Kabanata 16

600 41 0
                                    

Kabanata 16

The second time I woke up, Rafael was the only one I thought of. Is he fine now? Was the operation successful? I have so many questions. Why did all of this happen?

Akala ko'y 'yon lang ang aalalahanin ko, ngunit dumagdag ang sakit sa ibinalita ni Papa. Nahimatay raw si Mama dahil sa sobrang pag-aalala at stress. I suddenly remembered my mother. That's what happened when she also died. If I lose someone from my loved ones again today, I might not be able to take it anymore.

"Papa, gusto ko pong makita si Mama at si Rafael," pakiusap ko kay Papa.

Dahan-dahan ang naging paglakad ko. Tanging sugat lang sa ulo, mga galos at bugbog ng katawan ang inabot ko. Ayon sa babaeng nakakita sa amin, yakap-yakap daw ako ni Rafael na parang pinoprotektahan sa nangyaring aksidente. Naging malakas ang hampas ng ulo ni Rafael at ang ilang salamin ay tumusok sa kaniyang likod. Ayon din sa babaeng iyon, lasing daw ang may-ari ng truck na nakabangga sa sasakyan namin. Gusto kong pasalamatan kung sino man ang babaeng iyon na gumawa agad ng aksyon para mailigtas kami.

"Bukas daw ay dadalaw siya ulit. Kilala ka raw niya; magkababata raw kayo?" kwento ni Papa habang inaalalayan akong maglakad patungo sa kwarto ni Mama. Hindi ko alam kung sino ang una kong pupuntahan sa kanilang dalawa. Ngunit mas nauna si Mama, siya ang pinili ko dahil sobrang guilty ang nararamdaman ko ngayon.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Papa. "Kababata? Ano raw po ang pangalan?" tanong ko.

"Melody Paez daw," malumanay na sagot ni Papa. I was so stunned when I heard her name again. Ilang taon na ba ang nakakaraan nang huli ko siyang makita? Kung siya nga iyon, napaka galing naman talaga ng tadhana.

"Okay ka lang anak?" Tanong ni papa. Napatingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

"O-okay lang po." Nag aalangan kong sagot.

Binuksan ni Papa ang kwarto ni Mama. Tulog ito ngayon at nagpapahinga. Hindi ko alam kung bakit, pero mukhang naubos na ang luha ko. Gusto kong umiyak, ngunit pagod na pagod na ang utak ko. Lumapit ako nang dahan-dahan kay Mama.

"Ma, I'm sorry. Don't worry, I will stay this time. Hindi na kita bibiguin. Itatama ko na ang lahat." Dahan-dahang dumilat si Mama at napaawang ang bibig nang makita 'ko.

"Okay ka na ba, anak? Kamusta ang kuya mo?" Nagpumilit itong maupo, ngunit agad na pinigilan siya ni Papa.

"The operation is successful. Magpahinga ka muna rito, 'wag ka nang mag-alala," tugon ni Papa sa tanong ni Mama.

Napa-iyak si Mama at niyakap ako. "'Wag ka nang aalis ulit, anak. Sobra akong nag-alala sa'yo. Patawarin mo ako dahil hindi kita nabigyan ng atensyon sa panahong kailangan mo ng kasama. I know it's hard for you to stay away from your brother because you love him. I know you are hurting too. Hindi kita nagabayan, hindi ako naging mabuting ina."

Umiiyak siya habang yakap-yakap ako.
"Okay lang po, Mama. Alam ko po ang kasalanan ko. Naiintindihan ko po 'yon. Patawarin mo po ako dahil minahal ko si... k-kuya." Para akong nabilaukan sa huling salitang sinabi ko.

Inalis niya ako sa pagkakayakap at hinarap ako. "Hindi kailanman naging kasalanan ang pagmamahal, anak. Hindi lang naging tama para sa inyo ang lahat. Noong umalis ka, na-realize ko na pareho kayong nasasaktan sa lahat ng ito. Nakita ko ang pag durusa ni Rafael nang mawala ka. Nakita ko kung gaano ka niya kamahal. And i know na mahirap ang sitwasyon ninyong dalawa. Kaya... hahayaan ko na kayo."

Napasinghap ako sa sinabi ni Mama. Is this all real? Pumapayag na siya? I didn't move, and I don't know what to say. Papa sighed and smiled at me, as if he agrees with what my mother said.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon