Warning!!!!
"Binibini Aly hindi ka pa ba nadala?! Napahamak nanaman ang iyong pinsan dahil dyan sa selos mo!"
Sigaw sakin ni Ginang Loreng isa sa mga katulong sa aming tahanan."Ginang Loreng ilang beses ko na ho bang sasabihin na wala akong kasalanan! Hindi ako ang may gawa non sakanya"
Depensa ko sa aking sarili, alam kong matigas ang aking ulo makasarili at walang pakealam sa iba, ngunit hindi ko magagawa iyon sa aking pinsan hindi ako ang may gawa ng kanyang pagkahulog sa bangin."Binibini Aly ipinapatawag kayo sa plaza"
Hindi ko alam ngunit ako ay lubhang kinakabahan.Nakarating kami sa plaza at nagtaka ako ng makita ang isang intablado na may tali sa itaas.
'Bakit may ganyan sino ang ibibitay?'
Tanong ko sa aking sarili."Narito na ang Binibining Aly!"
Nagulat ako sa pagsigaw ng isang lalaki, napatingin sakin ang lahat at nababakasan ang mga mata nila ng dismaya galit lungkot at pagaalala, may lumapit saking dalawang lalaki na malalaki ang katawan."Ano ang inyong gagawin! Bitawan nyo ako!"
Pagpupumiglas ko dahil kinakaladkad nila ako papalapit sa intablado."A-anong gagawin nyo?!"
Kinakabahang sigaw ko sa kanila nang makaakyat kami sa intablado, nakita ko sa ibaba sila Tiya Noni at Ginang Loreng."Si Binibining Aly Adaline Lorelie ay hinahatulan ng pagkabitay dahil sa pagkakasala na kanyang ginawa, nang dahil sakanya ay pumanaw na ang Binibining si Nani kanina lamang madaling araw"
Napatingin ako sa nagsasalita dahil sa sinabi nya, Ano? Pumanaw na si Nani? At ako ang may gawa, hindi! Wala akong kasalanan!"H-hindi ko magagawa iyan! Hindi ako ang may kasalanan!"
Umiiyak na sabi ko sakanila, napatingin muli ako kila Ginang Loreng."Ginang! Tiya! Hindi ako ang mag gawa! Pakiusap tulungan nyo ako!"
Umiwas lang sila ng tingin kaya napahinto ako sa pagiyak.
Mukang wala nakong magagawa, porket basagulera ako ay ako na ang may gawa? Porket maldita ako ay ako na ang gumawa?
Sisiguraduhin ko na kapag ako ay nabuhay muli ipinapangako ko na hindi nako aasa sa tinatawag na pamilya sisiguraduhin kong magdudusa ang magtataksil sakin.Naramdaman ko nalang na unti unti nakong nawawalan ng hininga kaya sa huling pagkakataon ay tumingin ako sakanila Ginang at Tiya.
'Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nyo ngayon'
YOU ARE READING
Reincarnated to the Modern World
Short StoryBabaeng napunta sa modern world, where technology is already existing, where mafia is legall. Babaeng nahatulan ng pagkabitay. Ang babaeng walang Ginawa kundi ang magbigay ng problema sa mamamayan at sa kanyang kamag-anak. Ang babaeng walang kinatat...