Kabanata 34

747 39 6
                                    

Kabanata 34

"Ericka? Ericka?"

Hindi ko alam kung nakakailang tawag na ba siya. Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita. Ang itsura ni Melody na duguan lang ang tanging nakikita ko.

Bakit niya kailangang gawin 'yon? Bakit?! Hindi siya pwedeng mamatay ng gano'n na lang. Hindi ko pa siya napapatawad! Hindi siya pwedeng mawala. Kailangan niyang magmakaawa sa kapatawaran ko. Kailangan niyang pagbayaran ang kasalanan niya sa akin habang buhay siya, hindi sa ganito dapat ito matapos!

Namulat ako sa kasalukuyan nang yugyugin ng kung sino ang aking balikat.

"Ericka! Baby, please...magsalita ka!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rafael sa aking harapan. Kailan pa siya nandiyan?
Bigla akong napaiyak sa kaniya. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mata nang mahigpit niya akong niyakap.

"Shhh...shhh." Alo niya sa akin habang nararamdaman ko ang mararahan niyang halik sa gilid ng aking noo. Hindi niya alam kung anong pwesto ng yakap ang igagawad sa akin para pagaanin ang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung paano nga.

Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Lalo na ngayon na nalaman ko na ang lahat nang hinanakit ni Melody.
Hindi lang ako ang nagdurusa, hindi lang ako ang nasasaktan. Kung nagdurugo ako, ay nawawasak naman siya. Pareho kaming pinagkaitan ng saya. Ang kaibahan lang, may mga naiwang tao na magmamahal at dadamay sa akin.

"Let's go home," ani Rafel sa akin. Hindi ko alam kung paano kami nakalabas ng pulis station. Ni hindi ko rin napansin na nandito na ang ambulansiya. Ilang minuto ba akong nakatulala?

Binuksan ni Rafael ang kotse at pinapasok ako roon. Ngunit nanatili akong nakatingin sa ambulansiya at sa bulwagan ng police station. Pagkasara ng pintuan ko ay umikot si Rafael para pumasok na sa driver's seat.
Pigil hininga ako nang makita ang mga taong nagmamadaling lumabas sa police station. Tulak nila ang stretcher kung saan nakahiga ang katawan ni Melody na walang malay.
Nang marinig ko na pinaandar na ni Rafael ang sasakyan ay napaharap ako sa kaniya.
"S-sundan natin. P-pumunta tayo sa ospital," nanginginig kong hiling kay Rafael.

Umigting ang kaniyang panga at kumunot ang noo. Pumikit siya ng mariin. Pagdilat niya ay huminga muna siya ng malalim, tila nahihirapang magdesisyon at hindi alam kung susundin ba ang gusto ko.
Ngunit dahan-dahan ay tumango siya. "Alright, if that's what you want," baritono niyang sagot sa akin.

Sinundan namin ni Rafael ang ambulansiya ng umandar ito. Iyon nga lang, naiwan kami dahil ayaw ni Rafael na hindi kami susunod sa traffic light. Ayaw niya rin na bilisan ang pagmamaneho, marahil ay nag-iingat dahil sakay niya ako at buntis pa.

Nang makarating kami sa ospital, nagmamadali akong bumaba. Hinawakan agad ni Rafael ang bewang ko. Napatingin ako sa kaniya. He licked his lips at huminga ng malalim. "Baby, relax. Mag-ingat ka. Don't forget that you are pregnant."

Nagtiim-bagang ako at tumango sa kaniya. Kailangan kong magpigil ng emosyon. Kahit gusto kong tumakbo papasok sa ospital, hindi ko ginawa. Pinilit kong maging kalmado, siguro dahil na rin naka-agapay sa akin si Rafael ngayon.

Isinugod si Melody sa emergency room. Matagal kaming naghintay ni Rafael sa labas no'n. May tatlo ring pulis ang nakabantay kasama namin.

"Okay ka lang?" tanong ni Rafael sa akin habang inaabot ang tubig na ipinabili niya sa labas, bukas na rin 'yon. Nanginginig ko 'yong kinuha sa kaniyang kamay at ininom.

"Hindi. H-hindi ako okay," pag-amin ko pagkabigay ko pabalik sa kaniya ng tubig.

Tinanggap niya 'yon at isinarado bago ako tiningnan pabalik. "Huwag mong i-stress ang sarili mo. Nag-aalala ka ba para sa kaniya? I thought you hate her?"

"Yes I hate her! Kaya nga hindi siya pwedeng mamatay ng gano'n na lang!" sagot ko sa kaniya kahit naguguluhan na rin talaga ang utak ko.
I feel betrayed by a friend once again. By the same friend... she betrayed me again.

Bumukas ang emergency room at iniluwa nito ang doktor at ang dalawang nurse. Bakas sa mukha nila ang pagkabigo. Nanikip ang dibdib ko, ngunit pinilit kong tumayo at makausap ang doctor.

"K-kamusta siya, Doc.?" nag-aalala kong tanong.
Napahinga siya ng malalim. Sa itsura pa lang nila ay alam ko na ang sagot. Namumuo na ang tubig sa aking mata. Hinintay ko silang sumagot at umaasa pa rin, kahit alam kong mabibigo ako.

"Time of death, 3:45 PM. I'm sorry... ginawa namin ang lahat, pero tinamaan niya talaga ang pinakadelikadong ugat sa kaniyang leeg. Pasensiya na. Hindi na namin siya nagawa pa na iligtas. Kayo ba ang kamag-anak ?"

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon