Yuweh's POV
Araw ng sabado,masyado akong napagod nitong buong week my Gawd! Every other day na practice ng Congo every dissmisal. Jusme naman kasi bakit kawayan pa ang Props namin? Tapos ang costume pa na nakuha namin kahapon yung tulad sa mga tribo sa africa! Buti na lang papahiran kami ng uling sa actual presentation.
At ano pa ba ang mas nakapag pa exhaust sa akin? Sino paba? Edi sina Argel,Pao,Ven at tropa :/
Kung hindi ang tropa ang kasama ko after rehearsal,ang banda naman! Ewan ko ba dyan kina Kymn,Ann at Wiwa kung bakit trip na trip ako? Minsan tuloy naisip ko,tingin nila sa akin laruan?! Namamaga na nga mukha ko minsan kakapisil at kurot nina Anne at Wiwa, pasalamat sila mabaet ako! Kung hindi gaganti din ako! At nail cutter gagamitin ko pang kurot sa kanila! Buti pa si Kymn, larawan ng isang magandang ehemplo ng lalaking teenager! Maginoo,mabaet at magalang! Kaya madaming nagkakagusto sa kanya eh, pero kung susubukan nya ako pagtripan? Bah! Bibigwasan ko talaga esophogus nya! XD
Sa tropa naman,walang kapagurang tambay, mabuti na lng talaga at hindi nagagalit sina Itay at Inay pag ginagabi ako.
Masaya naman ako pag kasama sila, sina Oreo at Khai na partners in crime na walang ibang ginawa kundi magpatawa at magbarahan,buti hindi sila nagkakapikunan? Immune na siguro. Tapos ang pinsan kong si Shin na medyo tahimik ngayong week, hindi naman ako maka tyempo para mag tanong at saka nahihiya din ako lumapit.
Si Argel,mula ng magtapat sa akin ng damdamin sa LaFamilia Bar at nag start manligaw,walang mintis ang ka sweetan,lagi may sorpresa araw araw and it never fails to send shiver down my spine. Hindi ko naman itinago sa inyo na mahal ko na din sya diba?
Pero nang dumating si Pao at Venn,na confuse na ako. Pareho nila ako napapakilig,napapatawa tulad ni Argel,at tulad ni Argel,napapakabog nila ang dibdib ko,does that mean na hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman ko kay Argel? Dahil kung malalim na yon,hindi na siguro ako mako confused at makakaramdam ng ganito kay Venn at Pao. Posible ba yon? Na tatlo silang gusto ko? Ang sakit sa ulo mag isip! >_
At eto ako ngayon, tinutulungan si Inay sa pagtitinda,ito na ang pambawi ko sa mga araw na hindi ako nakatulong,madami pa din bumibili at kumakaen,syempre! Sila ni Itay nagluto ng mga panindang ulam, nasa loob ng bahay si Itay nagpapahinga, Rest Day nya kasi ngayon.
Ganun na lang ang gulat namin ni Inay ng may pumaradang magarang kotse sa tapat namin. Hala? Mukhang ang mahal ng kotse na ito ah?
Maya maya may lumabas na dalawang hapon! Mukhang mag asawa at mukhang matanda ng konti kina Inay at Itay.
Sino ba mga to?!
"Itoko-chan!" nadinig kong boses kaya tiningnan ko.
"Shin?"
Tumabi sa akin si Inay,tiningnan ko sya,tulad ko nagtataka din sya.
"Tita Vangie,pinsan Yuweh, sila sina Mom at Dad, Otaro and Setsuna Natsume, si Mom ang kapatid ni Tito Hiroshi" naka ngiting pakilala sa amin. Sabay sabay naman kami nagbow sa isa't isa na ikinatingin ng mga kumakaen.
"Yoi gogo wa, sono saigo ni sutekina anata ni aete Otaro-san to Setsuna-chan(good afternoon,its finally nice to meet you Otaro and Setsuna)" sagot ni Inay.
Wow! Sila talaga ang tito't tita ko? Ang astig! Magaling padin si Inay mag nihonggo,nakakatuwa.
Ngumiti muna ang mag asawa,si Shin naman tahimik lang.
"Hiroshi-san wa kokodesu ka? Kare o
sagashite ita, wareware wa sono
jūyōna no wa, kare to hanashi o
suru hitsuyō ga arimasu (is Hiroshi here? We need to talk to him,its important) sabi ni Tita Setsuna.
"Koko de kare no hai. Wareware wa sono jūyōna mondai ni tsuite hanasukoto ga dekiru yō ni uchigawa ni iku koto ga dekimasu(yes his here. Lets go inside so we can talk about that important matter)" sagot ni Inay at bumaling samin ni Shin "Dito muna kayo ha?"
Tango lang ang sagot namin.
"Arigato" at pumasok na silang tatlo sa loob ng bahay.
"Anong meron?" tanong ko kay Shin na ngayon ay naka upo na din sa tabi ko at tinitingnan ang mga kumakaen.
"Nabanggit ko na kasi kina Mom and Dad na nakita at nameet ko na kayo,si Mom bilang mas matanda kay Oji-Hiroshi ay nagpumilit na puntahan kayo, matagal na kasi kayo pinapahanap nina Lolo at Lola" sagot nya sa akin.
Parang alam ko na kung anong mangyayari. Ano kaya magiging desisyon nina Itay at Inay?
"Nasan ba ang Lolo at Lola natin? Saka anung rason ng pagpapahanap nila sa amin insan?" kahit may idea na ako ay nagtanong pa din ako para maka siguro.
"Nasa Japan ang mga Lolo't lola natin. Hindi mo ba alam na Prime minister ng Japan si Lolo? At may sakit naman si Lola,ang hiling nya bago man lang daw sya mawala sa mundo ay makompleto ang pamilya nya,at tayo yon, nakahanda na din ang mga mamamanahin nyo insan,at saka gusto din nila humingi ng tawad sa pagtakwil sa inyo noon,nagsisisi na sila" paliwanag nya.
O_O
PRIME MINISTER SI LOLO??!!
MAY SAKiT Si LOLA??!!
MAMANAHiN??!!
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa mga narinig at nalaman. Parang bigla ako nalula at nahirapan huminga kaya napanganga talaga ako habang nakatulala. Is this for real?
Tungkol dun sa pagpapatawad,alam ko yon. Matagal ng naikwento sakin yon ni Itay at Inay, pero hindi ako makapaniwala talaga sa mga nalaman ko ngayon,ano ba dapat kong isipin at maging reaksyon?
AN ~ Last UD for today :) vote and comment kung gusto nyo^o^
BINABASA MO ANG
CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~
Teen FictionBOYXBOY YAOI GAY >Kwento ito ng isang simple,mabaet at magandang Beki na nagngangalang YUWEH. Tara at alamin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya :) at kung paano sila magkakamabutihan ng nag iisang kapatid ni Gelo na si ARGEL? :]