Yuweh's POV
Sabado na! Kanina pa ako pabalik balik at paikot ikot dito sa sala namin. Ngayon lang kasi ako aattend ng ganoong party at pang mayaman pa,panigurado puro mayayaman ang bisita. Nakaka kaba.
Nag absent pa talaga si Itay sa trabaho para dito,maging si Inay hindi nagtinda. Mukhang excited nga sila eh. Alam ko sanay si Itay sa mga ganito,dahil noong binata pa sya eh malamang,bilang mayaman eh kabi kabila din ang party dun sa Japan, hindi pa nga siguro Prime minister nun si Lolo pero mukhang mayaman na talaga sina Itay kahit noon pa man.
"Anak maupo ka nga! Ako ang nahihilo sayo eh! Relax ka lang" pansin sa akin ni Inay. Umupo ako sa tabi nila ni Itay.
"Tay,ano po ba ginagawa sa mga ganoong party? Diba nakaka attend kana ng ganyan dati sa japan?" tanong ko kay Itay,ngumiti ito bago sumagot.
"Yuweh,depende yan sa tema ng party, pero ang mahalaga eh pansinin at ngitian mo ang bawat babati at ngingiti sayo kahit hindi mo sila kilala,kaya magrelax ka dyan, party ang pupuntahan natin hindi bitayan" natatawang sabi ni Itay. Bakit ba hindi ko namana sa kanya ang pagiging kalmado at firm? -__-
"Naisip ko lang Nay,Tay na baka puro mayayaman din ang bisita,hindi pa naman ako sanay" pangangatwiran ko pa.
"Hindi ka sanay? Eh halos lahat ng kaibigan at kaklase mo mayayaman,bakit anak hindi ka ba nakakapunta sa mga bahay nila?" sabi naman ni Inay. Napalabi na lang ako,mukhang hindi naman ako mananalo sa dalawang to eh >_
"Ang mabuti pa anak,ihanda mo na ang mga isusuot mo mamaya kesa naman mag isip ka jan ng kung anu-ano" ani Itay.
Mabuti pa nga,agad akong nagpaalam sa kanila at pumasok sa kwarto ko. Naalala ko yung mga damit na pinamili namin nina Wiwa,ni hindi nga ako nag abalang tingnan at sukatin yon,basta ko na lang tiniklop at nilagay sa tukador.
Bali lima ang binili namin nun na may mga partner ding pang ibaba at sapatos. Ewan? Parang hindi naman pang pormal mga to eh? Im not good at describing kaya sorry hindi ka maidescribe ang itsura.
Isa isa kong sinukat ang mga ito at parang hindi ako na satisfied, may isang pair pa ng damit ang natitira, maganda sya,hindi naman ako magmumukhang cross dresser na bading pag sinuot ko to diba?
And so I did,sinukat ko sya. Napangiti ako ng makita ang sariling reflection sa salamin. Ito na lang isusuot ko^o^
Agad kong kinalkal sa drawer yung mga kapartner nun na accessories at isinuot kung ano sa tingin ko ang babagay?
Checkered na long sleeves sya,then pants na fitted,sorry hindi ko alam tawag dun, hipsters ata? XD Then tinernuhan ko ng converse.
Wow! Para na akong PopRock Artist! Ang astig! Mukha naman syang formal kahit papano. Rock on! \m/ parang Avril Lavigne lang ang peg ko ^_^
After masatisfied sa outcome ng aking advanced fitting. Ay hinubad ko na ulit ito. I looked at my phone's clock.
5:3pm na agad? Ang bilis! Dali dali kong kinuha ang towel at lumabas then deretso sa CR. Hindi ko naman kailangan makipag unahan dahil kanina pa nakaligo sina Inay at Itay.
After maligo ay agad na akong pumasok sa kwarto at plinantsa yung damit na kakasukat ko lang. Then after magplantsa tumapat ako sa electricfan para magpatuyo ng buhok. Good thing at kaka kulay lang ulit dito ni ate Bebeka,may libreng hair spa pa at hair vitamins,kaya naman tiwala akong hindi masisira ang puti kong buhok.
By 6pm ay bihis na kami,bagay na bagay sa akin ang suot ko,ang sarap sa pakiramdam! Ang buhok ko ay hinayaan kong nakaladlad at hinawi ko pakanan ang bangs ko.
Ang ganda ganda ni Inay! Halos hindi ko sya namukhaan! Ngayon ko lang sya nakitang nag ayos,naka ayos ang buhok at dress ang suot na hanggang paa,no wonder kaya sya mahal na mahal ni Itay.
BINABASA MO ANG
CHANCES (Inlove with you Book 3) ~COMPLETED~
Novela JuvenilBOYXBOY YAOI GAY >Kwento ito ng isang simple,mabaet at magandang Beki na nagngangalang YUWEH. Tara at alamin ang kwento ng buhay at buhay pag-ibig nya :) at kung paano sila magkakamabutihan ng nag iisang kapatid ni Gelo na si ARGEL? :]