Chapter 13: Motel incident

400 17 3
                                    


Chapter 13: Motel incident

Ysana Olesia Guinto

"I won't get drunk. I promise." tila nagpa-ulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Luke sa akin habang akay-akay siya patungo sa isang kwarto dito sa loob ng motel.

Hindi naman niya binibigay ang buo niyang bigat ngunit syempre sa liit kong 'to nahihirapan din akong alalayan siya.

Nakayakap ang isa kong braso sa kanyang bewang habang ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa kamay niyang nasa balikat ko.

Hirap na hirap akong susiin ang doorknob ng pinto dahil paano ba naman? Tatlong susi ba naman ang ibinigay sa akin sana naman yung pinakasusi nalang ng pinto diba?

I heard him giggled habang hindi na maidilat ng maayos ang mata. Ang tibay nagawa pa 'kong tawanan. "Tulungan mo kaya 'ko." ani ko.

Kinuha niya sa akin ang susi at wala pang ilang segundo nabuksan na niya ang pinto. Narinig ko ang matunog niyang ngisi ng makapasok.

"I can t..take care... of myself... Ysana." putol-putol niyang wika.

Take care of myself? Ni hindi nga siya makatayo ng maayos.

Pagdating namin sa kama agad ko siyang inilapag paupo roon. Inayos niya ang suot na polo and he slowly unbuttoning it. Napatitig ako sa kamay niya habang ginagawa iyon.

Hinubad na niya ng tuluyan ang polo at iniabot sa akin. Natira na lamang ang fitted white shirt na pabloob niya. "Cover y...yourself up baka lamigin ka diyan.. sa suot mo." napatingin ako sa suot kong itim na tube dress parang nilamig tuloy ako.

Kinuha ko iyon at bahagyang ngumiti. "Salamat. Ikaw matulog ka na." tumango siya bilang tugon.



"Goodnight, Ysana."


I smiled at him habang isinusuot ang polo niya. "Goodnight."

Napaupo ako sa gilid ng kama sabay tanggal ng suot kong heels. Napaigtad pa 'ko ng aksidenteng mabangga ng heels na tinatanggal ko ang paltos sa likod na bahagi ng paa ko.

Ang sakit.


Isinuot ko ang mahabang polo ni Luke sa aking katawan. Halos maging dress na iyon sa laki. Nakayapak at paika-ika akong lumabas ng kwarto tutal carpet naman ang daanan.

Pagdating ko sa dulong bahagi ng hallway agad akong tumawag sa baba. Sinabi ko na kukunin ko yung slippers na inalok nila then sinabi ko na rin yung room number namin.




Hindi ko alam kung bakit may kadiliman ang hallway ng bumalik ako. Hindi ko tuloy namalayang may nabunggo na 'kong bulto ng tao.

"Hala, sorry po pasensiya na." paumanhin ko rito.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa malapit n 'ko sa pinto ng aming kwarto ng biglang may humila sa akin papasok sa hindi ko kilalang kwarto. Agad akong nagpanic pati puso ko'y tila lalabas na sa dibdib ko sa kaba.

"Who.. are you?" bulyaw ko.


Isinandal ako nito sa pader habang hawak ang dalawa kong braso. Ngunit hindi ko na ito hinayaang sumagot dala ng adrenaline rush natuhod ko ang bagay na nasa gitnang bahagi ng mga hita nito.


Kinapa ko ang switch ng ilaw na nasa gilid ng pinto at tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng makilala kung sino ang taong namimilipit ngayon sa sakit habang nakabaluktok sa sahig.

Agad akong lumuhod sa harap niya't inalo ang balikat niya. "Ziah? Bakit mo ba kasi ginawa 'yon ha?" namumula ang mukha niya habang sapo ang sinipa kong alaga niya.

Kismet [ On-hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon