Kabanata 32

739 41 1
                                    

⚜️WARNING⚜️
This story contains sensitive topic, strong language and mature scenes, which may be offensive to some readers. Read at your own risk.

Kabanata 32

Kinabukasan, maaga akong pinasyalan nina Kaira at Arisa. Nag-iyakan pa sila habang ikinukwento ko ang nangyari. Nagpapasalamat ako kay Rafael dahil naisip niyang imbitahan ang mga kaibigan ko rito sa amin.

It helped me a lot to see and feel that many people cared for me, that they are always there for me.

Nasa sala kami ngayon, at magkakaharap na nakaupo habang pinag-uusapan ang lahat ng nangyari. Habang inilalabas ko ang aking sama ng loob sa kanila, tahimik naman silang nakikinig; nadarama ko ang kanilang simpatiya at pag-aalala.

"Kaya natin 'yan, girl! Laban lang. Ikaw pa, ikaw na yata ang pinakamatatag na babaeng nakilala ko!" puri sa akin ni Kaira habang naiiyak pa.

"Kaya nga. Hindi ko kayang ma-imagine na ako ang dadaan sa lahat ng napagdaanan mo," komento pa ni Arisa.

Pinilit kong ngumiti sa kanila. Huminga ng malalim si Kaira at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Kaya pala ang lakas mong kumain lately. Ikaw lang din ang umuubos halos lahat sa ino-order nating pizza noong nakaraang gala natin."

Napasimangot ako. Ngunit nanlaki ang mata ko at tipid na ngumiti rin nang makita ang pizza na dala ni Mama. Umiling-iling si Kaira habang pinapanood ang itsura ko.

"Oh, magmeryenda muna kayo. Dito na rin kayo mananghalian, magluluto ako," sambit ni Mama nang inilapag ang pizza sa harapan namin.

Maaga rin siya ngayon dito. Nahihiya nga ako dahil alam kong abala rin siya at kailangan niyang puntahan si Papa, pero ngayon ay dumagdag pa talaga ako sa alalahanin niya. Wala ngayon si Rafael dahil inaasikaso ang kaso. Nagpasiya kaming hindi muna ako pumunta at magpagaling muna.

Kailangan din namin na bumalik sa OB-Gyne ko para sa karagdagang check-up. Kailangan kong mag-ingat dahil kagagaling ko lang din sa raspa, at alam kong hindi pa rin kaya ng katawan ko.

"Naku! Thank you, Tita!" pasasalamat ni Arisa. " Juice na rin po, Tita... pahingi po." Walang hiya-hiyang hiling ng kaibigan ko. Kinurot-kurot ni Kaira ang bewang ni Arisa para pagbawalan, pero panay lang ang iwas ni Arisa at hampas sa kamay ni Kaira.

"Merong juice, sandali at kukunin ko!" natatawang sabi ni Mama at tumalikod na sa amin, patungong kusina.

"Ikaw, ang tapang ng hiya mo!" bawal ni Kaira kay Arisa.

Kung normal na araw ito ay matatawa ako. Ngunit ang pakiramdam ko ngayon ay mabigat pa rin, hindi nagbabago. Parang binagsakan pa rin ng langit ng lupa, at nagluluksa pa rin ang puso ko.

Kung wala sigurong sumusuporta sa akin ngayon, matagal na siguro akong baliw, o hindi kaya ay natuluyan nang sumama kina Nanay.

Kumuha ako ng pizza at kumagat doon. Ganoon din ang ginawa nina Kaira.

"Hindi ko talaga maisip kung anong motibo niyang si Melody, at kung bakit niya ginawa sa'yo 'yan?" biglang saad ni Kaira at seryosong nakatingin sa pizza na parang nandoon ang sagot sa tanong niya.

"Baliw na baliw siguro talaga kay Rafael," komento ni Arisa habang puno ng pizza ang kanyang bibig.

Sa totoo lang, iniisip ko rin talaga kung bakit. Tuwing binabalikan ko ang alaala namin noon, naging matalik na magkaibigan naman kami. Sa bagay, ako lang naman talaga ang nakakapagtiyaga sa kaniya noon. Mahirap kasi siyang pakisamahan, at talagang mapusok ang ugali niya, bata pa lang. Ngunit ngayon na nalaman kong nakapatay siya... nahihirapan ang isip ko na intindihin.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon