BILING-BALIKTAD sa higaan si Roni. Mailap ang antok sa kanya. She checked her watch and it was already three in the morning. Huminto na rin ang ulan at naging mahinang ambon na lang.
Her thoughts were on the man sleeping downstairs. Sa sala niya pinatulog si Borj kahit pa todo ang reklamo. Hindi raw ito makakatulog doon dahil baka lamukin. Ngunit saan naman niya ito patutulugin? Dalawa lang ang silid sa bahay nila. Naka-lock ang kuwarto ng tatay niya. At siyempre, lalong hindi ito puwede sa silid niya.
Then she remembered the incident last night when he tried to kiss her.
Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan mo, Borj? She absentmindedly touched her lips. Hmp! Nababaliw ka na, Roni! kastigo niya sa sarili. Muli ay ipinikit niya ang mga mata para subukang matulog pero mukha pa rin ni Borj ang naglalaro sa kanyang isip. Naiinis na tumayo siya at bumaba para i-check ang binata.
SA DILIM ay naaninag ni Roni ang nakahigang kaibigan. Pilit na pinagkasya ni Borj ang katawan sa maliit na sofa at ginawang unan ang mga throw pillows. Umupo siya sa gilid at sinipat ang mukha ni Borj. Even while sleeping, he was still devastatingly handsome. Hindi niya masisisi ang mga babaeng naghahabol dito because Borj was really good-looking.
Wala sa sariling hinaplos ni Roni ang mukha ng binata at napakunot-noo nang maramdamang mainit ang balat nito. Oh, my God! May lagnat si Borj!
Bigla siyang nataranta. Marahil dahil sa pagkakabasa sa ulan kaya ito nilagnat. Mabilis siyang pumunta sa kusina at naghanap ng gamot. Nang makakita ay ginising niya si Borj para painumin ng gamot. "Borj, wake up. May lagnat ka." Bahagya niya itong niyugyog.
"Hmm..." He grunted pero hindi nagmulat ng mga mata.
"Borj, kailangan mong uminom ng gamot. Ang Taas ng lagnat mo."
"I'm not sick."
"You are kaya inumin mo na ang gamot."
"No. I'm okay," he said. "Go back to bed, Roni."
"Huwag nang matigas ang ulo, Borj. Take this para mabilis kang gumaling."
Bumangon ito at kinuha ang gamot sa kanya, saka ininom. "Now, go back to sleep. Huwag kang mag-alala, kaunting lagnat lang ito." He gave her a smile ngunit malayo sa pagiging okay ang hitsura. Muli itong nagtalukbong na parang nanginginig sa lamig. Lalo tuloy siyang nag-alala. Somehow, she felt responsible.
"Sigurado ka ba?" tanong niya ngunit hindi na sumagot si Borj. Baka nakatulog na uli. Kahit ayaw niya ay humakbang na siya papanhik sa hagdan pero hindi pa man siya nakakalayo ay muli itong nagsalita.
"Actually, I'm not really fine, Roni. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit, tapos hindi pa ako makahinga nang maayos. Tapos masakit pa ang katawan ko," wika nito sa paos na boses.
Talagang i-enumerate pa?
Napabalik tuloy siya. "A-anong gusto mong gawin ko? Gusto mo bang magluto ako ng lugaw? Nagugutom ka ba?" tanong niya.
"That's absurd. Magluluto ka ng lugaw sa madaling araw?" Kahit may sakit ay nagawa pang magbiro ni Borj.
"Seriously. What do you want? Somehow, nagi-guilty ako dahil hinintay mo ako."
"Right now, I just want to sleep."
"Then I let you sleep."
"Will you sleep with me?"
"Nanlaki ang mga mata ni Roni. "Ha?"
"I'm cold at hindi sapat ang kumot para mawala yong lamig. Human bodies could create enough heat, you know. Tapos dito mo pa ako sa sala pinatulog. Di ka ba nakokonsensiya?"
YOU ARE READING
When Borj Falls in Love
RomanceBorj enjoyed woman a lot. Para sa kanya, ang mga babae ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Hindi nagustuhan ng mga kuya niya ang pagiging mapaglaro niya sa mga kalahi ni Eba kaya hinamon siya na iwasan ang mga babae. Dalawang buwan ang itat...