Kabanata 12

645 37 0
                                    

Kabanata 12

Pareho kaming napatingin ni Rafael sa pinto nang may kumatok.
"Hoy, Ericka! Kakain ba kayo kina Aling Esing? Sasama ako, kakain din ako ro'n!" sigaw ni Jelly mula sa labas.

Mabilis kong inayos ang sarili ko dahil baka may bakas sa akin mula sa ginawa namin ni Rafael. Tinititigan lang ako ni Rafael habang nakangisi at naka taas pa ang kilay. Sinamaan ko agad siya ng tingin bago ko pagbuksan ng pintuan si Jelly.

"Oo, kakain kami ro'n. Sandali lang, magbibihis pa ako. Tuloy ka muna!" anyaya ko sa kaniya.
Kumunot ang kaniyang noo. "Ang tagal mo namang magbihis. Ako, kanina pa 'ko nakapag palit ng pang bahay. At saka, hindi na ako papasok diyan, dito na lang ako sa labas, hintayin ko nalang kayo rito," nakangisi niyang sambit.

Mabilis akong nagbihis ng pang bahay lang, nasa tapat lang naman nitong apartment namin ang karinderya.

"Hindi ka ba magpapalit?" tanong ko kay Raf nang makalabas ako sa kwarto.
"Hindi na. Maliligo naman ako pagkatapos kumain."

"Okay," maikling sagot ko at nauna nang lumabas.

"Halika na! Bilisan mo, nagugutom na ako!" Bigla akong hinila ni Jelly paglabas ko ng pinto.
Sabay na kaming tumawid ng kalsada habang nakasunod naman sa amin si Rafael.

"Aling Esing, menudo nga sa'kin, at saka dalawang cup na rin ng kanin," order ni Jelly, habang nau-upo sa upuang kahoy na pahaba. Tumabi ako sa kaniya at sa kanan ko naman ay tumabi si Raf; magkakahilera kami ngayon.

"Naku! Mabuti at natirhan ka pa. Last order na 'yung menudo na 'to," natatawang sabi ni Aling Esing at bumaling sa akin.  "Ikaw, Ericka, ano'ng sa'yo?" tanong naman nito sa akin. Si Aling Esing din ang may-ari ng apartment na tinutuluyan namin ni Jelly kaya kilala na rin niya ako.

"Kare-kare po, at saka isang cup ng kanin.... ikaw ba Raf? Ano'ng order mo?"
Nanliit ang mata niya habang nakatingin sa mga pagkain sa harapan.

"Katulad na lang ng sa'yo, at saka dalawang order ng kanin."
Titig na titig siya sa akin habang nagsasalita kaya nakaramdam ako ng hiya.

"Gutom ka rin, Santander? Dalawang kanin ka rin, ah!" natatawang tanong ni Jelly sa gilid ko habang humahaba ang leeg na dinudungaw si Rafael.

"Nope. Isang kanin lang ang sa akin, si Ericka ang dalawa."

Nanlaki ang mga mata ko at sinamaan ko ng tingin si Raf. Humagalpak naman ng tawa si Jelly sa gilid ko.

"Hoy! Diet ako! Isang cup lang ang sa akin!" reklamo ko at napatingin kay Aling Esing nang ilapag na niya sa harapan ko ang aking order, maging siya ay napapangisi.

"Hindi ka magdi-diet! Mukha ka na ngang tingting, nagdi-diet ka pa? Mas gusto ko 'yung may konting laman," aniya nang nakangisi sa akin at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Bigla akong nakaramdaman ng init sa aking pisngi kaya sinapak ko na siya. Lalong humagalpak ng tawa si Jelly.

"Nakaka-inggit ka naman, Ericka. Masyadong vocal ang asawa mo."

"Ay! Asawa ba ito ni Ericka?" biglang singit ni Aling Esing sa sinabi ni Jelly.

Nilingon ako ni Raf at tinaasan ako ng kilay, ngunit ang ngisi niya ay hindi maitatago. Mukhang nagugustuhan niya ang naririnig. Inaakusahan niya na rin siguro ako ngayon na asawa ang pakilala ko sa kaniya kay Jelly. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Hindi ako nakasagot at tanging ngiti lang ang ginawa ko.

Habang kumakain kami, napalingon ako nang biglang umupo si Raigel sa tabi ni Jelly. Anong ginagawa ng isang ito rito? He looked annoyed. Masama ang tingin niya kay Jelly, at si Jelly naman ay muntik nang masamid sa pagkakagulat.

"Sinungaling! Kumain na pala, huh! Ano itong nakikita ko ngayon? 'Wag mong sabihin na nagutom ka lang ulit?" naiinis na sinabi ni Raigel.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Naubos ko ang dalawang order ng kanin dahil masama ang tingin ni Rafael sa pagkain ko.

"Ano naman ngayon kung kumain ako ulit? Pakialamero!" singhal ni Jelly at mabilis din na tinapos ang pagkain.
"Niyaya kitang mag-dinner, sabi mo kumain ka na. Ang sabi mo busog ka, tapos ngayon makikita kitang kumakain. Ano ba 'to? Sana diniretso mo na lang ako!" naiinis na sabi ni Raigel habang ginugulo ang buhok.

Nagbayad na kami ni Rafael sa kinain namin at nag-aya na siyang umuwi. "Mauna na kaming umuwi Jelly," paalam ko ngunit hindi na yata ako narinig. Ipinag kibit balikat ko nalang iyon. Iniwan namin sina Jelly doon na nagtatalo pa rin.

"So... asawa mo pala ako?" natatawang tanong ni Rafael nang makapasok kami sa bahay.
"Hindi ko sinabi 'yon sa kaniya! Nag-assume lang siya kasi pareho tayo ng apelyido. Akala niya noong una ay magkapatid tayo dahil 'yon ang sinabi mo, tapos bigla kang aamin na girlfriend mo ako... siyempre maguguluhan siya. At teka nga, ano! Akala ko ba, ayaw mong maging kapatid mo ako? Bakit sa'yo pa talaga nanggaling 'yun? Sinabi mo noong una kay Jelly na magkapatid tayo." Ako naman ngayon ang nagtanong.

Naupo siya sa couch at nagulat ako nang bigla niya akong hatakin kaya napakandong ako sa kaniya. Mabilis niya akong niyakap sa aking tiyan. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg, dahilan ng pag taas ng mga balahibo ko roon.

"Hmmm, ayaw niya kasing tawagin ka noon. Pinagbintangan niya akong inaway raw kita, kaya sinabi kong kapatid kita. Kung sasabihin kong girlfriend kita, baka lalo akong awayin noon dahil may kasama akong babae tapos umiiyak ka raw. Nanahimik lang iyong mahaderang iyon nang makita na nya ang ID ko," natatawang kwento niya.

"Buti at nahanap mo ako?" Wala sa sarili kong naitanong.
Mas lalo kong naramdaman ang higpit ng yakap niya sa akin.

"Coincidence lang. May meeting ako kay Joana that time. Sabi niya sa restaurant na lang kami mag-meet. Hindi ako makapaniwala na roon pa kita makikita. I've been looking for you for so long, and I've lost my hope of seeing you again. So when I finally saw you, working as a waitress, I was amazed. I feel like it was destiny. Kung kailan wala akong effort noong araw na iyon, doon pa kita nakita."

Sumimangot ako sa kaniya nang maalala ang ekspresyon niya nang magkita kami.
"Parang hindi ka naman natuwa noong nakita mo ako. Mukha pa ngang iniinis mo ako, eh. Gusto kitang sapakin noon, akala mo ba!" sambit ko at inirapan siya. Humalakhak naman siya at ginawaran ako ng malutong na halik sa pisngi.

"You have no idea how much I wanted to embrace you at that time. But I was afraid that you would leave me again. And another thing... gusto ko ring makita kung anong reaksiyon mo kapag nakita mo na may iba na akong kasama. Damn, baby! I want you to feel jealous. Gusto ko na ikaw na mismo ang magkumahog na bumalik sa akin, pero hindi mo pa rin ginawa; wala ka pa ring pakialam. Ako pa rin talaga ang naghintay sa'yo sa labas at nagmakaawang balikan mo."
Natawa ako sa sinabi niya.

"Sira-ulo ka pala, eh!" sambit ko.

"Kung 'yon ang tingin mo, then be it. Sira na ang ulo ko sa'yo," aniya at humalakhak.

"Maligo ka na nga!" Pag-iiba ko ng usapan at saka tumayo mula sa pagkakakandong sa kaniya. "Pero mag hihilamos na muna ako," dugtong ko.

Tumungo na ako sa banyo at naghilamos. Pagkatapos ay pumasok na 'ko sa aking kwarto.

Pinilit kong matulog, ngunit hindi ako madalaw ng antok; iniisip ko ang nalalapit naming pag-uwi ni Rafael.
Kamusta na rin kaya sina Mama? Hanggang ngayon kaya ay hinahanap pa nila ako?
Marami pang tumakbo sa isip ko, at sa dami noon, hindi ko na namalayan na hinila na ako ng antok.

Nagising na lang ako ng may mabigat na nakadagan sa aking tiyan. Binuksan ko ang aking mga mata, at mula sa bintana ay nakita kong medyo madilim pa. Nilingon ko ang tabi ko at napangiti ako nang makita na nando'n si Rafael at natutulog habang yakap ako.

Gigisingin ko sana siya para paalisin, ngunit naisip ko na wala namang masama kung dito siya natutulog sa tabi ko. Isa pa, naaawa ako sa kaniya nang maisip na sa maliit na sofa siya natulog kagabi.

Nakangiti akong humarap sa kaniya at niyakap din siya.
Sa dami ng iniisip kong problemang darating sa akin, hindi naman siguro masamang sulitin ang mga magagandang pangyayari ngayon. Hindi naman siguro masamang maging masaya rin ako.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon