TAMA bang niyaya ko ang lalaking ito? Daig ko pa ang may kausap na pader, naiinis na wika ni Roni sa sarili dahil hindi pa rin siya kinakausap ni Borj hanggang sa makapasok na sila sa bar. Kahit kaninang umorder sila ay pulos tango lang ito at hindi man lang nag-abalang magsalita. Kanina ay pinagbigyan niya si Borj ngunit talagang ubos na ang kanyang pasensiya.
"Ano? Mas gusto mo pa yatang ka-hang out ang bote ng beer kaysa sa akin?" pagmamaktol niya. Tinitigan niya si Borj na prenteng nakaupo. He didn't even try to look at her at sa ibang direksiyon nakatingin. "Borj, ano ba? Naiinis na ako. Mas mabuti pa siguro kung ibang lalaki na lang ang kausapin ko," aniya, sabay tayo at tinangkang umalis. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay sumunod ito at hinila siya.
"Are you out of your mind?" Asik nito.
At ito pa talaga ang may ganang magalit sa kanya?
Lalong nagpuyos ang kalooban ni Roni. "I am! Dahil para na akong tangang kanina pa dakdak nang dakdak pero wala namang kausap!"
For a moment, Borj just stared at her whole face, and suddenly his emotion shifted, from being annoyed to being... Caring?
"Okay, fine. I'm sorry. Now, can we just go back?"
"Tapos hindi mo na naman ako kakausapin? Mas mabuti pa sigurong umuwi ka na," naiinis pa rin niyang tugon at muli itong tinalikuran.
"Don't be stupid, Roni. Sa tingin mo, hahayaan kitang maiwan sa ganitong lugar?" pigil uli nito. Medyo nakaka-attract na sila sa ibang tao.
"Why? I'm used to this place."
"Not like this okay? Not tonight. Tara na."
"No!" matigas niyang tugon dahil galit na talaga siya.
Mukhang sasagot pa sana si Borj ngunit napigil ito nang may lumapit na lalaki.
"Are you okay, Miss?"
Pareho sila ni Borj na napatingin sa lalaki. And she swore, hindi niya nagustuhan ang rumehistro sa mukha ni Borj. Nagsalubong ang mga kilay nito at bumalatay ang matinding inis sa mukha. Lalo yatang nagalit dahil sa pakikialam ng lalaki.
"Sino ka? Mind your own business, man," asik ni Borj. Tiningnan nito mula ulo hanggang paa ang lalaki at hindi man lang natinag.
"I'm Justin and I'm minding my business. Ako ang may-ari nitong bar," sagot ng lalaki na tila hindi apektado sa galit ni Borj.
"Really? How about minding this business and not other people's business?" Borj's voice was a low snarl. Hindi na maipinta ang anyo nito. Lalo pang dumilim ang mukha nito na parang handang makipagrambulan anumang sandali.
Sa halip na sumagot ay siya ang binalingan ni Justin. "Kilala mo ba siya, Miss?"
Napatitig si Roni kay Justin. Sa maikling sandali ay hindi niya maiwasang ikompara ang dalawang lalaki. They both handsome but Borj is more handsome in a rugged manner. "Yes." She did not bother to look at Borj na nagpupuyos na sa galit. "Kaibigan ko siya." Sinadya niyang bigyang-diin ang bawat salita.
"At nag-uusap kami kaya kung puwede lang, why don't you get lost?" wika ni Borj nang tumingin kay Justin.
"Oh, yeah? Alam mo bang puwede kitang ipatapon sa labas ng bar?" hamon naman ni Justin.
Nagtagis ang mga bagang ni Borj. "Why don't you try?" Borj's face stiffened as if he was getting ready for a fight.
Si Justin naman ay kumuyom ang mga kamay, mukhang handa ring makipagbugbugan.
Kinabahan si Roni sa nakikitang reaksiyon ng dalawang lalaki. Kahit naman galit siya kay Borj ay hindi niya nanaising masaktan ito. Idagdag pang nakakaagaw na sila ng atensyon ng ibang tao. Baka pagtulungan si Borj and she was surely not going to like it.
YOU ARE READING
When Borj Falls in Love
RomanceBorj enjoyed woman a lot. Para sa kanya, ang mga babae ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Hindi nagustuhan ng mga kuya niya ang pagiging mapaglaro niya sa mga kalahi ni Eba kaya hinamon siya na iwasan ang mga babae. Dalawang buwan ang itat...