Chapter 1

347 23 0
                                    

'Hindi padin ba gising yan?'

'Dapat dyan hinahayaan nalang'

'Oo nga tutal wala naman nang pakealam ang kanyang pamilya'

'Can you guys shut up?'

Bakit ganto pakiramdam ko humihinga pako at may mga tao sa paligid ganto ba ang pakiramdam ng namatay?

Idinilat ko ang aking mga maya, unang bumungad sakin ang kisame na kulay puti kakaiba ang disenyo nito.

"Hala! Gising na sya!"
Napatingin ako sa nagsalitang babae, napakunot ang noo ko dahil kakaiba ang kanilang suot nakaputi sila, teka sino ba sila at nasan ako? Ang alam ko wala nakong buhay.

"Lady Ava kamusta po ang inyong lagay?"
Tanong ng isang Ginang sa tingin ko nasa Anim-napu (60) na sya.

"A-ayos naman na po ako, tsaka ano pong itinawag nyo saakin? L-lady? Ano ho iyon?"
Nagtatakang tanong ko dito nagulat nang ako ng bigla nya akong tangkaing saksakin buti nalang nakailag ako.

"Ah!"
Napahawak ako sa aking ulo naramdaman kong may telang nakapulupot dito.

"Hindi ka na dapat nabubuhay pa! I will kill you!"
Ilag lang ako ng ilag sa kanya, anong sinasabi nya hindi ko maintindihan.

"Jusko! Guard! Guard!"
Napatingin kaming parehas sa babaeng kakapasok lang, sa tingin ko sumigaw sya para humingi ng tulong agad agad namang may dumating na mga lalaki nakasuot sila ng kulay asul na damit at itim na pantalon.
Grabe kakaiba ang suot nila rito.

"Cous are you ok?"
Napatingin ako sa babaeng humawak sakin tinabig ko ang kanyang kamay kaya nagulat ito.

"Lumayo ka saakin hindi kita kilala at hindi ko maintindihan ang lengwahing iyong sinasabi"
Malamig na tugon ko sakanya napatingin kami sa pinto nang may pumasok na isang lalaki at isang babae.

"Doc! Anong nangyayari sa pinsan ko she said that she can't understand what language I'm using at hindi nya daw ako kilala"
Pasigaw na sabi ng babae.

"Miss Shiloh calm down ok, inaasahan ko na mawawalan sya ng alaala dahil malakas ang pagkakabagok nya ng mahulog sya sa bangin kasama ang kanyang sasakyan pero yung sinasabi mo na she can't understand the language we are using now, it's a rare case but don't worry babalik din sya sa dati kailangan lang ng tiyaga"
Napatango tango naman ang babaeng nag-ngangalang Shiloh.

"Cous--I mean Ava kamusta na ang pakiramdam mo?"
Nagaalalang tanong nito.

"Sino ka at nasaan ako anong pangalan ko?"
Ngayon ko lang napagtanto na nabuhay akong muli ngunit sa ibang katawan.

"A-ako si Shiloh Thea Adelaide 19 years old pinsan mo ako dahil si papa at ang mama mo magkapatid ikaw naman si Althea Luna Ava Larken 19 years old magkaedad lang tayo mas nauuna nga lang ako ng tatlong buwan"
Napatango tango naman ako sa mga sinasabi nya, ipinakwento ko rin ang katauhan ni Ava at nalaman kong ikinamumuhi sya ng kanyang ama na si Richard Luan Larken sya ay 39 taong gulang at nalaman ko rin na may apat na kapatid si Ava kinamumuhian sya ng kanyang ama dahil namatay ang ina ni Ava sa panganganak sakanya at si Ava naman ay isang mahinang babae at takot sa lahat maging sa paglabas ng bahay ay di nya kaya.

Buti nalang at ako ang pumalit sa kaluluwa mo Ava hayaan mong ako ang gumanti sakanila at ang magpahirap sa mga taong nanakit sayo noon hayaan mong ipagtanggol kita.

Makalipas ang isang linggo ay nakalabas na ako sa pagamutan o sa tinatawag nilang Hospital.

Hindi naman ako nahirapang aralin ang lengwahing ginagamit nila at nalaman ko na English ang tawag sa lengwahe na iyon.

"Nandito na tayo sa bahay mo cous"
Napatingin ako sa harap ng sasakyan, nung una ah talagang namangha ako sa sasakyan na ito ang tawag nila dito ay kotse/car ang komportableng umupo rito.


Pagkababa ay tumingin ako sa aking paligid ang ganda! Ang ganda ng bahay na ito napakalaki at halatang mamahalin na bagay ang ginamit para magawa itong tahanan na ito, pumasok na kami at mas lalo akong namangha sa nakikita ko may nakasabit sa kisame na parang mga dyamanteng pinagdikit dikit (chandelier) nakakalula ang taas ng pader ang kulay nito ay ginto at puti.

Iniwan ko muna sila sa kusina at naglibot muna ako, pumunta ako sa taas at ang dami kong nakitang kwarto ang iba ay parang opisina na meron din akong nakitang silid aklatan at pati dito sa taas ay may kusina din at sala pumunta ako sa sala at tinignan ang isang itim na bagay kinuha ko ang isang pindutan na itim din, pinundot ko ang pulang buton dahil nadala ako sa kuryosidad dahil sya lang ang naiiba ang kulay, nang pinindot ko ay agad bumukas ang malaming itim na bagay kaya nagulat ako.

"Hala bakit nandyan yung tao!"
Sinubukan kong abutin ang kamay nung tao pero hindi ko mahawakan may humaharang sakanya!

"Hoy! Anong ginagawa mo!"
Nagulat ako ng lumapit sakin si Shiloh.

"A-ano ang bagay na ito?"
Tanong ko sakanya habang nakaturo dun sa bagay nayun.

"Hahahahha ano kaba tv yan it means television"
Sinamaan ko sya ng tingin kaya napatigil sya sa pagtawa.

"Ehem! Ok cous I will help you"
Pagkasabi nyang yun ay umalis sya saglit, pagkabalik ay may dala na syang mga libro kaya lumapit ako sakanya nang nilapag nya ang mga libro sa mesa.

"Oh ayan basahin mo yan para naman kahit papano ay may kaalaman ka okay, aalis muna ako uwi muna ako saglit babalik ako mamayang gabi"
Tinanguan ko lang sya at sinimulan nang buklatin ang mga libro.

Reincarnated to the Modern World Where stories live. Discover now