3rd Person Point of View :)
Hapong hapo at pagod na pagod na si Yuweh,sa ganitong edad ay hindi nya inaakalang mararanasan nya ang mga pasakit na ganito. Ngunit nananalangin at umaasa sya na may magliligtas sa kanya.
Ngayon,nakatali na ulit ang mga kamay at paa nya sa upuan. Pihidong kahit anong gawin nya ay hindi sya makakawala. Masyado mahigpit ang pagkakatali ng mga lubid. Wala syang ibang magawa kundi ang tumangis ng tahimik at magdasal.
"Ano fag? Pasalamat ka at hindi natuloy ang pag papaligaya sayo dahil mas maagang dumating ang pinsan mo, ngayon nandun na si Lito para harapin sya,for the mean time,ako muna ang bahala sayo,pero bago kita iwan ay may remembrance ako sayo" naka ngising sabi ni Sunshine kay Yuweh na halos hindi na makagalaw at makahinga ng maayos dahil mula ng dumating ulit si Sunshine ay pinagtatadyakan na sya nito.
Lumapit ito kay Yuweh na naka ngisi ng parang demonyo at hawak muli ang kutsilyo.
Ang kaninang pag asa ni Yuweh ay unti unting naupos at naglaho. Ito na yata ang katapusan nya. Dito na ata magtatapos ang buhay nya,piping sambit ni Yuweh sa kanyang isip.
Gigil na hinawakan ni Sunshine ang mukha nya.
"Masyado kang maganda kaya naagaw mo sa akin si Argel" sabi ni Sunshine at unti unting hiniwa ng kutsilyo ang pisngi nya. Napa ungol sa sakit si Yuweh.
Ng may makitang dugo na lumabas sa sugat sa pisngi ni Yuweh si Sugar ay nagliwanag ang mukha nito at parang tuwang tuwa pa.
"Alam mo ba,malaki galit ko sa mga kagaya mo,pinagpalit ng dad ko ang mom ko sa isang tulad mo,halos mabiliw si Mom at hindi yon matanggap,napakahirap tanggapin alam mo ba? Naging miserable ang buhay namin dahil sa bakla,kaya ikaw,kasama ng mga kalahi mong salot sa lipunan ay walang karapatang sumaya at mabuhay!" gigil na sabi ulit ni Sunshine sabay hiwa ng kutsilyo sa kanang pisngi naman ni Yuweh.
Napasigaw na sa sobrang hapdi at sakit si Yuweh,idagdag pa ang mga hiwa din at pasa nya sa katawan. Para na syang double dead na baboy kung tutuusin.
Nagpakawala ng isang nakakakilabot na tawa si Sunshine.
"Isa kang baliw! Kung gusto mo ako patayin ay gawin mo na! Huwag mo na unti untiin!" matapang na sagot ni Yuweh. Sa isip nya,kung mamamatay man lang din sya ngayon ay lumaban sya.
"Not so fast fag,dadating tayo dyan,gusto mo na ba?" mala demonyong sagot ni Sunshine.
"Ow,I think its about time,nakuha na siguro nila ang pera,wala ka ng silbi ngayon sa akin" dagdag pa nito "Boys! Dalhin sya sa gilid ng pool kung puno na ito ng tubig"
Tinanggap na ni Yuweh kung anong mangyayari sa kanya,tahimik syang nagdasal at pumikit habang buhat sya at dinadala sa gilid ng pool. Alam na nya kung anong mangyayari.
"Panginoon,kung ito na talaga ang katapusan ng buhay ko ay handa akong isuko ito sayo ng bukal sa loob,pero sana huwag nyo po pababayaan sina Inay at Itay,mahal na mahal ko sila,alam kong hindi ako naging mabuti at perpektong anak sa kanila kaya nararanasan ko ito,pero huling hiling na po ito,huwag nyo sila pababayaan,pati ang mga kaibigan ko,sina Lolo at Lola na kahit hindi ko pa nakikilala. Kayo na po ang bahala, pakiparating din kay Argel na mahal na mahal ko sya" tahimik na pakikipag usap ni Yuweh sa Diyos dahil tuluyan na sya nawalan ng pag asa.
"Are you ready fag? Ikamusta mo ako kay Satanas" biglang sabi ni Sunshine na may hawak na palang baril at nakatutok sa kanya. Nasa gilid na talaga si Yuweh ng pool,konting galaw ay mahuhulog sya.
"Goodbye Fag!"
BAAANNNGGGG!!!
Tinamaan si Yuweh sa kanang dibdib,kasabay nun ay ang pagkahulog nya sa pool. Pumikit sya. Pinigil ang paghinga. Unti unting nag flashback sa kanya lahat ng masasayang alala nya kasama ang pamilya at ang mga kaibigan.
-----
Dumating sina Shin sa lugar kung saan sila makikipagkita sa dumukot kay Yuweh. Bitbit ang dalawang attache case na naglalaman ng mga pekeng pera.
Nagtatago naman sa di kalayuan sina Amara,Mitch,Khai at Oreo na nakahanda na sa pag asinta sa mga goons.
"Tamang tama ang dating mo bata" naka ngising sabi nung pinaka leader,si Lito. "Akin na ang pera" demand agad nito.
Lihim na nanggilaiti si Shin dito. Nangangati na ang kanyang mga kamao para upakan ito.
"Nasaan muna ang pinsan ko?" agad namang sagot din ni Shin. Hindi sya makakapayag na mautakan sila nito.
"Pera muna bata bago ang bihag" tila pa nang aasar na sabi nito. Napipikon na talaga si Shin dito,kung ayaw lang nyang pumalpak ang plano sinunggaban na nya siguro ito at pinagbubugbog.
Agad nyang inabot ang dalawang attache case na dala nya,ngiting aso itong kinuha nung lalaki.
Bubuksan na sana nito ang isa sa attache case ng may marinig silang mga putok ng baril.
Shit! Mura ni Shin. Agad na nagtakbuhan ang mga kasama ng lalaki ngunit maagap si Shin. Agad nyang dinamba ang lalaki at pinag susuntok habang nasa ibabaw sya nito.
Pilit naman lumalaban ang lalaki ngunit walang nagawa dahil lumapit na din ang tropa at tinutukan sya nung mga dala ng mga ito na parang pana.
"Nasan ang pinsan ko?" galit na tanong ni Shin.
"Pag hindi mo inayos ang sagot,kami ang papatay sayo" pagbabanta ni Oreo. Halata namang natakot ang lalaki sa banta.
"Nasa isang abandonadong mansyon malapit dito! Pero sa palagay ko patay na sya" takot na sagot nito.
Shit! Sabi ni Shin sa isip. Napa atras sya at napatulala. Sakto lumapit ang mga pulis at dinakip ang lalaki.
Kung paano nalaman ng mga pulis ay wala silang idea.
"Shin! Tawagan mo na sina Argel! Shit!" tarantang sigaw ni Mich.
Kahit si Shin ay natatarantang tinawagan si Argel.
"Argel! Sa abandonadong mansyon! Bilisan mo!" agad na sigaw ni Shin dito ng sagutin ang tawag.
AN ~ Kamusta? Natutuwa ako sa mga Comments nyo,keep them coming guys! Malaki naitutulong ng mga comments nyo dahil mas ginaganahan ako magsulat :)
PIC NI MICH OH NASA BABA (if mobile ka) KANAN naman if Pc gamit mo =P
BINABASA MO ANG
CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~
Teen FictionBOYXBOY YAOI GAY >Kwento ito ng isang simple,mabaet at magandang Beki na nagngangalang YUWEH. Tara at alamin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya :) at kung paano sila magkakamabutihan ng nag iisang kapatid ni Gelo na si ARGEL? :]