Chapter 7

134 4 2
                                    

CHAPTER 7

Masayang kumakain ang lahat at kinakantsawan ang kawawang si Miggy ng may isang sasakyang tumigil sa labas. Dali dali namang lumabas si Merna para tingnan kung sino ang dumating na bisita ng mga Sandoval. Bumaba sa isang itim na Lamborghini Gallardo (please see external link) si Mang Pedring pag katapos nito ay tila napasinghap pa si Merna sa nakita.

Lulan ng kulay itim na magarang sasakyan ang isang morena ngunit napakagandang babae na hawak hawak pa ang susi ng kanyang kotse na kaka lock lang. Sakto lang ang tangkad nito, naka puti itong v-neck na white shirt na hapit sa katawan at nakapatong ang isang brown leather jacket at naka maong shorts ito kaya nailahad ang makinis at mahaba nitong mga binti. May mahaba itong itim na buhok na nililipad lipad pa ng hangin. Nangungusap ang almond shape na mga mata nito, matangos ang ilong at may manipis at mapupulang labi na nakangiti.

“Merna, parang nakakita ka jan ng multo” natauhan naman si Merna sa biglang pagsalita ni Mang Pedring. “Ah eh Mang Pedring sino po siya? Good afternoon po mam?” pagbati niya na may halong paghanga at pag galang. Mas lalong lumapad ang ngiti ng dalagang nasa harap niya “good afternoon din po” sagot naman ng dalaga.

“Ano iha, maiwan na kita dito ha? Si Merna na ang bahala sayo at ako’y uuwi na. Merna ikaw na ang bahala kay mam Jade” agad naman nilisan ni Pedring ang lugar pagkatapos mag paalam sa dalaga at kay Merna.

“Ano hong maipaglilingkod ko mam? Pasok po muna kayo” baling ulit ni Merna sa kausap. “Naku salamat! Merna right?” agad namang tumango si Merna. “I’m looking for may Ate Emerald. Naituro kasi sa akin ni Mang Pedring sa bayan na dito daw siya tumutuloy. Is she here?” bigla namang lumaki ang mata ni Merna napahawak pa sa bibig niya “kapatid kayo ni Mam Emerald? Naku talaga namang napakaganda ng lahi niyo. Hali ka , pasok ka mam kumakain po sila.”

Agad namang sumunod ang dalaga na nakangiti sa nagtatatakbong si Merna at rinig niya ang pagtawag nito sa pangalan ng hinahanap niya. Inilibot pa nito ang mga mata sa kabuohan ng bahay. Hindi nito mapigilang mamangha at humanga sa interior ng bahay. Kung maganda ito mula sa labas ay doble ang ganda nito sa loob. "Magaling ang nag design ng log house na ito at ang engineer nito" sa isip ng dalaga.

Bago pa ito maka pasok sa dining ay bumungad na ang isang magandang pigura na sobrang na miss niya. “Ate! I miss you! Sobrang worried ako sayo” agad namang yumakap si Emerald sa kanyang kapatid. Pagkakalas nila sa yakap ay napatingin naman ang kapatid sa binatang nasa likod nito. “Hi there handsome” kahit kailan pilyo talaga itong kapatid niyang si Jade. Napangiti naman ang binata sa sinabi ng kapatid niya. “Miguel” sabay lahad nito ng kamay niya na agad namang inabot ng dalaga “Jade pare” malokong sabi nito. “Ikaw Ate ha? Kaya pala hindi ka dumiretso kanila lolo may boylet ka pala dito” panunukso ng kapatid na dahilan para pamulahanan si Emerald. “Anong boylet ka jan, siya ang tumulong sa akin” pag ka klaro ng dalaga sa kapatid.

“Naku iha, napakaganda naman pala ng kapatid mo Emerald, Tita Estrella here” biglang sulpot ng ginang sa tabi nila. “Good afternoon po, Jade po Tita” sabay halik nito sa ginang na ikinatuwa naman ng huli. “Halika iha at sumabay kana sa aming kumain” agad naman hinila ni Emerald ang kanyang kapatid. Ngunit ng pag dating na pag dating nila sa dining ay isang nakakabinging sigaw ang bumalot sa paligid nila.

“Ikaw?” sabay na sigaw ng binatang si Miggy na napatayo pa at ang kapatid ng dalagang si Jade. Nagkatinginan naman silang lahat na bakas ang pagkalito at pagkagulat maliban kay Alfon na nakangisi habang nakatingin sa dalawang nagsususkatan at nagtutunawan ng tingin. “Ahem, mabuti naman iha at natunton mo itong lungga ni Miggy este ang lugar namin” pagbabasag ni Alfon sa katahimikan. “Oo nga po eh” nahihiyang sabi ng dalaga.

Nagkatinginan naman ang dalagang si Emerald at binatang si Miguel ng may nakakalokong ngiti. “Kaya naman pala ganon nalang makapag react si Miggy” pagbubuko ni Miguel sa pamangkin niya. “Hali kana iha kumain kana muna at sigurado akong gutom kana at ikaw Miggy umupo ka nga” agad namang tumalima ang dalawa sa sinabi ng ginang at ngumiti. “Miggy umusog ka at gusto kong katabi itong si Jade” bigla namang napabusangot ang binatang si Miggy na pinalakihan pa ng mata ng dalagang si Jade at binilatan “isip bata” bulong naman ni Miggy. “Ang sweet niyo naman, may future” pasaring ni Merna na tinawanan lang ng lahat.

“Do you smell something?” bulong naman ng binatang si Miguel sa katabi nitong si Emerald. Napangiti nalang din ang dalaga. “May spark sa kanilang dalawa” tugon niya sa binatang si Miguel at sabay na napangiti.

Pasimple namang hinawakan ni Miguel ang kamay ng dalagang si Emerald sa ilalim ng mesa na ikinatuwa naman ng huli. “parang tayo may spark” sabay kindat nito sa dalaga na pinamulahanan naman ng mukha.

------------------------------------------------------------------------------------------

Note:

This chapter is just a small part of my upcoming book which is included in VILLA ESMERALDA Series. Every character here is not just an ordinary one so I suggest that you’ll be vigilant and keen enough to remember each of them because they have their own stories to tell.

If you want to contribute a story or do have any suggestion for my upcoming books please don’t hesitate to leave a comment. An Eagle’s Eye (Book 2) and His Black Diamond (Book 3) will be out soon.

Hulaan kung sino ang nasa Book 2 at Book 3. Excited naba kayo? Ako sobrang na excite. lelz :-)

The Devil's Kiss (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon