CHAPTER SEVEN

0 0 0
                                    

Someone

"Sino ka? Bakit ako nandito? at pano ako napunta dito?" tanong ko sa babaeng kakapasok lang sa kung saang kuwarto'ng ito.

"Baliw kaba? Malamang dinala ka namin dito habang nakabulagta ka sa sahig at duguan. pero what if lumipad ka papunta dito? o di kaya'y nagteleport.."

nakakunot noo ko itong tiningnan... naalala ko, sya pala iyong babaeng kasama ni tito leo... mas maganda pala sya kapag natititigan ng mabuti o ng malapitan

"pano ka napunta dito? i mean... maganda ka, halata namang mabait ka kaya bakit si.... tito leo, pa?" tanong ko dito, bahagya itong tumango.

"hindi ko din alam e. basta ang alam ko lang, nasa bar ako at masayang nagtatrabaho not until nagkasakit ang mama ko.... malala ang sakit nya at saktong bumisita si leo sa bar na pinagtatraba-hu-an ko... e sa ganda at karisma ko pa naman e... baka natamaan na sya saakin kaya ayun... kalaunan in-offer-an nya ako ng dalawang kontrata kapalit ng pagpapagamot ng mama ko, bawal ngang sumama sa kliyente kung hindi mo naman trabaho kaso wala e... malaki ang pangangailangan." bahagya itong napatigil at tumitig saakin...

"a-ano po ba ang trabaho nyo doon?" Maang kong sagot.

"hayst, puta masyado yata akong naging madaldal, pasensya na." ngumiti ito, but actually nagmukha na itong ismid dahil sa hindi matagong pagkailang sa mukha nito... halatang ayaw sabihin o kahit iopen manlang, pero sadyang madaldal kaya ayun hindi na napigilan.

"ok lang yun" ngumiti ako pabalik... an untold story of her accidentally known by me... sorri daldal e.

"aalis na ako, ayokong maabutan pa ako ni tito dito" tatayo na sana ko ng hawakan nito ang mga kamay ko.

"bakit nagmamadali ka? maynangyari ba?"

meron nga ba? oo.... meron nga at mas malala pa kesa sa pangyayari kanina... kung ang tinutukoy man nya ay yung tungkol sa pag iwas ko kay tito ay... mas mabuti pang wala na syang alam... mas maayos kung yun nalang munang kaguluhan na nangyari kanina ang alam nya.

"harap-harapan nang nangyari kanina hindi mo pa din alam?" masyadong bang rude yun? ay, ewan basta gusto ko nalang makaalis dito.

"nakita ko, pero wala namang kinalaman dun ang tito mo ah?" inosente nitong tanong.

"baka nga... nahihiya lang akong maabutan ni tito, di naman kami ganon ka close e. sige na, thankyou pala sa pag tulong sakin."

tumango ito... napaka inosente nya para pamunta kay sa hayop na leo na iyon... hays sa sobrang daldal nya hindi ko tuloy naitanong kung sino ang nagdala saakin doon... impossible naman kasing sya dahil sa tantiya ko palang ay hindi na nya ako kayang magisa lalo na't nakita ko kung saan ako nito naidala.... sa kuwarto ni tito. kaya alam ko ding dumaan ito sa hagdaan. impossible.

Tiningnan ko ang orasan'g naka-kabit sa kisame ng kuwarto ko. maga-alas diyes palang ng umaga kaya may oras pa para makapagpahinga ako dala ng pagod sa nangyari kani-kanina lang.


hindi ko inaasahang mapalahaba ang pahinga ko because guess what time it is? it's already 5 in the evening, i was going to open my Facebook first when summer's messages popped up on my screen. shit! she left me with this 55 messages and 19 missed calls, hindi naman siguro sya nag alala e no?

@summerliyah_aldave

_hoy buang ka anyare sayo?... nag OT ka nanaman?

@summerliyah_aldave

_gaga, ang tagal mo puntahan na kaya kita?? 12noon na oh!

@summerliyah_aldave

_huy... nagaalala na ako.. please reply.

@summerliyah_aldave

_napasarap yata pahinga mong hauf ka... reply agad pagnakita mo ko ah.

@summerliyah_aldave

_huy baka kung ano na nangyare sayo ah... 3 na oh. reply kana kahit ano bilis!!!

@LueighShanna_luna
 
_tite.

@summerliyah_aldave

_gago ka kanina pa ako nag tetext sayo tapos yan lang irereply mo? hambalusin kaya kita?.

@LueighShanna_luna

_sabi mo kahit anoo?

@ summerliyah_aldave

_oo, pero please... pakiayos. tutuktukan ko bunbunan mo ei.

hays ang gulo nya, buti nalang maganda ako.

balak ko na sanang puntahan si summer pero hindi pa pala ako naliligo kaya sinabihan ko na muna syang mahintay dahil baka tumandang dalaga... maghintay sya di sya importante..chos.

@LueighShanna_luna

_Maghintay ka papunta na ems.


Tinanggal ko na muna ang benda ko na ngayon ko lang napansing meron pala. wala na akong balak na ipaalam pa kau summer ang nangyari kanina kaya tinanggal ko nalang ito. pagkatapos kong maligo ay pumili na ako ng damit.... naghanap lang ako ng maong na short at oversized white t-shirt na sakto naman hanggang sa gitna ng binti ko.


naglagay lang ako ng cream para matakpan kahit papaano iyong mga galos na nakuha ko kanina. sigurado akong magtatanong nito si summer pero ihahanda ko nalang muna ang isasagot ko




Nang makarating ako sa bahay ni summer ay may nakita akong pulang sasakyan... halatang mamahalin pero unfamiliar sya, ngayon ko lang nakita e.
rinig ko ang pagbukas ng gate kaya naman agad akong nagtago. dahil sa medjo malayo ako ay hindi ko narinig ang sinabi ng lalaking kaharap ni summer, at saktong pagsilip ko ang pagtingin naman nito sa banda ko kaya agad akong nagtago. ano kayang pinagusapan nila ako ibang-iba ang awra ng beshy ko nayan.... ay eme.

pakiramdam ko lang kasi hindi si summer ang kasama nya.

Baka doupleganger ni summer?

pero ewan, ibang-ibang ang awra nya parang hindi sya. ay inulet?

hays.... sanay na talaga ako sa summer na mahinhin— ay hindi tarantado tumingin kaya ibang-iba ang itsura nya gayong parang seryoso ang usapan nila.

"Lumabas kana riyan—"

"Ay! kabayong butiki!!"

"Taray? kabayo na butiki pa? ano yan mix and match?"

umayos ako ng tayo ang lumabas na ng lungga— ahh este ng puno.

"anong ginagawa mo jan? para kang ipis na nagtatago sa sarili nyang tae. nagtago kapa kitang-kita naman"

"hala! kita ba ako—"

"hala! kita ba ako?" panggagaya nito na hinaluan ng kaonting arte.
"buanga ka... may sharinggan lang talaga ako kaya ganon— Aarayy!!"  daing nito, nanggagago nanaman e. kanina seryoso sya tapos ngayon loka-loka na. jusko... tatanda akong dalaga nito.

"Ha-Ha-Ha! namoka, wag mo nang uulitin joke mo ah. baka mapatay kita, beh" sarkastikong saad ko.

"pero teka. sino ba yung kasama mo kanina?"

"h-huh? a-uh.. ano... e,.. someone" someone,huh?

Wishing you mine Where stories live. Discover now