Chapter Ten

1K 58 7
                                    

"HEY, WHAT'S wrong? Bakit hindi ka yata nadadalaw sa bahay, Roni?" tanong ni Missy na kausap ni Roni sa telepono. "One week na mula nang makabalik ako sa San Luis pero ni anino mo ay hindi ko Nakita. Aba, hindi sa lahat ng panahon ay makakaluwas ako sa probinsiya. Kapag napadaan naman ako sa inyo, lagi ka namang tulog, sabi ng tatay mo," reklamo pa nito.

Napangiwi si Roni. Mula nang aminin niya kay Borj ang scheme niya ay hindi pa rin niya nakikita ang binata. Alam niyang iniiwasan siya ni Borj. She totally understood why because it was her fault in the first place. But she was hurting, too at wala siyang naplanong scheme para mawala ang sakit na iyon.

"Pasensiya ka na, Missy. Masama lang talaga ang pakiramdam ko," tugon niya. In the past week ay lagi na lamang siyang malungkot. Pati ang kanyang ama ay hindi na rin naiwasang mag-alala sa pagiging matamlay niya.

"Are you sure? Gusto mo bang puntahan kita diyan? Isasama ko si Borj to keep you company," pangungulit pa ni Missy. "Although I'm not sure kung nasaan na ang lalaking yon."

Pagkarinig sa pangalan ni Borj ay lalong kumirot ang puso ni Roni. Missy did not know anything. Siguro ay mas makakabuti sa kanya kung sasabihin niya sa kaibigan ang nangyari. "Can you come over, Missy?"

"Oo naman. Now I'm really worried. Ano ba talaga ang nangyari sa yo, Roni? At si Borj, bakit hindi rin yata kayo nag-uusap? Nag-away ba kayo?"

"Please p-puntahan mo na lang ako." Her voice was breaking.

"Okay, okay." May pag-aalalang sagot nito bago tinapos ang pag-uusap nila.

Nang maibaba ang telepono ay hindi na niya napigilang mapahagulgol. Borj did not even try to text or call her. At sabi nga ni Missy, hindi rin nito nakikita ang pinsan. Seryoso ba talaga si Borj na iwasan siya? Was he seeing another woman? Tutal ay talo naman na Ang binata sa pustahan kaya ba bumalik na naman sa pagiging babaero? Nagbago na kaya ang damdamin nito para sa kanya dahil sa ginawa niya?

Napakaraming tanong na gumugulo sa kanyang isip ngunit kagaya ng dati ay walang sagot ang mga iyon.

Narinig ni Roni ang mahihinang katok sa pinto ng kanyang silid at ang pagtawag ng ama. "Roni, anak,"

Mabilis niyang pinahid ang mga luha at kinalma ang sarili. Ayaw niyang mag-alala ang ama sa kanya. "P-pasok po kayo, Tay."

Nang makapasok ang ama ay yumuko siya para hindi nito mapansin ang pamumula ng kanyang mga mata. "Pupunta ako sa bayan para bumili ng ilang piyesa. Ikaw na muna ang bahala sa talyer."

"Opo," matipid niyang sagot.

Ilang minutong hindi kumibo ang kanyang ama, bago bumuntong-hiningang nilapitan siya. "Anak, kung may problema ka ay puwede mo namang sabihin sa akin. Alam mo namang ayokong nakikita kang malungkot. Kung nabubuhay lang ang nanay mo ay ganoon din ang sasabihin niya."

Roni smiled bitterly. "Okay lang po ako, Tay. Huwag kang mag-alala."

"Sigurado ka ba? Sa nakikita ko sa iyo ay hindi."

Hindi siya nakasagot. Was she that transparent that her father did not believe anything she said? Kunsabagay, pati sarili niya ay hindi niya maloloko. Muli na naman siyang pinangiliran ng mga luha.

"Nag-away ba kayo ni Borj?" tanong ng kanyang ama. Walang alam ang tatay niya sa mga nangyayari pero hindi rin naman ito manhid. "Hindi ko man alam ang dahilan ay pansin ko namang nag-iiwasan kayo. Bakit hindi niyo pag-usapan ang problema?"

"Ako ang may kasalanan, Tay. Nasaktan ko siya." Gumaralgal muli ang kanyang boses.

"Kung ganon, di mag-sorry ka."

She already did. Pero alam niyang hindi ganoon kadali para kay Borj na patawarin siya.

"Ginawa ko na po pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap."

When Borj Falls in LoveWhere stories live. Discover now