Kawaii 41 ~ What was that?

6.4K 158 10
                                    

Yuweh's POV

Walang mapaglagyan ang ligayang nararamdaman ko,pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang tuwa kaya naman nagsisigaw ako sa loob ng kwarto ko,ang baliw ni Argel eh bukas na yung friday eh! Ang saya saya ko sigaw ako ng sigaw kaya ganun na lang ang gulat ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, magkakasunod na pumasok sina Itay,Inay,Kakyuu at Usagi.

0_0

bigla tuloy ako natameme at napaupo sa kama.

"Anak anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw?" nag aalalang tanong ni Itay.

"May magnanakaw ba anak?" sunod na sabi naman ni Inay.

"Nasan?" sabay na sabi ni Usagi at Kakyuu at naghalughog sa buong kwarto ko.

"Inay,Itay wala po" sagot ko.

"Eh bakit ka sumisigaw?"

"Kinikilig lang po ako kay Argel" nahihiyang pag amin ko sa kanila.

"Yan ba yung pagpunta nyo sa Vegas at pagpapakasal?" nakangiting sabi ni Itay

"Alam nyo?" nanlalaki ang matang sabi ko. So ako na lang pala ang hindi talaga nakaka alam?

"Oo naman,sa amin unang nagpaalam si Argel bago kina Tito Rudolf at Tita Mariz mo" sabi naman ni Inay.

"Hindi kayo galit?" naninigurado kong tanong,baka kase pinagtitripan lang ako ng mga ito eh.

"Hindi ah,bakit naman? Kaligayahan namin ng Inay mo ang makita kang maligaya sa piling ng minamahal mo at wala kami tutol dun,kami pa nga ang nagbigay ng passport mo sa kanya" nakangiting sabi ni Itay. Napatakbo ako at niyakap silang dalawa. Napaka saya ko at may mga magulang ako mapagmahal at maintindihin,wala na akong mahihiling pa.

"Kaya lang anak,agahan nyo ang uwi,kabuwanan ng tita Mariz mo,anytime pwede na syang manganak" sabi ni Inay.

"Ay oo nga pala,pero sunday po eh uuwi na din daw po kami" sabi ko naman.

"Malaki kana talaga anak,nasa tamang edad ka na,at pinabilib ako ni Argel dun ah? Naunahan nya pa ang kuya Gelo nya" sabi ni Itay saka tumawa.

"Eh Itay,totoo ba yon? Na kahit 17 pa lang legal na magpakasal dun?" tanong ko naman.

"Oo naman anak,oh sya matulog ka na, be happy and I wish the both of you the best" ani Itay at hinalikan ako sa noo.

"Paalala lang anak,hindi pa kayo pwede magsama sa iisang bubong hanggang nag aaral pa kayo okay? Happy trip para bukas at wish you all the best too" si Inay at hinalikan din ako sa noo.

"Usagi,Kakyuu,matulog na din kayo,maaga pa kayo bukas" dagdag pa ni Inay.

"Yes Vangie-sama" sagot ni Kakyuu. Pagtingin namin sa kanila,ayon,tulog na si Usagi sa study table ko.

-__-

"Haha! Nakatulog na si Odango" sabi ni Itay at binuhat si Usagi. Nakakatuwa nga na anak na din ang turing nila sa dalawang ito. Sila yung nagpadagdag ng kasiyahan sa bahay namin. They were complete oppositte. Si Kakyuu,firm and proper,mahinhin pero fierce fighter. Si Usagi hyper,makulet,mahilig kumain pero pero halata ding magaling lumaban.

Ng makalabas sila sa kwarto ko ay abot tenga ang ngiti ko ng mahiga,at sa pagtulog dala dala ko ang nag uumapaw na kasiyahan.

----

Kinabukasan maaga kaming pumasok nina Usagi at Kakyuu,si Itay ang naghatid sa amin,papunta na din kase sya sa Ospital.

Actually,tuwing friday ay 10am pa ang pasok ko,pero itong dalawa ay maaga kaya sumabay na din ako, saka tinext ko ang tropa na maaga pumunta ng school para makapag bonding namin kami at ipapakilala ko pa sina Usagi at Kakyuu sa kanila.

Ng makarating sa campus ay nakatanggap ako ng text kay Zee na nakatambay daw sila sa may gilid ng Gym.

Agad kaming pumunta dun,nagulat pa nga ako ng makita dun si Jafu.

Friends na din sila? Sabi ko sa isip.

Agad naman ako sinalubong ni Argel at binigyan ng vitamins. Isang malutong at masarap na kiss ^o^

Agad kong pinakilala sina Kakyuu at Usagi sa kanila,si Umi naman nakasundo agad yung dalawa. Ayan bagay silang tatlo mag sama,isang blue hair,blonde hair at red hair hahaha! XD

Panay lang ang kwentuhan at tawanan namin,samantalang si Argel panay panay din ang pagkiss at aggbulong ng kung anu-ano. Ang aga aga pinapakilig ako,pano na lang kung maihi ako diba? Haha echos lang teh! =P

May napapansin din ako sa Jafu na to eh,although close na nga nya ang tropa pero nahuhuli ko syang tumitingin sa akin. I know that look! Ganyan ang mga tingin sa akin ni Pao at Venn noon. Oh please Jafu huwag ako,ayoko na makasakit ng hindi sinasadya :(

"Young master Shin-sama,sorry for being late" napalingon kami sa nagsalita.

Ow yes! Another japanese girls,at mukhang alam ko na kung sino sila kase agad silang nilapitan nina Usagi at Kakyuu.

"Ayos lang,ang importante nakarating kayo" sagot ni pinsan. "Ah guys,I want you too meet my gaurdian,tulad sila ni Usagi at Kakyuu,mga padala din ni Lolo, They are Aya and Maya Aino,magkapatid sila" at isa isa kami nakipagkilala. Magaganda ang magkapatid. Si Aya puti din ang buhok,si Maya parang orange na may pagka brown ang buhok,parang tulad sa mga mexicanovela characters. Bakit ba ako napapaligiran ng mga taong tulad ko iba kulay ng buhok? Ito ba talaga trademark ng pagiging Japanese? >_

Maaga pa kaya lumipat kami ng pwesto,dun sa makakatambay kami ng maayos. Natutuwa nga ako,padami kami ng padami sa grupo. Parang nung high school lang.

Sa may mini park kami tumambay,parang tulad sa St.Adams,may mini park din pala dito,ang kaibahan eh medyo mas maganda dito.

Kwentuhang walang humpay pa din ang nangyari. Hanggang mapunta ang usapan samin ni Argel. Si Shin ang nag brought up.

"Dude ilang oras na lang ikakasal na kayo ni pinsan,mag ingat at mag enjoy kayo sa Las Vegas,yung mga pasalubong din ah?"

At hindi na nila kami ni Argel tinantanan. Tanong dito,tanong doon. Buti na lang save by the bell na. Hindi na ako nagpahatid kina Argel,tutal naman kasama ko sina Zee,Umi at Aiyan.

Paakyat na kami sa second floor ng Bldg namin ng biglang kumirot ng matindi ang puso ko. Napakapit ako sa dibdib ko at napaupo sa isa sa mga baitang ng hagdan.

"Yuweh? Anong nangyayari teh?" tarantang sabi ni Zee,hindi ako makasagot dahil nahihirapan din ako huminga,parang iniipit ang mga ugat ko sa puso,sobrang sakit at kirot talaga.

"Oh God! Namumutla kana!" naiiyak na sabi ni Umi at hinahagod nila ang likod ko.

"Dadalhin ka namin sa clinic,kaya mo pa ba maglakad? Bubuhatin na lang kita" sabi ni Aiyan na akmang bubuhatin na ako pero bigla naman nawala yung sakit at kirot ng dibdib ko.

"Huwag na,Okay na ako" sabi ko ng makabawi sa paghinga.

"Sigurado ka? Pwede naman samahan ka muna namin sa clinic?" nag aalala pa ring sabi ni Aiyan. Pero ayokong maka abala.

"Oo okay na ako,stress lang to,tara na at baka ma late pa tayo" sabi ko at tumayo saka naunang maglakad sa kanila.

"Magpa check up at magpahinga kana lang kaya muna teh?" sabi ni Zee.

"Baka kung ano na yan Yuweh" - Umi.

"Ano ba kayo, okay na ako,wala lang to" pangungumbinsi ko sa kanila. Kahit ang totoo ay kinakabahan at nagtataka na ako kung ano ang nangyari sa akin.

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon