CHAPTER 4
Kanina pang umaga umalis si Miguel pero hanggang ngayon ay hindi parin nakakauwi. Nagbabadya ang malakas na ulan at halos ang dilim nang paligid. Kanina pa siya balisa na nakaabang sa pintuan ng bahay nila pero hanggang ngaun hindi parin nakakauwi ang anak. Napadaku naman ang tingin ng ginang sa papalabas na si Alfon sa kwadra ng mga kabayo kaya tinawag niya ito. “Alfon, nakita mo ba ang pamangkin mo?” saka lang ito tumingin sa kanya. “Ang sabi kanina ay maglibot libot lang daw. “ Kanina pa nag aalala ang ginang sa anak dahil baka may makabanggan ito.
“Señora, nakahanda nap o ang hapunan ninyo” sabi ni Marya na matagal na nilang kasambahay. “Sige Nay Marya susunod na ako at paki tawag nalang si Miggy sa taas. Salamat.” Agad namang tumalima si Marya para tawagin ang alaga. Maya maya ay naramdaman ng ginang na may pumulupot sa kanyang baywang at naglalambing. Napangiti nalang siya sa paglalambing nito.
“Kain na po tayo lola, wag na po kayo masyadong mag alala kay Tito Miguel at sigurado akong pauwi na po iyon.” Kahit kalian ay napaka sweet ng apo niyang ito. Ito ang kaisa isang alaala na iniwan sa kanya ng panganay niyang anak na si Stella. Minsan tahimik ang apo niyang ito.
Agad silang pumunta sa dining area. Pinaghila siya ng upuan ng kanyang apo. Tahimik silang tatlo ni Alfon na kumakain ng biglang napasugod sa dining ang isa pa nilang kasambahay na si Merna, mas bata ito kaysa kay Marya. “Señora, dumating na po si Sir Miguel.” biglang napatayo ang ginang at dali daling pumunta ng main entrance nila. Nakita niya ang paparating na kabayo sakay sakay ang anak ngunit ipinagtataka niyang may kasama itong babae. “Nay Marya pakiinit naman po ng tubig at Merna paki kuha ng dalawang tuwalya.” Agad namang sumunod ang dalawa.
Sinalubong naman ng kanyang apo ang tiyuhing basang basa at ito narin ang nagpasok kay Nworb sa kwadra. Habang si Alfon ay agad na inabot ang bag na dala dala ng kanyang anak. Halos nanginginig na sa lamig ang dalawa kaya di na napigilan ng ginang na ibulalas ang nararamdaman. “Anak, naku basang basa kayo. Ano bang nangyari?” agad naman siyang hinagkan ng anak sa ulo. “Iha pumasok muna kayo ng makaligo na kayo at baka magkasakit pa kayo ni Miguel. Merna, pakidala nalang siya sa guestroom sa taas ng makaligo na.” Mamaya na siya magtatanong basta ang importante ay safe na nakauwi ang nak niya.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Laking pasalamat ni Emerald ng may tumulong sa kanya kahit nag atubili siya ng una ay napagtanto niyang mabuting tao naman itong tumulong sa kanya. Kabado siya ng unang sumampa sa kabayo ngunit napanatag din ang kanyang kalooban kinalaunan. Habang tinatahak nila ang mahabang daan ay hindi niya maiwasang humanga sa paligid. Pagkatapos ng makipot na daan na iyon at tila gubat ay tinatahak na nila ngayon ang malagong berdeng damuhan na napapalibutan ng matataas na puno na nag silbing shed nila. Tila alagang alaga ang lugar na ito. “Maria Stella” yan ang nabasa niya na nakaukit sa isang kahoy na nag mistulang arko sa bukanan ng napakalapad na bakuran at tanaw niya na ang mataas at malaking log house. Halos napa singhap siya sa ganda ng bahay na ito. Hindi niya inakala na may ganitong bahay na nakatago dito.
Tila lumakas ang ulan at nababasa na sila ng binata. “Hold on tight” yan ang sabi ng binata ng mabilis nitong pinatakbo si Nworb. Di kalaunan ay halos limang metro nalang ang layo nila sa mismong main door ng bahay at napansin ng dalaga na may nakatayong isang ginang na tila alalang alala ang mukha. Nasa late 40’s na ito sa tantiya niya, mabait, maganda at kahit simple pero may class ang dating nito. Pagkatapos siyang alalayan ng binata ay may lumapit naman na isang lalaki para kunin ang tali ni Nworb. Makisig ito, gwapo, tahimik at tila ilang taon lang ang tanda nito sa binatang kasama niya kanina. Ang bag niya naman ay kinuha ng isa pang lalaki na nasa early 40’s lang ata nito at ipinasok sa loob. Lamig na lamig na siya.
. “Anak, naku basang basa kayo. Ano bang nangyari?” bulalas ng ginang but to her surprise ay hinagkan ng binata ang ginang sa ulo. Napaka sweet pala ng binatang ito. Ito pala ang nanay ng binata.. “Iha pumasok muna kayo ng makaligo na kayo at baka magkasakit pa kayo ni Miguel. Merna, pakidala nalang siya sa guestroom sa taas ng makaligo na.” Nahihiyang ngumiti si Emerald pero sumunod din sa tinawag nitong si Merna.
Agad naman siyang dinala sa 2nd floor ng bahay at tinuro ang guestroom. “Mam, ako nga po pala si Merna, wag po kayong mahiyang tawagin ako pag may kailangan kayo ha? Dito lang po ako sa labas. Ito nga po pala ang tuwalya at may mga gamit na po jan sa loob ng banyo.” Masaya itong ngumiti sa kanya. “Naku, maraming salamat Merna, ako nga pala si Emerald.” Agad namang nakipag kamay si Merna at pinapasok na ang dalaga sa banyo.
Pagkatapos maligo ni Emerald ay agad siyang lumabas ngunit naalala niyang basa pala ang kanyang bag at sigurado pati ang mga damit niya. Laking gulat niyang makita si Merna sa kama na naka upong naghihintay sa kanya at katabi nito ang isang t-shirt, isang shorts at may undergarments pa. “Mam, isinampay ko na po ang mga damit niyo sa baba kasi nabasa po ng ulan. Ito nalang po muna ang gamitin ninyo sabi ni Señora.” Mas lalong nahiya ang dalaga.
Napaka buti ng mga taong tumulong sa kanya. Tahimik siyang nagpapasalamat sa Diyos na maayos ang pamilyang napuntahan niya dahil hindi niya lubos maisip kung sa iba siya napunta at napahamak. “Naku Merna, maraming salamat ha?” Ngumiti lang ito sa kanya. “Cge mam bababa na po ako. Pagkatapos niyo pong magbihis ay bumaba na po kaagad kayo para kumain. Naghihintay na po sila sa dining.” Agad naman siyang tumango.
Pagkatapos mag bihis ay dali dali siyang pumanaog at nadatnan nga ang apat na naghihintay sa kanya. Pinaghila siya ng binata ng upuan sa katabi nito na kaharap naman niya yong lalaking nasa early 40’s kanina at sa kaliwa nito ang mas batang lalaki na nagpasok sa kwadra kay Nworb at nasa gitna naman ang Senora. Bago paman siya makapag salita ay naunahan na siya ng Ginang. “Kumain kana muna iha. Kakaluto lang ni Nay Marya ng soup sige na’t humigop kana.” Ngumiti naman siya sa ginang at inumpisahan na ang pagkain. “Huwag kang mahihiya sa amin. Kumain kalang ng kumain” sabi ng binata na nasa tabi niya. Napansin siguro nito na tila nahihiya at uneasy ang katabing dalaga.
Matapos kumain ay nagyaya naman ang ginang na doon sila maupo sa lanai para makapag usap. Nagpahanda pa ito ng tea kay Merna. Napansin ng dalaga na tila sobrang close ang pamilyang ito. Nakakatuwa silang tingnan. Bigla niya tuloy na miss ang Mommy at ang kapatid niya. Nasa pang isahang upuan ang ginang sa gilid niya habang nasa pangdalawahang upuan sila ng binata at ang dalawang lalaki ay kaharap nila sa magkahiwalay na pang isahang upuan. “Iha, nakakatawa man pero hindi pa pala alam ng anak ko ang pangalan mo. Naikwento niya kasi na nakita ka daw niya kanina habang papauwi siya.” Bigla niya ring naalala na hindi niya nga napakilala ang sarili niya gayon din ang binata. Lalo tuloy siyang nahiya. “Pasensiya na po kayo at nawala rin po sa isip ko.” Biglang napatawa naman ang ginang ng marahan gayon din ang batang lalaki, isang may edad at ang katabi niya ay napakamot nalang sa ulo. “Napaka hina talaga nitong pamangkin ko.” Sabi ng may edad na lalaki.
“At dahil jan ako na ang magpapakilala. Si Miguel ang anak ko, ito naman ang apo kong si Miggy anak siya ng ate ni Miguel pero matagal na siyang pumanaw.” Bakas ang pagbago ng expression sa mukha nito gayon din ang pagkalungkot ng mukha ng batang lalaki na si Miggy. “Ako naman si Tito Alfon pinsan ako niyang si Estrella.” Sabay turo nitong lalaki sa ginang.
“Nice to meet you po! Ako po si Emerald” ngumiti lang siya sa lahat. “Ang sabi nitong si Miguel ay nawawala ka raw? Saan kaba dapat pupunta iha?” tanong ni Alfon at doon lang niya naalala ang totoong pakay niya sa pagpunta sa lugar na ito. “May hinahanap po kasi ako, matagal na po namin silang hinanap ng kapatid ko kaso ngayon lang po kami pinayagan ng mommy ko.”
“Saan at sino ba ang hinahanap mo Emerald ng matulungan ka namin?” tanong naman ni Miguel. “Pamilya ng dad ko, hindi kasi namin sila personal na kilala ng buhay pa si dad at nito lang kami pinayagan ng mommy na hanapin sila. Natatakot kasi siyang baka galit pa ang family ni dad sa amin.” Malungkot na sabi ng dalaga.
“Taga dito pala ang pamilya niyo iha?” Tanong ulit ng ginang. “opo” maikling sagot niya. "Ano namang pamilya yon iha? Baka kakilala namin?” sabi naman ni Alfon. “Fontana po.” Bigla namang nagulat ang tatlo maliban kay Miggy na walang reaction at tahimik parin na nakikinig. “Anak ka ni Nathaniel Fontana” bulalas ni Alfon. “Opo siya po ang daddy ko.”
BINABASA MO ANG
The Devil's Kiss (KathNiel FanFic)
FanfictionAre you strong enough to take risk of falling in love and change everything perfectly?