ILANG oras na rin ang nakalipas ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Roni ang mga sinabi ni Borj. Naibuhos tuloy niya ang inis at galit sa trabaho. Pati ang tatay niya ay napansin iyon.
"Okay ka lang ba, Roni?" nagtataka nitong tanong pagkatapos ibaba ang mga pinamiling piyesa sa mesa.
"Opo, Tay," matipid niyang sagot at naiinis na pinukpok ng martilyo ang turnilyo ng sidecar ng tricycle.
"Anak, hindi martilyo ang gamit sa turnilyo. Subukan mo ang screwdriver. Baka sakaling effective."
"Ha?" Kaya pala nahihirapan siyang ayusin ang sidecar. Tumayo siya at bumuntong-hiningang umupo sa naroong silya. "Tay, maganda ba ako?" tanong niya.
Nagsalubong ang mga kilay ng kanyang ama. "O, bakit mo naman naitanong yan, anak? Alam mo namang maganda ka. Aba'y kamukhang-kamukha mo ang nanay mo."
"Baka naman sinasabi mo lang yan dahil tatay kita?" Bakit ba hindi lahat ng lalaki ay katulad ng tatay niya?
"Ako pa ba ang unang manloloko sa yo, anak. Medyo mag-ayos ka lang ng kaunti."
Sabay pa silang natawa. Matagal na rin kasi siyang kinukulit ng ama na mag-ayos bagaman hindi nito kailanman pinagdudahan ang kanyang kasarian. Ang totoo nga niyan ay alam ng kanyang ama kapag may crush siya.
"Promise, Tay, mag-aayos na ako. Para naman hindi na ako napagkamalang tomboy," wika niya sabay ngiti.
Nagkibit-balikat ang kanyang ama. "Ah, kumusta nga pala ang pagkikita niyo ni Borj?"tanong nito.
Pagkabanggit sa pangalan ng lalaki ay muling umahon ang inis ni Roni. "Ayun, kung makapagbiro eh, para pa ring hari ng kalalakihan."
"Hindi mo naman masisisi ang kaibigan mong iyon, Roni. Talaga namang magandang lalaki si Borj."
She pouted. "Eh, bakit sina Patrick, guwapo rin naman pero hindi babaero?"
"Magkaiba naman sila, anak. Hindi maglalaon at makakatagpo rin si Borj ng totoong magpapaibig sa kanya. Baka sakaling tumino na ang kaibigan mong iyon."
Magpapasalamat ba siya kapag may babaeng nagpatino na kay Borj? Or would she dread it?
Ipinilig na lamang ni Roni ang ulo at nag-concentrate sa gagawing plano. Mamaya ay pupunta siya sa bayan para mamili ng mga bagong damit. It was now or never. Kailangan niyang turuan ng leksiyon si Borj at sisiguruhin niyang kakainin nito ang mga sinabi sa kanya. She would make sure he would feel sorry that he even said those things to her.
Nagpapasalamat siyang sinabi sa kanya ni Borj ang tungkol sa hamon ng mga kapatid nito. She would make him feel miserable and worse, sisiguruhin niyang matatalo ito sa hamon. Gagawin niyang exciting ang bakasyon ni Borj sa San Luis.
EKSAKTONG pagkarating ni Roni sa bahay nila mula sa bayan ay nakatanggap siya ng text message mula kay Missy. May idadaos daw na Thanksgiving party sa mansiyon ng mga Jimenez at iniimbita siya nitong dumalo. Ilang sandali pa ay isang text message mula naman kay Borj ang na-receive niya.
Roni felt a bit excited dahil mas mapapaaga kaysa sa inasahan ang pagsisimula ng kanyang plano. Pero kinakabahan din siya dahil hindi siya sigurado kung mapaninindigan niya ang gagawin.
She was not used to wearing sexy clothes and it would be her first time after ten years na magsuot ng totoong pambabaeng damit. She took a deep breath and relaxed her mind. Desidido na siyang sirain ang safe zone ni Borj. She would dress as beautiful and as sexy as she could. Tingnan lang niya kung hindi kainin ni Borj ang mga sinabi nito sa kanya.
Pinili ni Roni ang isang red mini bodycon dress. Lalo tuloy na-emphasize ang shape ng kanyang katawan na matagal na itinago sa maluwang na t-shirts. Labas din ang kanyang cleavage at mapuputing legs. Medyo nag-aalangan siya ngunit nilakasan niya ang loob.
YOU ARE READING
When Borj Falls in Love
RomanceBorj enjoyed woman a lot. Para sa kanya, ang mga babae ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Hindi nagustuhan ng mga kuya niya ang pagiging mapaglaro niya sa mga kalahi ni Eba kaya hinamon siya na iwasan ang mga babae. Dalawang buwan ang itat...