kawaii 52 ~ PAO; Da Comeback!

6.4K 163 26
                                    

Yuweh's POV

Pagkahatid samin ni Jafu sa bahay ay inalok pa muna namin syang pumasok pero tumanggi sya,may importante pa daw sya aasikasuhin,siguro pupuntahan nya mga ka group mate nya,kami kase ng mga ka group ko bukas pa magsisimula eh.

Pero bago sya umalis ay may ginawa sya na nagpatulala sa akin. Hinalikan nya ako sa pisngi! Pagkatapos nun hindi na ako tinantanan nina Usagi at Kakyuu kakatukso kahit pagpasok sa bahay.

Sa tulad kong nakaranas ng panliligaw noon sa tatlong lalaki ng sabay sabay,alam ko na kung ano ibig sabihin ng mga ginagawa at kinikilos ni Jafu.

Natigil lang ang pagkukulitan nameng tatlo ng madako ang tingin ko sa mga taong nasa living room.

Anong ginagawa nila dito?

"Inay! Nasan si Mang Berto?" sabi ko ng lumapit kami.

"Andyan na pala kayo,wala anak eh,nakalimutan nga kitang sabihan,nag leave sya,nagkasakit ang anak" sagot ni Inay,naupo na kami.

"Pinsan,Pao anong ginagawa nyo dito?" baling ko sa dalawa naming bisita.

"May pag uusapan sana tayong importanteng bagay" sagot ni Shin.

"Mga anak dyan lang kayo,magpapagawa lang ako ng snack" paalam ni Inay at pumunta na sa kusina.

"Tungkol saan naman?" tanong ko.

"Kay Hera"

"Oh,what about her?" taka ko ng tanong,naguluhan kasi ako bakit si Hera ang pag uusapan. Hindi ako interesado sa kanya.

"She lied,oo may sakit sya pero hindi delikado,ulcer lang ang sakit nya,niloko nya tayo,para makuha nya si Argel" paliwanag ni Shin.

"Ano?! Bruhilda talaga yon! Pano mu nalaman?" gulat kong sabi. My Gawd! Ala Sunshine din tong Hera na to eh!

"Pinaimbistigahan ko sa mga guardians natin" sagot ni Shin kaya napalingon ako kay Usagi at Kakyuu.

^o^V

"Kayo ah! Hindi nyo sinabi sa akin! Humanda kayo mamaya!" birong pananakot ko sa dalawa and they just chuckled XD

"Hindi lang yon,minamanmanan pa din nina Maya at Aya si Hera dahil may mga napapansin daw silang kakaiba dito, tiwala naman ako sa magkapatid,they were one of the best secret agents we have,kaya dapat mas mag ingat ka,hanggat maaari iwasan mo si Hera,she's dangerous than Sunshine" mahabang sabi ni pinsan. Nakaramdam ako ng kilabot na gumapang sa katawan ko.

Ayoko ng maranasan ang mga nangyari sa akin noon sa kamay ni Sunshine,its too painful and traumatic.

"Tama lang pala ang paghihiwalay namin ni Argel,pero sana lang wala mangyari sa kanya pinsan,asawa ko pa din sya at mahal ko pa din sya" wala sa sariling sabi ko.

"Wala ka ba balak makipag balikan pinsan? Pag naayos natin to pwede pa naman,kesa sa ganyan" naaawang sabi ni Shin.

"Hindi na pinsan,nag desisyon na sya,kaya dapat ako rin,siguro hanggang dito na lang talaga kami,kesa naman lalo pa kami magkasakitan,diba nga there are people who were meant to fell inlove but not meant to be together" mahaba ko namang sagot. Sakto dumating si Inay kasama ang isa naming Maid dala ang tray na naglalaman ng snacks namin. Nagpaalam na ulit si Inay na tutulong na muna sa mga maid sa pagluto ng dinner namin.

"Uhm Yuweh..." basag ni Pao sa sariling pananahimik,kanina pa kasi sya walang imik at nakikinig lang. Si Usagi at Kakyuu naman nag unahan sa pagkain ng graham >_

"Ano yon?" baling ko sa kanya.

"regarding sa pinag uusapan nyo nitong si Shin,uhm.. Pwede na ba kitang ipaglaban ngayon?" sagot nya.

Pakisampal nga ako! Eto na naman eh,history repeats itself ba talaga?!

"Ha? 0_0" ako.

"WHAT?" - Shin.

"Ayiiee! Ang sweet!!" Usagi at Kakyuu, ano ba tong dalawang to? Lahat ata ng lalaking lumapit sa kin bet nila =__=

"Ang OA mo maka react bro!" mahinang siko ni Pao kay Shin.

"Pasensya! Nambibigla ka kase! Saka hindi pa sila divorce no! Magagaya ka lang kay Jafu hahaha!" sabi ni pinsan saka nakikain na din ng grahams.

"Ayos lang yon! May the best man wins! Diba Yuweh? Kung noon nagparaya ako dahil alam kong kay Argel ka liligaya,pero hindi ko naman inakala na sya din ang mananakit sayo,nandito na ulit ako para sayo,hindi naman nawala pagmamahal ko sayo eh,wag lang sana ako multuhin ni Venn" mahaba nitong sabi. Natulala ako at ng mag sink in sa akin ang lahat saka ako nakapag react.

"Grabe ka Pao ah,hindi ko alam sasabihin ko"

"You dont have to say anything,pabayaan mo lang akong iparamdam at ipakita ulit sayo kung gano kita kamahal" aniya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Makapag moments of love naman parang walang tao dito" biglang react ni Shin kaya natawa kami lahat.

Hayst,heto na naman ako sa ganito. Grabe ka Bro,pinagpala mo nga ako sa mga ganito,hindi mo pa nilubos,sana ginawa mo na akong babae! Ehe! Joke lang po Bro! Pis :)

At dito na nga sa bahay nag dinner sina Pao at Shin,maaga dumating si Itay kaya nakasabay pa sa amin. Niyaya pa nga nya ang dalawa na mag inom daw saglit kase namiss sila,nagpaunlak naman ang dalawa since alam ko naman na uhaw sila sa alak XD

Kami naman nina Inay,Usagi at Kakyuu ay nasa theatre room para mag movie marathon.

AN ~ Magandang gabi :) LAGAY KO ULIT PIC NI JAFU baka hndi nyo napansin eh,nasa baba po XD

Grabe napipiga na utak ko Haha! Hindi ko na alam mga isusunod ko,basta malapit na to matapos :)

CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon