakatulala sa kisame.

"It's about Roni."

"Anong tungkol sa kaibigan mo?" Tumayo si Paolo at nagbukas ng lata ng beer. Kumuha ito ng isa pang lata at ibinato sa kanya.

"Hindi ko alam na ganon na pala kaganda ang anak ni Tatay Charlie."

"So, she's not a lesbian after all," sabi ni Patrick na tinanggihan ang beer na inialok ni Paolo.

Matalim ang tinging ipinukol ni Borj Kay Patrick. Kagabi ay abot hanggang langit ang pagkaasar niya kay Patrick nang iwan siya nito at ni Roni para magsayaw. Para siyang ewan na tiningnan ang dalawa na masayang sumasayaw sa dance floor.

"Cool, Borj. I meant no harm last night. Kung makatingin ka naman diyan, para kang papatay ng tao."

Borj stared blankly at his brothers. Paano ba niya ipapaliwanag sa mga kapatid ang naramdaman niya nang makita si Roni sa ganoong ayos kung pati siya ay hindi alam kung ano ang damdaming iyon? Was it amazement or something else?

"It's just that, I've never seen her like that. Kahit kailan ay hindi namin siya napilit na magdamit ng ganoon."

"So? Malay mo, na-realize na niya na babae siya. Besides, talagang napakaganda niya. So, if I were you, I'd better be careful," Patrick said.

"Sa tingin mo ba, Patrick, susuko na itong bunso natin sa hamon? Aba, sa nakikita kong reaksiyon niya, he's really affected," wika naman ni Paolo.

Yes, he was very much affected. Pero aaminin ba niya iyon sa mga kapatid? It was Roni, for crying out loud! And worse, she was his friend. Pero matatawag pa ba niyang 'safe zone' si Roni kung ito mismo ay kabilang na sa mga temptation? Tama, na-realize niya iyon kagabi. It explained his behavior last night.

Hindi nga siya nakatulog magdamag dahil pumapasok sa isip niya si Roni. He couldn't think of anything else but her. Hangga't hindi pa niya maintindihan kung anong damdamin ang lumulukob sa kanya, naisip niyang mas maganda siguro kung iiwasan muna niya ang kaibigan. Kailangan niya ng panahon para mag-isip at pagplanuhan ang natitirang linggo sa dare nilang magkakapatid dahil kung hindi, baka umuwi siyang talunan.


"MISSY, nagkikita pa ba kayo ni Borj? Bakit para yatang hindi na nagpupunta ang damuhong iyon dito? Kahit anino niya, eh, hibdi nagpaparamdam?" tanong ni Roni. She was wondering kung bakit hindi pa nadadalaw ang lalaki sa talyer samantalang dati ay maghapon pa ito kung tumambay roon.

The last time she saw him was three days ago, noong thanksgiving party. Simula noon ay hindi pa niya nakikita ni anino ni Borj o nakakausap ito kahit sa telepono lang.

When Borj Falls in LoveWhere stories live. Discover now