Panimula

985 23 0
                                    

R18 || Matured content ahead.
Read at your own risk.

Unforgettable Night

Nandito kami ngayon sa bar nagpaparty dahil nanalo ang bruha kong kaibigan na si Ricardizo—ay este si Rica pala sa isang patimplak sa aming baranggay. Napalaki ng panalo ni bakla dahil swerte niya may nagsponsor na foreigner sa sinalihan niyang pageant.

Ang sosyal sa isang mamahaling bar pa talaga kami dinala ni bakla. Bahala siya, siya naman ang magbabayad.

"Congrats 'te pinataob mo silang lahat sa question and answer."  ani ko sabay inom sa baso ng alak na hawak ko. Sobrang pakla. Ganito ba talaga alak ng mga mayayaman.

"Oy 'te nahirapan din kaya ako ang lalim ng english nung foreigner." aniya sabay iling.

May dalawang foreigner kasi na hurado e, ewan ko kung saan nasungkit ng mga tao sa barangay namin ang mga 'yon.

"Pero pak na pak ang sagot mo 'te." ani ni Savitonio—Tonia.

"Huy kinikilig ako sa papuri niyo mga bakla."

Napailing nalamang ako't napangiti.

Labing-anim na taong gulang ako ng pumasok ako sa mundo ng kabaklaan. Na-realize ko na hindi naman talaga mahalaga ang sasabihin ng ibang tao. Hanggang dakdak lang sila girl, minsan sila pa itong walang nararating sa buhay kakapakialam sa buhay ng iba. Ngayong bente na 'ko kailangan ko nang kumayod ng mabuti. Hindi naman sa naghihirap kami pero kasi ang tanda ko na, nakakahiya nang umasa parin sa mga magulang ko kaya kapag nagyaya itong mga bakla ng pageant hindi ako nagdadalawang isip sumali, ngayon lang ako hindi nakasali dahil abala ako sa mga gawain sa aming paaralan.

Kung titingnan mo kaming tatlong magkakaibigan aakalain mo talagang tuwid kaming mga lalaki. Paano ba naman? Kung pumorma kami para kaming naghahanap ng chicks pero ang totoo chupapi talaga ang hanap namin.

May lumapit na babae kay Tonia. Ayan mukhang napogian na kay bakla.

Pinalibot nito ang braso sa leeg ni Tonia. Agad niya kaming tiningnan ni Rica na animo'y nanghihingi ng tulong. Parehas lang namin siyang tinawanan ni Rica. Napakamaitsura naman kasi, lapitin tuloy ng chicks. Chupapi sana.

"Ah, m-miss.." pilit niyang inalis sa kandungan ang babae.

"Why? Ayaw mo ba sa akin?" nguso nitong wika.

Maganda at maputi ang babae kung tutuusin mukha itong barbie doll ngunit hindi barbie ang hanap ng kaibigan ko dahil siya mismo ang barbie.

"Bakla ako miss."

Napanguso ang babae. "Palusot mo lang iyan eh."

Mukhang hindi na talaga alam ni Tonia ang gagawin kaya tinulungan na namin siya ni Rica. "Ah miss taken na yan." ani ko.

"Taken?" umalis na siya sa kandungan ni Tonia, doon na nakahinga ng maayos si Tonia. "Sayang naman.." rinig naming wika ng babae bago tuluyang umalis.

"Wooh! Gosh!" ani ni Tonia habang nanginginig pa dahil sa pandidiri. "Pero bet ko yung makeup niya ah? Ma-try nga."

Kismet [ On-hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon