Birthday Gift.
"Happy birthday, luna... happy birthday, luna.... happy birthday, happy birthday...... happy birthday luna..... happy birthday 'nak, pasensya na tinakas ko lang ito mula sa ibaba e, haha." hindi ko alam kung saan ako maiiyak, doon ba sa part na itinakas na ang kapirasong cake para lang mai-celebrate namin ang birthday ko... o dun sa part na tinawag nya ako anak.
ganon ba yung feeling ng matawag na anak ng isang ina? ni minsan hindi pa ako tinawag ni mommy ng ganon, it's always 'luna' or 'shanna' she'd never call me that way.
"wag ka nang umiyak, ihipan mo na itong kandila ng makain na natin itong tinapay na dala ko, may kaonting pansit at spaghetti din akong dala kaya dalian na" i laughed,
"naya, it's not tinapy, cake po ang tawag diyan"
"hay, basta naging tinapay din yan. jusko" i sigh and then blow the candle.
naya and i ate the food she brought for us.
"ah, oo nga pala naya. may nakita ka po bang box sa ilalim ng kama ni ate? hindi po ba ikaw po ang inasatasan ni mommy na maglinis po sa kwarto nya?" she nodded "oo, e pero baka magalit ang mommy mo pag pumasok ka doon. baka masaktan ka nanaman lalo na pag pinakialaman mo ang box na sinasabi mo" umiling ako tanda ko pa ang sinabi ni ate noong araw na iyon... dapat kanina ko pa pala kinuha yun.
"naya, can we go there later? sabi po ni ate iyong box na iyon ay regalo saakin ni ate. pagkatapos daw ng araw na ito ay bubuksan ko na iyon, kaya dapat po nasaakin na po yun before 12 midnight. naya, please? help me po" i pleaded,
"hay, nako'ng bata ka talaga. o 'sya sige mamayang alas diyes ay, kukunin natin iyon."
ikinatuwa ko ang sinabi ni naya.
__________
hindi na ako napakali, mag aalas diyes na at nagsisimula nang magligpit sila naya sa ibaba.
"luna" rinig kong bulong ng kung sino.
it was naya!! sa wakas.
"naya!, ano na po?"
"halikana, nasa kani-kanilang kuwarto na sila, kunin na natin iyong sinasabi mo"
dahan-dahan kaming naglakad papunta sa kuwarto ni ate, ang alam ko ay may cctv doon kaya sigurado akong mahihirapan kaming pumasok.
nang makarating kami ay pansin kong padilim ng padilim ang paligid, hindi ba hinahayaan lang nila mommy na buksan ang ilaw ng hallway malapit sa kuwarto ni ate? bahala na. kaya pala pinagsuot ako ni naya ng itim na damit dahil dito....
"magdahan-dahan ka, ija." bulong nito.
nag makapasok kami ay binuksan ni ,naya, ang ilaw ng kuwarto. bumungad saakin ang mga litrato ni ate lanna, i miss her. dati ay parati pa kaming nag tatabing matulog ni ate rito sa kuwarto nya. may mga araw na tabi-tabi kaming lahat dito mismo sa kuwartong ito.
"ito ba iyon?" turo ni naya sa hawak nitong may kalakihan na pulang kahon. kinuha ko ito at binuksan nakita ko ang sobreng magnakasulat na 'to:lunna' kaya tumango ako, balak na sana naming umalis ngunit sinigurado kong may madadala akong ala-ala ni ate maliban dito sa regalong ibinigay nya. kumuha ako ng isang litrato ni ate lanna, kinuha ko na iyong pinakamaliit para naman madali lamang mabitbit.
"halika na po, naya." aya ko rito.
"sigurado akong mahal na mahal ka nong ate mo, ni hindi manlang nya nakalimutang bilinan ka ng mumunting regalo bago sya mawala."
"hindi naman po sya nawala naya, e. nagpahinga lang po si ate. babalik po sya" saad ko na animoy may katotohanan.
"hay, lunna. bata ka pa nga talaga at hindi mo pa matanggap ang mga nangyayari...., o sya't buksan mo na ang regalo sa iyo, hindi na ako makapaghintay na makita ang nilalaman."
ngumiti ako.
"ako din po, naya. I can't wait to see what's inside this box pero hindi pa po pwede kasi po ten palang po ng gabi, hindi pa po tapos ang kaarawan ko"
"naya, tulog na po muna tayo, bukas nalang po natin tingnan ang laman nito. sa ngayon ay itatago ko nalangpo muna."
inilagay ko ang kahon sa loob ng malaki kong bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko. inilalim ko ito para hindi mahalata ng kahit sino at isinama ko narin ang litratong kinuha ko.
_________
alas sais ng umaga, ng simulan kong buksan ang kahong bigay saakin ni ate lanna, pagka bukas ko ay may nakita pa akong isang kahong nakalagay sa loob nito, ibinalik ko ang may kaliitang kahon sa loob ng bag at inilalim ito sa kama namin ni naya. Gumising pa ako ng maaga para walang makakita saakin ngunit sa hindi inaasahan ay biglang tumambad saakin si nica at si mommy na galit ang mukha.
"right there mommy, i saw her and that muchacha entering ate lanna's room." sumbong nito.
"is it true, luna? pumasok ka sa kuwarto ng ate mo ng walang paalam?" galit na tanong nito. marahan akong tumango na mas lalo pang ikinagalit. kita ko mismo ang pag-katitig saakin ni nica, mukhang nagkamali pa yata ako dahil hindi sya saakin nakatingin kundi sa kahong hawak ko, itinago ko ito sa likuran ngunit mas lumala pa ang pagka- interes nila ng igalaw ko ito.
"mommy, i want that box" singhal nito.
"ibigay mo saakin iyan."
"m-mommy, please wag na po ito. ito nalang po ang regalo saakin ni ate lanna, please po wag nyo na po kunin." ngunit sa katigasan ng ulo ni nica ay hinablot niya saakin ang kahon. ito nalang ang bagay na iniwan saakin ni ate lanna at mas importante pa ito kaysa sa buhay ko, hindi ko magagawang ibigay sakanila ang nagiisahang bagay na iniwan saakin ni ate.
dalawa silang kumuha saakin kaya wala akong nagawa kundi ang ibigay sakanila, sa inis ko ay hindi ko sinasadyang maitulak si nica.
"ahh!! mommy....!!" iyak nito.
"how, dare you—"
"Hindi nyo pwedeng kunin iyan!!! please mommy, ito nalang po ang nag iisang bagay na iniwan saakin ni ate kaya please wag nyo na pong kunin." pagmamakaawa ko
nakita ko ang pagpasok ni naya, at ng iba pang mga kasambahay sa loob ng kuwarto ni naya. kahit na naglalabo ang aking paningin dahil sa mga luhang walang tigil na pag agos sa mga mata ko ay kita ko parin ang mga luhang tumutulo sa mata ng mga ito.
"wala ka talagang utang na loob, ang kapal ng mukha mong gawin samin 'to ha!?" kasabay ng sigaw ni mommy ay syang paglapat ng kamay nito sa aking pisngi.
walang tigil na pananakit ang aking natamo, at hindi pa sila matitigil kung hindi dumating si tito leo."devina, ano kaba? bata iyang sinasaktan mo walang pang kalaban-laban sayo!" suway nito.
"Umalis ka riyan, leo. dapat lang 'yun sa batang katulad nya!!"
"devina, patawarin mo na ang anak mo. a-ako talaga ang may kasalanan kung bakit nakapasok sya, pasensya na" pag-singit ni naya.
"manahimik ka. hindi pa tayo tapos, luna. hindi pa tayo tapos." pag alis ni mommy ay sinundan naman ito ni nica dala-dala ang kahong iniwan saakin ni ate, at kasunod din naman nito si tito leo.
"jusko, luna. patawarin mo si naya, kasalanan ko kung bakit nagyari ito."
"h-hindi nyo p-po, kasalanan n-naya, si n-nica po.... yung b-box naya, y-yung box po" hikbi ko.
Nang marinig ko ang malalakas na kalampag ibaba ay sumilip ako sa may bintana, laking gulat ko nalang ng makita ko kung paano sunugin ni nica ang mga bagay na mayroon sa loob ng kahon. kinuha lamang ni nica ang damit at mga maliliit na alahas na naroon. at ang iba ay inihagis na sa apoy.
sa unti-onting pagkasunog ng mga bagay na nasa loob ng kahon, unti-onti ring maglalaho ang mga ala-ala na inipon namin ni ate ng magkasama.
ate, sorry po. hindi ko po na protektahan
iyong ibinigay mo, hindi ko po naingatan yung regalo mo. sorry po.A/N: (leo) is the new husband of her mother.
___________________
—Shanna🤍
YOU ARE READING
Wishing you mine
RomanceLUEIGH SHANNA a young girl who wants to have a happy life, who wish to have a complete family full of love.... but instead of having those wish she gets the opposite, but then Gio came the guy she met in the middle of her drowning life..... will gio...