Chapter 1

401 4 1
                                    

CHAPTER 1

Ito ang unang araw na nag leave si Emerald sa trabaho para makapag isip isip. Isa siyang writer pero sa tingin niya sa mga panahong ito ay kakailanganin niya ng isang mahabang bakasyon para makapag isip. “Kung bakit naman kasi sa dinami dami ng maisusulat ko eh Love Story ang napunta sa akin”. Oo't marami na siyang nagging boyfriend pero ni isa ay wala pa siyang sineryoso unless nalang na ang katangian ng lalaking ito ay kagaya ng kanyang namayapang ama na si Danilo.

Pitong taong gulang palang siya ng nasawi ang kanyang ama sa pagliligtas sa pinakamatalik nitong kaibigan na si Don Ramon. May nagtangkang patayin noon si Don Ramon dahil sa away negosyo pero sa kasamaang palad ay nasawi ang kanyang ama sa pamamagitan ng pagsalo ng bala na dapat ay para sa kaibigan ngunit kailanman ay hindi sila pinabayaan ng mag asawang Don Ramon at Dona Angela at naging katuwang din ito ng kanilang ina sa negosyo.

Bente tres anyos na siya pero nagtataka siya kung bakit sa tanang buhay nila ng kapatid niya ay hindi niya nakita ni isang anino ng pamilya ng kanyang ama. Napakatagal na panahon na pero sa tingin niya may karapatan naman sila ni Jade na makilala ang pamilya ng kanilang ama. Ayon sa kanilang ina, nakatakda noon ikasal ang kanilang ama sa isang babae ngunit sadyang nagmamahalan ang mga magulang niya kaya itinakwil ng abuelo niya ang kanyang ama at pumuntang maynila at nakipagsapalaran sa buhay. Dito na nakilala ng pamilya nila ang mga naging kaibigan nito na tumulong sa ikinaunlad ng buhay nila. Ulilang lubos na kasi ang kanyang ina at naninilbihan ito dati sa pamilya ng kanyang ama.

“Emerald bumaba kana daw sabi ng mommy mo, nag aantay na sila ni Jade sa hapag kainan. Ano kabang bat aka alas dose na d kapa nag aalmusal?” Naputol ang pagmumuni muni niya sa biglang pagpasok ni Nanay Milag , ito ang kaagapay ng kanyang ina sa pagpapalaki sa kanila ng nawala ang kanyang ama. Malaki ang utang na loob nila dito dahil kailanman ay hindi nito iniwan ang kanyang ina sa mga panahong kinailangan nito ng masasandalan. Bigla siyang napatingin sa side table niya kung saan nasa larawang iyon ang kaligayahan niya, ang pamilya niya. Ang kanyang ama at ina na masayang nakangiti habang magka akbay at silang dalawa ng kapatid nya ay parehong nakakandong sa mga magulang nila. “A perfect and happy family.” Bigla siyang nakaramdam ng lungkot ngunit pinilas niya rin ito sa kanyang isipan. “Cge Nay bababa narin po ako.” Tumayo na siya sa kama at nag ayos ng sarili para bumaba.

Naabutan niyang masayang nag uusap habang kumakain ang kanyang ina at kapatid. “Good Morning Mom! Morning Jade! “ Tumingin naman sa kanya ang mga ito at inusog ng kapatid nia ang katabing upuan para makaupo siya. “Tanghali na ate, bat ngaun kalang bumaba? Hindi ka tuloy nakapag breakfast” sabi ng kapatid niya na sumusubo ng blue berry cheese cake na dessert pala nila.

Biglang hinawakan ng kanyang ina ang baba niya at tiningnan nito ang mga mata niya. “Is there something wrong Emerald?” she can feel a sincere and concern emotion from her mother. “Mom, can I ask a favor?” di niya alam kung anong magiging reaction ng ina niya sa hihingin niyang pabor. Pero nakita niya itong nag aantay kung ano ang kasunod niyang sasabihin gayon din ang kapatid niya na napatigil sa pagsubo ng kinakain nito. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita “I want to go to Villa Esmeralda” sa sinabi niyang iyon ay nakita n gang pait na gumuhit sa mukha ng kanyang ina gayon din ang paglaki at pagkahulog ng tinidor na hawak hawak ng kapatid niya.

“You have no idea what are you asking for Emerald” nag aalalang tugon ng kanyang ina habang ang kapatid ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nila. Biglang napatayo ang kanyang ina ngunit pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso. “Mom, please? I want to meet dad’s family. Don’t you think it’s about time na makilala na namin sila ni Jade?” tinapunan niya naman ng tingin ang kapatid at sa nakikita niya ay biglang lumiwanag ang mukha nito at napangiti.

Humarap naman ang kanyang ina at nagpapalit palit ang tingin sa kanilang dalawa tila nag iisip muna ito. “Matagal ko na silang pinatawad mga anak. Kaso kayo ang inaalala ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nila pagnakita kayo. Baka galit parin sila gawa ng pagtalikod ng ama niyo sa pamilya niya dahil sa akin.” Biglang napaluha ang kanyang ina sa tinuran nito. Agad naman silang dumalong magkapatid para yakapin ang ina. “So that means YES mom?” excited na sabi ng kapatid niya habang pinupunasan ang pisngi ng kanilang napakagandang ina.

No wonder na ito ang pinili ng kanilang ama. Napakatatag na babae, napaka maintindihin, napaka maalaga at mapagmahal na asawa’t ina nito sa kanila. Ngumiti ito ngunit may pag aalala sa magandang mukha nito kahit nasa late 30s na ito.

Matagal na nilang balak hanapin ang pamilya ng kanilang ama at sabik na silang magkapatid na makilala ang mga ito. Kaya tuwang tuwa sila sa naging desisyon ng kanilang ina. “Kelan niyo balak umalis?” biglang tanong ng kanilang ina. “The day after tomorrow mom” walang kagatulgatol na sabi niya. “Ai, di ako pwede ate. May aasikasohin pa kasi kami ni Lance eh may bibisitahin kaming site. Sunod nalang po ako doon.” sunod sunod na sabi naman ng kapatid niya sabay tingin nito sa relong suot “shocks! I am so late! Lagot nanaman ako kay Lansoy!” halos lumuwa ang mata nito pagkakita ng oras at napatawa naman sila ng kanyang ina sa inasal ng kapatid dahil tila natataranta pa ito at nagmamadaling umakyat sa taas at muntik pa itong masubsob sa hagdan.

Kahit kailan sadyang makakalimutin ang kapatid niya pero mahal na mahal niya ito dahil napaka bubbly ng personality nito at palaban. Bukod doon ay napakaganda ng kapatid niya kahit sa morena nitong balat samantalang siya ay mestisa na minana niya sa kanyang namayapang abuela.

“Mag ingat kayo doon anak. Wag na wag mong kakalimutan tumawag sa akin pag nagka problema. Kung hindi lang ako busy sa negosyo at wala kaming business trip ng Tita Angela mo ay sasamahan ko kayong magkapatid kahit pa ipakaladkad ako ng lolo niyo.” Hinaplos haplos ng kanyang ina ang kanyang magandang mukha. “Kamukhang kamukha mo ang lola Esmeralda mo anak, napakaganda at sopistikada” Ngumiti naman ito ngunit may lungkot sa mga mata.

Ayon sa kanilang ina napakabait daw ng abuela niya ngunit wala itong nagawa noon sa desisyon ng asawa subalit ito ang tumulong sa kanila para makatakas at nagbigay ng halaga para makapunta sila ng maynila at mamuhay ng mapayapa. “Mom, ikaw din. Alagaan mo ang sarili mo at wag kanang mag alala samin ni Jade. We can handle things on our own. Fontana ata kami kaya may dugo kaming palaban at di nag papa api.” Pangungumbinsi niya sa ina na bigla namang nagliwanag ang mukha.

“Look for your Tita Isabelle. She’s kind and I know that she’ll take good care of you and Jade there.” Tumango siya at niyakap ng mahigpit ang ina. “Thanks Mom!” niyakap naman siya nito. “Anong drama yan?” nakangising sabi ng kapatid niya na kakababa lang sa hagdan. “I’m going mom, ate mag ingat ka doon ha? Next day pa ako makakauwi so I guess hindi na kita maaabutan. But I promise susunod ako.” Humalik ito sa pisngi niya gayon din sa kanilang ina at pilyong nag martsa papunta sa garahe at maya maya ay narinig nalang nila ang pag arangkada ng sasakyan nito. Napailing nalang na nagkatinginan sila ng kanyang ina.

The Devil's Kiss (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon