Yuweh's POV
Inabot na kami ng umaga sa ospital. Lahat kami excited,pati sina Itay at Inay haha! Ganon na sila kalapit sa isa't isa,nandun din syempre si Kuya Gelo at Kuya Yuri. Nandito na kami ngayon sa Private room at kinakausap nila si Mommy Mariz, oh susyal diba? Mommy na din? :)
Maya maya pa ay may pumasok na nurse,tig iisa sila ng bitbit sa mga baby,lahat kami napangiti.
"Mam and Sir malulusog po ang triplets nyo" sabi ng isang nurse.
"at magaganda at gwapo" dagdag ng isa pa.
"Alin dyan ang lalak? Pwede ko ba makarga?" sobrang lawak ng pagkakangiti ni Daddy Rudolf. Hindi ko sya masisisi,wala na nga naman ibang mas sasaya pag nasilayan mo ang bagong silang mong anak. Agad iniabot ng Nurse na tahimik ang Baby kay Daddy at maingat nya itong kinarga,samantalang ang isa ay inilapag sa tabi ni Mommy at ang isa naman ay si kuya Gelo ang kumarga.
Magiliw nilang kinausap ang mga baby na akala mo ay naiintindihan na sila ng mga ito.
Ang sarap nilang tingnan,maski kami nina Inay at Itay ay nawili,ako at si Argel ay lumapit kay Mommy,napakaganda nung baby,it really runs in the blood.
"Nakaisip na ba kayo ng mga ipapangalan sa kanila Mam and Sir?" pagkuway sabi ng nurse.
"This little handsome man,I will named him Philip Wyeth" magiliw na sabi ni Daddy.
"Nice name sir" pag sang ayon ng nurse.
"Mom! Pwede ako magpangalan kay pretty baby?" sabi naman ni kuya Gelo kay Mommy.
"Go ahead ijo" sagot ni Mommy na nakangiti.
"From now on,your name is Piper Marie" ani kuya Gelo.
"Mom ako din!" protesta ni Argel,inggitero talaga ang mokong na to haha!
"O sige,hati tayo anak,sayo ang first name,sakin ang second" sabi ni Mommy.
"Hmmn.,aha! Alam ko na! Phoebe na lang!" masayang sabi ni Argel at tinitigan ang kapatid. I wonder,kung babae ako at nagka anak,ganito din kaya sya?
"Okay,Phoebe Louisse na ang name nya" ani Mommy.
"Nakakatuwa naman, Philip,Piper and Phoebe, three P,nice choice Mariz and Rudolf" singit ni Inay sa usapan.
"Oo nga eh,pero maganda diba?" ani Dad.
"Oo Rudolf,how I wish na magka baby din kami,lalo pa ngayon na malaki na ang baby namin" pag sang ayon ni Itay.
"Itay naman!" sabi ko at tumawa sila. Ganyan talaga ang mga magulang diba? Hindi natin sila masisisi.
"Bakit hindi nyo subukan? Kung kami nga ni Mariz nakabuo agad at tatlo pa" suhestyon ni Dad. Pareho kami namula ni Inay. Ganyan ba talaga mga matatanda? 0.o?
"Yuri anak bakit hindi dumating sina Kenji at Rizza?" baling ni Mom kay kuya Yuri.
"Eh Mom sinama sila ni Tito Paul sa outdoor trip eh" sagot nito. Tango lang ang tugon ni Mom.
"Excuse po Mam and Sir kailangan na po sila maibalik sa nursery"
-----
Araw ng huwebes at nagkaroon kami ng exam,lahat kami abalang sumasagot sa exam ng makarinig kami ng sigaw.
"Oh my God! Venn!!" agad akong napalingon,nagtayuan ang balahibo ko ng makita ko si Venn na walang malay,grabe na talaga ang pinagbago ng pisikal nyang itsura.
Agad akong tumayo at tumakbo papunta kay Venn
"Venn! Venn! Anong nangyayari?!" naluluha kong sabi habang nakadantay ang ulo nya sa lap ko. Nagkagulo na sa room namin. Sabi ng prof dalhin daw sya sa clinic but I refused. Hindi clinic ang kailangan nya,ospital at duktor!
"Ma-mylabs,m-malapit n-na,madu-dugtung-ngan k-ko n-na a-ang bu-" hirap nyang sabi.
"No! Stop talking!" umiiyak ko ng sabi "Aiyan,Jafu,Zee,Umi please,dalhin natin sya sa ospital!"
Agad binuhat ni Aiyan si Venn na nawalan na ng malay,nanginginig ako,hindi ko alam ang gagawin ko. Diyos ko! Bakit si Venn pa!?
"Girl,kalma lang,baka naman ikaw ang atakihin,tara na sundan na natin sila Aiyan at Jafu" bulong sa akin ni Umi. Agad naman kaming nagpaalam sa prof at naintindihan naman nito.
Sa ospital,pagkarating palang ay ineksamin na si Venn. Wala ako magawa,hindi ko kilala ang parents nya kahit pumupunta ako sa kanila before,ang tanda ko nga nagpunta sa states ang mga ito after ng graduation namin ng high school at talagang nagpaiwan si Venn.
Nang mailipat si Venn sa isang private room ay pinuntahan agad namin sya. Nagtanong ang duktor nasan ang parents nya kaya sinabi ko ang totoo.
"Im sorry to say pero may colon cancer si Mr.Icban at nasa final stage na sya,wala ng kung anong medicine o operation ang makakalunas dito" sabi ng Duktor.
Namutla ako. Ibig sabihin saglit na lang ang buhay nya?
"Ga-gano katagal pa po syang mabubuhay?" halos hirap akong bigkasin ang mga salitang iyan. Ang isiping wala ng buhay si Venn ay nagpalambot sa tuhod ko.
"Probably a month or two,kaya please do contact his parents, I need to talk to them" ani ni Doc at nagpaalam ng lalabas.
Nanlalambot na napaupo ako sa upuang nakatabi sa higaan ni Venn.
"Venn,ito na ba ang sinasabi mo? Bakit ka naman kasi naglihim? Kaibigan mo ako diba? Hindi ko kayang may mawalang isa sa mga mahalagang tao sa akin, Venn napaka selfish mo,tinago mo ang sakit mo" humahagulhol kong pagkausap sa natutulog na si Venn.
"Teh,dont stress yourself please" ani Zee.
"Pareho lang kayo ng sitwasyon Girl,itinago nyo dahil ayaw nyong maapektuhan ang mga tao sa paligid nyo" sabi pa ni Umi. Oo nga,tama sya.
"Pero ikaw maaagapan pa,sya hindi na,dasal na lang at suporta ang magagawa natin" dagdag ni Aiyan.
"Ano bang sinasabi nyo? Hindi ko kayo maintindihan guys, Yuweh may sakit ka ba?" naguguluhang sabi ni Jafu.
"Oo Jafu,may sakit ako, Ischemic heart disease,at ang tanging lunas ay heart transplant" pag amin ko. Wala naman din na ako maitatago dahil lagi namin sya kasama.
"What? Kaya ba napapadalas ang paninikip ng dibdib mo at pag inom ng gamot?" hindi makapaniwalang sabi ni Jafu.
"Oo ,kaya sana,walang ibang makakaalam"
"Mylabs..."
"Venn? Magpahinga ka na muna"
"Yung pangako ko sayo,tutuparin ko iyon,gusto kong ako ang magdugtong ng buhay mo,gusto kong ikaw ang mag alaga ng puso ko,ngayong alam mo na ang sakit ko,sana wala ng makaalam bukod sa inyo,huwag mo ng ipaalam sa iba sa tropa natin" mahabang sabi ni Venn. Nahahabag akong tingnan sya.
"Please naman Venn huwag kang ganyan,hindi ko kayang isipin pag dumating ang puntong yon, pero pwede bang ipaalam mo ito sa parents mo?"
"Sige,para sayo..."
AN ~ HALOOO =)) enjoy lang sana kayo sa pagbabasa! Mwa! Happy reading :'>
BINABASA MO ANG
CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~
Teen FictionBOYXBOY YAOI GAY >Kwento ito ng isang simple,mabaet at magandang Beki na nagngangalang YUWEH. Tara at alamin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya :) at kung paano sila magkakamabutihan ng nag iisang kapatid ni Gelo na si ARGEL? :]