CHAPTER 9
Pagising ni Emerald ay wala na ang katabi niyang si Jade. Pagtingin niya sa wall clock ay halos 8 am na ng umaga. Kaya naman pala wala na ang kapatid niya dahil na late siya ng gising. Ramdam niya pa ang kaunting sakit sa ibabang parte ng katawan niya pero mas ok na ito kumpara kagabi. Kinuha niya ang bath robe at nagpunta ng banyo. Naligo na siya habang maaga pa at agad na inayos ang sarili. Napag usapan nilang magkapatid kagabi na after lunch na sila uuwi sa Villa Esmeralda at lubos ang pasasalamat niya ng hindi na inusisa kagabi ng kapatid kung bakit ginabi na sila ng uwi ni Miguel at kahit sa hapag kainan ay hindi narin nagtanong ang ginang at mga tao dahil naagaw ang atensiyon ng lahat ng kapatid niya at Miggy sa pagbabangayan. Tuwang tuwa naman halos lahat sa dalawang ‘yon.
“Tok Tok Tok”
Saktong tapos na siyang magbihis ng marinig niya ang mahinang katok sa pintuan. Agad naman niyang binuksan at nakita ang isang gwapong lalaki. “Good morning honey” nakangiting bati nito at hinagkan siya sa ulo. Isang matamis naman na ngiti ang sinukli niya dito “good morning hon” tila nagulat naman si Miguel sa sinabi niya at lumapad pa ang pagkakangiti nito. First time nia itong tinawag sa ganoong pamamamaraan. “Tara na at tayo nalang ang hinihintay doon para makapag almusal. I’m sure gutom kana” tumango nalang sia bilang tugon at automatic naman ang kamay nito sa beywang niya habang inaalalayan siya pababa ng hagdan.
“Good morning hija! Gising kana pala. Halika kana at kumain na tayo” masayang salubong ng ginang sa kanilang dalawa. “Good morning po!” bati niya sa lahat na nasa hapag pati narin sina Marya at Merna ay naroon. “Good morning love birds” panunukso ng kapatid niya at dahil don ay napatawa naman ang lahat maliban kay Miggy na asar ang mukha na nakatingin sa plato ng kapatid niya. Gusto niyang sabunutan ang kapatid dahil sa hiya sa pinagsasabi nito. “Ikaw talaga Jade napaka maloko” pangiti ngiti pang sagot ni Miguel. “Magkasundo talaga ang magkuyang ito. Chos!” sa isip isip niya.
“Parang may iba ata ngayon sa inyo” puna naman ni Marya sa dalawa. Inalalayan ni Miguel si Emerald na makaupo at dito ito sa tabi niya. Kunyari dedma lang silang dalawa. “Oi, umamin nga kayo” panunulsol ni Merna. “Ano namang aaminin namin?” pag mamaang maangan pa ng binata. “Anong ibig sabihin ng holding hands ninyo sa ilalim ng mesa” pagbubuking ng ginang na kakaahon lang mula sa pagkakayuko samantalang nagsiyukuan naman ang lahat para silipin ang mga kamay nila sa ilalim ng mesa upang mapatunayan kung totoo ang sinasabi ng ginang.
Hindi man lang ito napansin ng dalawa. Na buking tuloy sila at tatawa tawa pa ang mga ito. Parang mga bata silang nahihiya na nahuli ng teacher na nagpapasahan ng love letters during class hours. “Ataters kasi kayo. Spoiler ka naman ma” wala ng nagawa ang binata dahil bistado na sila. “Kami na po” nahihiyang sabi ni Emerald na namumula narin ang mukha sa hiya. “Kayo na?” ulit pa ng mga ito na tila mali ang narinig. “Pauli ulit ganon?” pamilosopo ng binata at tawanan ulit ang mga ito. “Bilib na talaga ako sayo bayaw” banat pa ni Jade na ikinatawa pa lalo ng lahat maliban sa isa.
Isang napakagandang balita niyan. “Sa wakas ay magkaka apo narin ako” natatawa pang sabi ng ginang. “Ma, naman. Agad agad? Mag kasintahan palang, apo agad pwede naman sigurong bumuo muna” lalong pinamulahanan ng mukha si Emerald sa sinabi ng nobyo. Kaya naman marahas niyang siniko ito.
“Akin yan” nakuha ang atensiyon nila ng mag umpisa nanamang mag bangayan ang dalawang aso’t pusa ng dahil sa bacon. “Jade ano ba?” pang sisita ni Emerald sa kapatid. “Ako ang nauna. Kinuha mo na nga ang isa pati ba naman ito? Brat!” singhal ni Miggy kay Jade. “Eh gusto ko pa. anong magagawa mo? Tita oh” pagsusumbong pa nito sa ginang.
“Miggy, ano kaba? Ibigay mo na nga yan kay Jade. Kakapirasong bacon pinag aawayan niyo pa” hindi naman naka imik si Miggy sa sinabi ng tiyo Alfon niya. Sa halip binitawan ang bacon at tumayo. “Nay, pwede po padalhan nalang po ako ng almusal sa kwarto. Doon nalang po ako kakain. Excuse me” agad namang tumalima si Marya ng umalis ang alagang binata at ipinaghanda ito ng makakain.
Natahimik naman ang lahat pagkatapos marinig ang napaka lamig na tono ng pananalita ni Miggy. Tila nabahala ang mga ito na napansin naman ni Emerald. “Tingnan mo Jade ang ginawa mo. My gahhd! Pag nalaman ito ni mommy lagot ka!” si Jade naman ay sinusundan lang ng tingin ang paalis na si Miggy at bakas dito ang guilt at pag aalala.
Higit kanino man ay alam ni Miguel at ang pamilya niya pati kasambahay nila na may ibang dahilan pa kung bakit ganoon ang inasal ni Miggy . Naawa siya sa pamangkin. “Ok lang yan Jade. Magiging ok din si Miggy wag kana ma guilty” paninigurado niya dito. “Sorry po?” yon nalang ang nasabi ni Jade. “Naku kumain na tayo at mag aayos pa kayo ng mga gamit niyo ok lang yan hija” pang-aalo ng ginang kay Jade na hiyang hiya.
Pagkatapos mag almusal ay pumanhik na ang magkapatid para iayos ang mga gamit nila. “Ate, sorry?” paglalambing nito sa dalaga. “Jade, this is not our house for you to act like that. Nakakahiya sa kanila” paninermon niya sa kapatid. “Sorry for acting like a brat? Tama ka naman te at nahihiya din ako. Pero ang weird naman kasi ng lalaking yon para bacon lang magkakaganon agad” humihirit nanaman ito. “I thought you’re sorry?” paninita niya. “Kausapin mo si Miggy bago tayo umalis. Nakakahiya sa tao. Jade, kahit hindi ko alam ang buong kwento tungkol sa kanya alam kong may malalim na dahilan si Miggy” mahinahon niyang sabi sa kapatid na tumango tango naman bilang pag sang ayon.
Dumating ang pananghalian at sabay sabay silang kumain maliban kay Miggy na hindi parin bumababa hanggang ngayon. Nag aalala man sila pero alam nilang magiging ok din ito. “Tita, maraming salamat po at sa inyong lahat sa mainit na pagtanggap sa aming magkapatid” taos pusong pasasalamat ni Emerald sa mga Sandoval. “Thank you po at sorry for acting like a brat” sambit naman ng kapatid niya na nagi guilty parin. Sinubukan nitong kausapin si Miggy pero ayaw siya nitong kausapin. “Naku, kami nga itong dapat magpasalamat dahil sa maiksing pamamamalagi niyo lalo na ikaw Emerald ay napasaya mo itong anak ko” pasasalamat ng ginang. “Aasahan namin ang pagdalaw niyo mga hija” ang tiyuhing Alfon naman ang nagsalita. “Sige po tiyo dadalawin po namin kayo” sambit ni Emerald.
Pagkatapos kumain ay namahinga lang sila ng kaunti at pagsapit ng alas tres ng hapon ay namaalam na sila. Mahigpit silang niyakap ng mga ito. “Ma mi miss ko kayo mga hija” sambit ni Marya. “Naku wala ng magbabangayan, maingay dito at nakakakilig na eksena” tugon naman ni Merna sa kanilang magkapatid. Napangiti naman sila. “Salamat po ulit” sabi nilang dalawa at niyakap ang mga ito.
Si Miguel ang naglagay ng kaunting bagahe ng mga dalaga sa kanya kanya nitong sasakyan. “Sigurado kayong ayaw niyo magpahatid” tanong niya sa kasintahan. “Oo hon. Kaya na namin ni Jade ito. Magkikita pa naman tayo.” Malambing na tugon ng dalaga. “Oo bayaw wag kang mag alala kasama naman ako ni ate kaya hindi kami mawawala” paninigurado pa ni Jade na pilit pinapagaan ang sitwasyon pero ito mismo ay tila malungkot parin sa nangyari sa pagitan nila Miggy. “Pano hon, alis na kami” sabay hug ng kasintahan niya. “Mag ingat kayong dalawa at dahan dahan sa pagmamaneho” kiniss niya ito ng mariin sa lips bago pinakawalan. “I love you hon” napangiti naman si Emerald. “I love you too hon”. “Hay naku ang cheesy niyo” natatawang sabi ni Jade. Pagkaraan ay pumasok na sa sasakyan niya ngunit napatingin pa ito sa bintana kung saan naroon ang kwarto ni Miggy. Napakibit balikat naman si Emerald sa nakikita niya sa kapatid.
Pinaandar na nila ang sasakyan at nagumpisa ng magmaneho palabas ng Maria Stella. Kahit nagpupumilit si Miguel ay di niya na ito pinayagang ihatid sila dahil alam niyang mahigpit ang siguridad sa loob ng Villa Esmeralda ayon sa ina niya at ayaw na ayaw ng abuelo nila na magpapasok ng hindi nito kilala. Isa pang dahilan niya ay mas mahihirapan siya lalo kung ihahatid sila nito.
“Ano kaya ang naghihintay sa amin sa Villa Esmeralda?” Nauna si Jade kaya naka buntot lang ang sasakyan niya dito. Napatigil siya saglit ng makalayo na sa bahay ng nobyo at lumingong muli. “Babalik ako hon” sa sinabi niyang iyon ay tila na miss niya na kaagad ito. Agad niya naman pina andar ang kotse at pilit iwinaglit ang kalungkutan at pinatakbo ang sasakyan para habulin ang kapatid niya na malayo na. “Villa Esmeralda here we come.”
BINABASA MO ANG
The Devil's Kiss (KathNiel FanFic)
FanfictionAre you strong enough to take risk of falling in love and change everything perfectly?