Kabanata 20

598 39 4
                                    

Kabanata 20

"Sige na, Ericka, sumama ka na. Minsan lang naman mag-aya itong si Jerome," pangungulit sa akin ni Arisa. Birthday ni Jerome at gusto nila na sumama ako sa handaan niya bukas.

"Please! Sige na, please?" pagmamakaawa pa ni Jerome habang magkalapat pa ang magkabilang palad. Napanguso ako. Kahit alam nila na hindi ako sumasama sa mga ganoong pagkakataon, hindi pa rin sila nagsasawa na sabihan o yayain ako. Madalas din mag-mall si Kaira at Arisa at palagi nila akong inaaya noon, pero hindi talaga ako sumasama.

Nahihiya kasi ako kapag nag-aalala sina Mama. Kapag gumagastos ako ng pera o kung maaabala ko ang driver namin kapag aalis ako.

Sobra na ang pasasalamat ko kina Mama dahil binigyan nila ako ng pangalawang pamilya at pinag-aral pa ako. Ayoko nang lubus-lubusin pa 'yon. Ngunit ngayon, mukhang kailangan ko yata talagang i-distract ang sarili ko sa ibang bagay upang matabunan ang lahat ng hinanakit at sama ng loob ko.

"Sige na nga! Anong oras ba bukas? Para makapagpaalam ako kina Mama."
Nag-apiran pa ang tatlo kong kaibigan.

"Yes! Sumama rin sa wakas ang Maria Clara!" natatawang pang-aasar ni Kaira sa akin.

"Baliw!" Natatawa kong hinampas si Kaira ng bahagya. Napangiwi pa ito kahit hindi naman malakas ang pagkakapalo ko.

Naunang dumating ang sundo nina Arisa at Kaira. Jerome and I were left in front of the school as I waited for Mang Carlo. Napapansin ko simula nang pasukan ay palaging sa grupo na namin nina Kaira sumasama itong si Jerome.

Hindi naman siya mahirap pakisamahan, ang totoo ay mabait siya at gentleman.
Ngunit hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit sa mga babae na siya sumasama ngayon. Minsan naiisip ko tuloy na baka kaya wala siyang girlfriend ngayon, at sa amin na siya sumasama ay dahil bading talaga siya at ngayon lang niya nalaman sa sarili niya. Natawa ako sa sariling pag-iisip.

"Mabuti at pumayag ka. Kumpleto na ang birthday ko bukas kapag nando'n ka talaga," seryosong pahayag ni Jerome sa akin kaya naman nahihiya ko siyang tiningnan.

"Bakit naman? Ako ba ang may birthday? Mas ikaw ang importante na nando'n, 'no!" Pinilit kong tumawa sa sinabi ko.

Nagtatawanan kaming dalawa nang may humintong sasakyan sa aming harapan.

"Nandiyan na yata ang sundo mo. Sige na, see you tomorrow!" paalam ni Jerome sa akin habang nakangiti at tinitingnan si Raf na bumababa mula sa sasakyan.

Madilim ang kaniyang tingin, at pabalik-balik niya kaming tinitingnan ni Jerome. His jaw tightened. Jerome nodded to Raf before leaving, but Rafael only gave him a sharp look. I gritted my teeth. Sobrang pagkainis sa kaniya ang naramdaman ko.

"Sige, ingat ka pag-uwi. Bye!" paalam ko nang binuksan na ni Rafael ang pintuan ng passenger's seat ng kaniyang kotse. Pumasok ako roon nang naka simangot.

Habang umiikot pabalik sa kaniyang driver's seat, ay nakaigting pa rin ang kaniyang panga, kaya napairap ako sa ere. Ano na naman ang problema niya?

"Ikaw pala ang susundo sa akin. Okay lang naman kung busy ka. Si Mang Carlo na lang sana ang—"

"Bakit magkasama kayo?" madiin na tanong ni Rafael, pinutol ang sasabihin ko.

"Classmate? Kaibigan? Malamang kasama ko. At hindi lang naman siya ang kasama ko kanina, nauna lang umalis sina Arisa," paliwanag ko.
Bakit ba ako ang nagpapaliwanag ngayon? Hindi ba siya dapat ang magpaliwanag sa akin? Siya itong may ibang ginagawa at hindi man lang ipinapaalam sa akin.

"Is that boy still pursuing you?" matigas na tanong niya at pinaandar na ang sasakyan.

"What? Walang gano'n! Ano ba, Rafael? At anong tingin mo sa akin? Magpapaligaw kahit may boyfriend na ako? Ang babaw naman pala ng tingin mo sa akin."

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon