Chapter 8

121 3 0
                                    

CHAPTER 8

Pagkatapos kumain ay agad nagpaalam ang dalawang dalaga upang makapag usap. Dinala ni Emerald ang kapatid sa kwarto kung saan siya pansamantalang namamalagi. "Ang bait ng pamilya nila maliban lang sa isa" panimula ng kapatid niya ng makapasok sila sa kwarto. "Mabait si Miggy. Pano ba naman hindi maiinis yon eh pagkamalan mo bang carnapper" napapatawa pa siya habang kausap ang kapatid.

"Sino ba naman ang hindi maghinala pagkatapos kong makita ang kotse mo sa bayan tapos ng tinanong kita wala ang sagot mo sakto namang nakita ko siyang papasok sa kotse at nagmamadali tapos pa linga linga pa" mahabang paliwanag nito sa kanya.

"Pero ate ha, iba ang napapansin ko sa inyo ng Miguel ha" pagbabawi ng kapatid niya sa kanya. "Aba'y pano naman napunta sakin ang usapan?" Pag maang maangan niya pa. "Haha, don't deny it. It's pretty obvious that you like each other. Wag kang mag alala ate boto ako kay bayaw ang gwapo" tila kinikilig pang kumento nito.

"Naku ikaw talaga Jade napaka loka loka mo. Gwapo din naman si Miggy ah" pang aasar niya dito. "Psh! Gwapo ba un? Suplado kamu!". Natigil ang kanilang usapan ng may biglang kumatok sa pintuan.

Agad naman itong binuksan ng dalaga at mukha agad ng binatang si Miguel ang bumungad sa kanya. Nagkayayaan kasi sila kaninang lunch na maglibot libot sa paligid dahil lilisanin na nila ng kapatid ang lugar na ito bukas.

"Ano? Ready naba kayo?" Pero bago pa siya nakasagot at naunahan na siya ng kapatid "we're ready bayaw" kumindat pa ito kay Miguel bago sila iwan dalawang natigilan sa sinabi ng kapatid nia. Ng makabawi ay halos nangamatis nanaman ang mukha ni Emerald. "Naku Maria Jade masasabunutan talaga kitang bruha ka" sa isip isip ng dalaga. "Tara na habang may araw pa" pag yayaya ng binata at inalalayan siyang lumakad pa baba ng hagda.

Masayang nag uusap si Miguel at Emerald papuntang kwadra ng mapatigil sila sa bangayan ng dalawang isip bata. Nadatnana nila itong nagtatalo over Fire.Walang balak magpatalo sa dalawa at naghihilaan pa ng tali "I want this black horse!" Sigaw ni Jade kay Miggy na halos lumabas na ang ngala ngala sa lakas. "You can't brat!" matigas na boses naman ng binatang si Miggy na tila pigil na pigil ang sarili.

"Anong sabi mo?" Tila hindi nagustohan ni Jade ang sinabi ng binata. "Brat!" Ulit naman ni Miggy. "Oi chill lang kayong dalawa! Para kayong mga bata" pumagitna na si Miguel at baka magkasakitan pa ang mga ito. "Jade, may ibang kabayo pa namang pwede mong sakyan." Pagsisita ni Emerald sa kapatid at nahihiya siya sa inasal nit okay Miggy. “But ate I want this horse so bad. Isn't he adorable?" Nag puppy eyes pa ito sa kanya saka binalingan si Miguel. Natawa naman ang dalawa sa ginawa ni Jade.

"Psh! Ok fine. But you can't ride Fire without me and that's final. Take it or leave it." Sumuko narin si Miggy sa katigasan ng ulo ni Jade. "Fine!" Wala ng magawa ang dalaga dahil hindi rin naman siya gaanong bihasa sa pagsakay sa kabayo at dahil gustong gusto nito si Fire ay napilitan siyang umoo.

"Ikaw? Baka gusto mo rin si Fire" napapatawang turan ni Miguel kay Emerald. Napapailing naman ang dalaga na nakatingin sa dalawang halos magpatayan pa. Nauna na ang mga ito sa kanila ngunit parang di matapos tapos ang bangayan ng dalawang ito. "Pasensiya kana Miguel at ganyan talaga si Jade. Medyo matigas ang ulo pero mabait naman yan." Ngumiti naman ang binata at dinala siya kay Nworb.

"You can use Nworb for now" natigilan naman siya sa sinabi nito. "Pano ka?" Pag uusisa niya dito. "Aalalayan nalang kita para matuto karin" napangiti naman siya sa sinabi ni Miguel. Napaka sweet sa kanya ng binata at halos sa buong pamamalagi niya sa bahay nito ay napapalapit na talaga ang loob niya dito. Nalungkot siya sa naisip niyang pag alis sa pamamahay nito. Pero siguro naman magkakasama pa sila ulit.

The Devil's Kiss (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon