CHAPTER 6
Tinanghali nang gising ang dalaga kinabukasan. Masyadong napasarap ang kanyang tulog dahil dala narin siguro ng pagod sa buong araw na ginawa nila ng binata at mga taohan nito. Halos nag enjoy siya kahapon at nakalimutan man lang niya tumawag sa kanila. Kukunin na sana niya ang kanyang telepono ng bigla itong mag ring. Tiningnan niya ang screen bago ito sagutin at ang kapatid niya pala ang tumatawag at siguradong nag aalala na ang mga ito.
“Ate! My Gaad! Anong nangyari sayo?” eksaherada nitong sambit. “For how many days you didn’t bother to call mom. Alalang alala na yon pati ako. What happened? Are you ok? Nakausap mo naba si lolo?” Sunod sunod na tanong nito sa kabilang linya. “I’m sorry about that Jade. I’m ok and sorry for not informing you both so soon?” Na guilty tuloy ang dalaga sa hindi niya pag contact sa mommy at kapatid niya.
“How’s mom?” Tanong niya sa kapatid na nasa kabilang linya. “She’s in US now with Tita Angela. So, ano ate cool ba jan?” pag uusisa ng kapatid niya na kalmado na sa ngayon. Hindi alam ng dalaga kung papano niya uumpisahan ang kwento sa kapatid. “Wala pa ako sa Villa Esmeralda Jade” simple niyang sambit at rinig niyang nagulat ang kapatid niya sa kabilang linya na napasigaw pa “what? Anong hindi kapa nakakarating? Halos magtatatlong araw na since you left and for you to know Ate I’m on my way there” natigilan siya sa tinuran ng kapatid.
“What!” siya naman ang napasigaw “where are you? Bakit ngayon mo lang sinabi? dapatpinasundo kita" usisa niya dito. “Hoy bumalik ka!” rinig niyang sigaw ng kapatid sa kabilang linya. “Why are you screaming Maria Jade?” sita niya dito. “Asan ang kotse mo?” tanong ng kapatid niya sa kabilang linya. Natigilan naman ang dalaga pero “ahm wa—wala kas kasi—“ pero naputol nalang ang linya pagkatapos sumigaw ng kapatid niya “what?” napakunot naman ang noo ng dalaga sa inasta ng kapatid.
Nagtataka man sa inasta ng kapatid ay napag desisyonan nalang niyang bumaba at baka nagtataka na ang mga tao kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya pumapanaog. Siguro tatawag naman ulit mamaya ang kapatid niya. Ayaw kasi sagutin nito ang tawag niya pagkatapos siyang babaan nito kanina.
Ang ginang agad ang naabutan niya na aliw na aliw sa mga halaman nito sa harap ng bahay. “Good morning po Tita!” matamis na ngiti ang ibinigay niya dito. “Oi iha, good morning! Hindi na kita pinagising kay Merna kasi hayaan ka nalang daw muna sabi ni Miguel at napapasarap ang tulog mo.” Napangiti naman ang ginang sa kanya. Palinga linga naman siya para hanapin ang binata but to her dismay ay hindi niya makita ito. “Asan nga po pala si Miguel?” tanong niya nalang sa ginang. “Maaga siyang umalis para personal na kamustahin ang mga tao.” Tila nalungkot naman ang dalaga sa sinabi ng ginang.
Bandang 12:30 na ng makabalik ang binata sa Maria Stella dahil sa paglilibot sa kanilang lupain para masiguradong nasa ayos ang lahat pati ang pag ani ng mga palay. Silang dalawa mismo ni Miggy ang personal na namamahala nito kapag umuuwi dito ang pamangkin niya dahil halos sa Maynila narin ito nakatira gawa ng trabaho nito at buti nalang ay nagbakasyon ito ngayon ng may makasama naman ang kanyang ina pansamantala.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay ay agad na hinanap ng mga mata niya ang dalaga. Kalahating araw lang ito nawala sa paningin niya pero parang miss na miss niya na ito. Tila napakahabang panahon na hindi niya ito nakita. Nang madatnan ang mga ito sa kusina ay napangiti nalang siya. Masaya itong nakikipagkwentohan kay Nay Marya, Merna at sa ina niya na tumutulong sa paghahanda ng kanilang pananghalian.
“Mukhang masarap ang ulam natin ah?” nakangiti niyang sabi sabay halik sa ina niya. “Hulaan mo sir kung sino ang nagluto?” sabat ni Merna na nakangiti pa ng nakakaloko. “Syempre si Nay Marya eh paborito ko yang bulalo eh” napahalakhak naman siya. “Alangan namang si Emerald eh ni hindi nga alam non ang favorite dish niya” sa isip isip ng binata at asa pa siya. “Jan ka nagkakamali” pinukol naman siya ng kanyang Nay Marya ng mapanuksong ngiti. “Wag niyong sabihing si Mama? Mahal mo talaga ako ma!” sabay hug niya sa ina. “No way busy ako kanina” tila abot tenga ang ngiti ng kanyang ina. Napansin niya namang nakayuko lang ang dalaga. “Si Emerald” sabay sabay ng tatlo. “Really? You cooked for me?” tila di makapaniwala niyang tanong at napa angat naman ng ulo ang dalaga mula sa pagkakayuko. “ahh ehh tinanong ko kasi si Nay Marya ng favorite mo pa t-thank you ko narin yan sa pagtulong mo” tila nahihiyang saad ng dalaga. Samantalang abot langit naman ang kagalakan ng binata sa ginawang iyon ng dalaga.
Nakaayos na ang lahat sa mesa ng dumating si Alfon galing ito sa bayan. Agad itong tumungo sa refrigerator para kumuha ng tubig at uminom. “Tiyo, kamusta nga po pala ang sasakyan ni Emerald dala niyo na?” tila may lungkot sa boses ng binata na pilit nitong tinatago. Isa lang kasi ang dahilan nito ay ang pag alis ni Emerald sa Maria Stella at pagpunta sa Villa Esmeralda at walang kasiguradohan kung magkikita pa ang dalawa. Pero naisip ng tiyuhin na kung magkaganon man ay mas maayos ng hindi na mahulog ang loob ni Miguel sa dalaga na magdudulot lang ng problema sa pamilya. Alam din iyon ng pamangkin niya ngunit lingid sa kaalaman ni Alfon ay tila mahal nan g binata ang dalaga. Bago paman siya makasagot ay nagtanong narin ang kanyang pinsan “asan nga pala si Miggy Alfon at bakit ikaw lang ang umuwi?” medyo napangiti pa siya ng maalala ang apo rin niyang si Miggy.
Kasama niya itong pumunta ng bayan para mamili ng kakailanganin nito sa isang proyektong nakaabang dito. Ngunit pinauna na siya nito ng magkaroon ng problema sa bayan at susunod nalang daw. “Maya maya andito na yon at siya na ang magdadala ng sasakyan mo iha. Dala ko kasi ang pick up, medyo may inayos lang na kaunting gusot si Miggy sa bayan.” Nakangiti niyang sabi.
“Gusot? Bakit napaaway ba siya?" nag aalalang tanong ni Estrella. "Eh hindi naman ganon si Miggy ah” tanong naman ng binata na hindi makapaniwala sa narinig mula sa tiyuhin. Bago pa makasalita si Alfon ay rinig na nila ang kaka park lang na sasakyan. Sinilip naman ito ni Merna pero agad ding napabalik ng makitang si Miggy pala ang dumating na tila semana santa ang pagmukha.
“Oh iho what’s with the face?” tanong ng abuela nito. Ang dalagang si Emerald naman ay mangha at tila naaliw pa sa expression ni Miggy. Bago ito sa paningin niya at tila inis na inis ang ito base sa nakikita niya. Narinig niya pa itong napamura “Shit!” sabay kamot nito sa ulo. “Chillax” sabi naman ng katabi ng dalagang si Miguel na napapangiti sa itsura ng pamangkin.
Si Miggy na ata ang may pinakamahabang pasensiya na tao na kilala ni Miguel pero tila iba ang kaso ngayon. “Hala umupo kanang bata ka at makakain na” kumuha naman si Marya ng pinggan at inayos ang lugar kung saan uupo ang binatang si Miggy.
Hinagkan muna ni Miggy ang kanyang abuela bago ito umupo. “What happened iho?” hindi mapigilan ng abuela dahil curious siyang malaman sa nangyari sa apo. Habang si Alfon naman ay ganadong kumakain at nakangiti pa ito sa pinsang si Estrella.
“Napagkamalan lang naman po akong carnapper! The hell!” napasigaw pa ito ng kaunti na halos hindi maipinta ang mukha at dahil sa narinig ay agad napatawa ang lahat.
Si Emerald ay hindi magkamayaw sa kakatawa at nakahawak pa sa tiyan niya. Sino ba namang tao ang mapapagkamalan ang isang makisig, gwapo, matangkad at matipunong si Miggy ay isang carnapper. Halos namumula pa ang moreno nitong balat na sadyang makinis at alagang alaga. Naiintindihan niya kung bakit ganon nalang ito ka asar. Halos maluha luha pa sila sa kakatawa dahil sa nangyari.
“Eh sira ulo pala yon Migz! Sa gwapo mong yan?” biglang bulalas ni Merna na ikinatawa pa lalo ng lahat. “Sigi pagtawanan niyo pa ako” sambit naman ni Miggy na inis na inis parin sa nangyari. “Naku Miggy kung sino man yon eh bulag ata eh” hindi napigilan ng dalaga na magbigay ng kumento. Napatingin naman ang binatang si Miggy kay Emerald at ngumiti.
Ngayon lang nakita ng dalagang ngumiti si Miggy at sa tingin niya ay mas lalo itong gumwapo. Medyo hawig kasi ang mag tiyuhing Miggy at Miguel pero tila may iba pang naiisip ang dalaga na mas kahawig nito. Hindi lang niya lubusang mapagtanto kung sino ang kamukha talaga nito parang nakita na niya kasi ito dati.
“Sino naman ang magkakamaling tawagin kang carnapper” sabi ng binatang si Miguel na tinutukso pa ang pamangkin. “Hindi naman magkakaganyan yan kung taga dito yon eh at isa pa napakagandang bata” sabat ng tiyuhin nilang si Alfon na may nakakalokong ngit. “Kaya naman pala ganyan ka mag react apo na insulto lang” sabi naman ng ginang kasabay ng pagtawa. “Sige pagtulungan niyo pa ako” at sabay sabay silang bumunghalit ng tawa habang masayang kumakain.
BINABASA MO ANG
The Devil's Kiss (KathNiel FanFic)
FanfictionAre you strong enough to take risk of falling in love and change everything perfectly?